06

1.2K 56 0
                                    

CHAPTER SIX

"Ay! Pota! Ano- bakit-" Nagpupumiglas ako nang basta nalang niya ako hinila sa ikalawang palapag ng club.

Nilingon niya ako. "You want to prove yourself aren't you?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi nga kita maintindihan sa kaka-ingles mo!" Gigil kong sigaw.

Napabuntong-hininga siya. "Ang sabi ko ay kung gusto mong patunayan ang sarili mo?!"

"Oo naman! Pero bakit dito?! Ayaw ko sa maingay!" Kailangan pa naming sumigaw para marinig ang isa't-isa.

"Sundin mo nalang ako."

Napailing nalang ako at nagpabaya na hilahin nalang ako basta.

Pinaupo niya ako sa stall doon, sa lugar na iyon kung saan una ko siyang hinarap. Binalingan ko siya. "Sinasadya mo bang dito tayo uupo?"

Kumunot ang noo niya tapos luminga at ibinalik ang tingin sa akin. "Bakit? Sinisisi mo parin ako sa nangyari sa amin ng ex-girlfriend mo?"

Bumuntong-hininga ako tapos ay nagkibit-balikat, sinalubong ko ang tingin niya. "Oo."

Ngumiti siya. "Mahal mo parin ang babaeng iyon, hindi ka man lang mahal, kasi kung mahal ka niya, hindi niya ako papatulan at lalandiin."

Pagbagsak kong ibinaba ang kamay ko sa mesa. "Bawiin mo ang sinabi mo."

"I won't, hindi ko iyon gagawin, you have to— kailangan mong tanggapin na hindi ka niya mahal, kaya nga pumunta tayo dito para ihahanap kita ng babae, kung ayaw mo sa mga babae, pwedeng ako nalang." Kumindat siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa unang palapag na may nagsasayawan. "Wala akong gusto diyan sa mga sinasabi mo, ayaw ko sa hindi tapat sa pag-ibig... At mas lalong ayaw ko sa isang lalaking kagaya mo..." Ngayon ay tumingin ako sakanya. "Galit ako sa mga ahas."

Nakita ko siyang lumunok tapos ay nagsalin ng iinumin niya.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa baba, napadako ang tingin ko sa isang babae na malaswang nakikipagsayawan sa isang lalaki na mukhang nag-eenjoy.

"Tsk!"

"Gusto mo?" May iniabot siya sa aking isang baso ng maiinom. "Pampalakas-loob." Aniya.

Napatingin lang ako doon sa hawak niya at iniisip kung tatanggapin ba o hindi. "Iyan ay whiskey, subukan mo kahit isa lang."

Tumango ako at kinuha ang baso mula sa kamay niya at nilagok ang isang baso na iyon.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang nalasahan ko iyon. "Blahh!" Kinapa ko ang dibdib ko at saka sinuntok-suntok. "Ang pangit ng lasa!"

"HAHAHA!" Inis akong tumingin sakanya nang tumawa siya. Sinuntok ko ang hita niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na malakas ito?!"

"Malay ko ba umiinom ka ng malakas na inom, gaya ng san miguel." Tumatawang ani niya.

"Eh malay ko ba kasi malakas ito! Ang akala ko eh hindi—"

"Serves you right."

"Ano?!"

Sumilip siya sa basong hawak ko. Tapos ay ipinatong ang dalwang siko sa rehas sa tabi niya at tumingin sa ibaba at biglang napangiti. "My kind of type." Aniya habang nakatingin sa isang grupo ng mga babae doon. Tumingin sa suot ko tapos ay bigla nalang niya ako hinila pababa sa unang palapag.

"Saan tayo pupunta?!" Pasigaw na tanong ko.

Hindi siya tumigil sa paglalakad at basta nalang akong hinila sa harapan ng mga babaeng nakaupo sa mesa na iyon.

Arlo Drei Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon