Shade 18 - WITH ME

77 18 4
                                    


MEMO


Ivan's Home



"Ano nga ulit ginagawa natin dito?" Hindi ko napigilang tanong sa kanilang lahat na naging dahilan para tumigil sila sa paghahakot. May kanya kanya silang ginagawa at iniwan lang akong nakatayo sa kwarto ni Ica. Dating kwarto pala kasi akin na daw ito.

"You're moving in." Kibit balikat na sabi ni Cara and after she ignore me again and continue to fix my things.

"Na kayo ang nagdesisyon. Hindi niyo man lang ako tinanong guys. Pala desisyon kayo!" Nagtataray na sabi ko sa kanila na hindi nila pinansin. Nag-usap ata ang mga ito na huwag akong pansinin

"Jillian ang ingay ni Memo!" Reklamo ni Deluxe, wala si Jill ngayon dito nasa labas pa ata kaya sinusulit ko ang moment na to para mag-taray.

"Hindi ako papayag bumalik ka sa apartment mong yon. It is not safe anymore, malay mo may tropa yung mga magnanakaw na binugbog mo at balikan ka." Jill pop out of nowhere and suddenly speak beside me kaya nagulat naman ako.

"Anak ka ng tokwa Jillian!" Sinamaan naman ako nito ng tingin at walang pasintabing dumaan at natabig ako. Inilapag niya ang isang kahon na puro gamit ko sa kama at nakapamewang na humarap sa akin.

Nagtataka kayo? Ako din, hindi pa makapaniwala dahil sa bilis ng mga nangyayari. A while ago nakikipam-buno ako sa mga magnanakaw tapos ngayon lilipat ako sa bahay ni Blue!

"You'll stay here and that's final!" Napapikit ako sa pagtaas ng boses ni Jill. Galit na ang dragon, tiningnan ko naman si Ica. Mukha naman siyang kalmado.

Pero nanlaki ang mata ko ng akmang lilingon si Ica sa amin ni Jill. Naku! Kapag nalaman niyan na ayaw ko dito magagalit din yan!

Inagaw ni Deluxe ang atensyon namin. "Ica saan ko ilalagay itong mga uniform ni Memo?" Mabilis na iniangat ni Deluxe ang mga uniform ko na ini-hanger na din niya at lumapit kay Ica na katulong din nila sa pag-iimis ng mga gamit ko.

Kinindatan ako nito and mouthed 'I saved you' Nag-thank you naman ako sa kanya.

"There's a closet there just put it nicely." And then Ica continues what she is doing, which is organizing my books in the mini shelf beside the study table of this room. Nalungkot naman ako ng maalala kong nasira ang laptop ko dahil sa lalaking mukhang pwet kanina.

Dapat ay itatakbo niya ito pero dahil dumating ako at ito ang unang niyang hawak, binato niya ako pagkapasok ko sa pinto ng laptop ko.

"Hoy! Mga desisyon kayo! Itigil niyo na nga yan." Hindi naman nila ako pinansin lahat at nagpatuloy sa mga ginagawa.

Minsan nakakainis din na mayaman sila at nakakalimutan ko yon. The reason why most of my things are already here is because every one of them has a car kaya naging madali ang paghahakot ng mga gamit ko mula sa apartment.

My apartment was a mess actually, sira ang karamihan ng gamit ko dahil lahat ng madampot ko kanina ginagamit ko para pambato o hampas doon sa mga magnanakaw. They got nothing from me because my money is in the bank.

Nagpapasalamat talaga ako dahil pinilit ako nila Tito dati na mag-open ng bank account para sa allowances na ibinibigay nila, doon ko na din inilalagay ang ilan sa mga sweldo kong sobra. Pero nabawasan ko na din yun dahil ibinigay ko kay Tita ang iba.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon