Shade 1 - MEMO

289 18 0
                                    


MEMO


Guineever University of the North

Library



"Psst, pssst, pssssssssst."

"Bakla"

"Besti!"

"Memo"

"Psst! Memo!!!"

"Gal?!"






"Memoranda!!" Matinis na sigaw ni Faustino ang bakla kong kabigan.







Dahil sa kanya lahat ng atensyon ng tao sa library samin napunta at lahat sila masasama ang tingin saming tatlo. 

Kanina pa kasi ako kinukulit ng dalawang sira ulo na ito. Nanahimik ako dito sa library at nag aaral, para na din mapahinga ang tenga ko sa kaingayan ng dalawang to pero sinundan pa din nila ako.

Akala ko ba allergic itong si Faustino sa library? Asan ba ang jowa nitong si Jillian at ako ang binubulabog niya?

Ngayon na nga lang ako nakawala sa loob ng opisina, kasunod ko naman sila.

"Table No. 3!! Last warning na to, I swear iba-ban ko kayo dito sa library." Nakakatakot na sigaw ni Ms. Mahinahon ang matandang dalagang librarian ng Guineever.

Sa gulat ko nailaglag ko ang librong binabasa ko at si Jillian sa sahig na nakaupo. Samantalang si Faustino naka kapit sa dibdib niya gulat na gulat.

Tutubuan ako ng puting buhok sa dalawang to ng wala sa oras!!

I've already established a good relationship with the school librarian. Lagi kasi akong nandito tuwing vacant to read books for my program or di kaya humanap ng novels. We are close pero she really can't stand loud students especially dito sa loob ng library na inaalagaan niya.

Kaya ng makabalik sa upuan si Jillian, nakangiti kong tinakpan ang bibig niya bago ko siya kinurot sa tagiliran.

Nakangiti ko ring sinabunutan ang buhok ni Faustino habang pinandidilatan siya ng mata. Kahit kelan talaga agaw eksena ang mga ito at ubod ng ingay.

Kapag ako lang talaga na-ban dito sa library ibibili nila ako ng sandamakmak na libro!!

Nakangiwi naman nila akong inirapan.

"Kung namamansin ka kasi gaga, edi sana hindi ako sumigaw!" Galit na bulong ni Faustino habang pumipilantik lantik pa ang kamay.

Aba, siya pa ngayon ang mataray!

"Both of you know that I don't want to be disturb kapag nag-aaral diba?" Nakataas kilay na sabi ko sa kanila habang nag aayos ng gamit.

"Wala ka naman ibang alam gawin kundi mag-aral. Gosh! Manawa ka naman!" Inis na sagot ni Jillian habang nakatingin sa kuko niyang mahahaba. Asan ba ang nail cutter ko? Puputulan ko to ng kuko.

"Baka kasi nursing ako ano?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. "Marami akong kailangang tandaan na terms at i-memorize.

Nararamdaman kong anytime ay sisigaw nanaman sila kaya hinila ko na lang sila palabas. Nawalan na din ako ng gana magbasa.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon