MEMO
Mayhem Convention Center
"Pres?" kinuha ni Saturn and atensyon ko kaya hindi natuloy ang paghikab ko.
"Inaantok ako Saturn." Mahinang reklamo ko sa kanya. Magkalapit lang kami sa upuan kaya alam kong naririnig niya ako.
"Malapit na din pong makatulog si Kuya Freed." Turo ni Saturn kay Freed na nakaupo sa kabilang bahagi ng lamesa.
Parang sabog na pilit inimumulat ni Freed ang kanyang mata habang nakahalumbaba sa lamesa. Natatawang naawa ako sa hitsura niya ngayon.
Saktong tumingin sa akin si Lilah na katabi ni Freed kaya sinenyasan ko siya na gisingin si Freed at mukhang kinurot siya nitong isa kasi nakitong kong ngumiwi ito. Lumingon naman ulit sa akin si Lilah at ngumiti ng malapad.
Sinubukang kong makinig ulit sa guest speaker pero nalulutang talaga ako. Hindi pa nakakatulong na ang lumanay ng boses niya kung magsalita.
"Saturn." Tawag ko ulit kay Saturn na mukhang nakikinig na ulit sa discussion.
"Bakit po?" Sagot niya.
"May naiintindihan ka sa sinasabi niya?" Lumukot naman ang mukha sa akin ni Saturn at mabilis na umiling.
"Namomoblema na nga ako Pres." Nagkakamot ng ulo na sabi niya. "Hindi ko na alam kung paano ko ito gagawan ng minutes."
"Nagre–record ako sa phone hehe." Nanlaki naman ang mata ni Saturn sa akin.
"Hindi ba bawal yan Pres?" Nagkibit balikat ako.
"Hindi ko din alam." Kibit balikat na sagot ko sa kanya. "Huwag ka na lang maingay isasalba tayo nito kay President Guineever kapag nang hingi iyon ng report." Tumango tango naman si Saturn sa akin.
Antagal kasi matapos magsalita ng speaker, the district conducted a summit about mental health and dahil it is impossible for the speaker to conduct the talk per school, pinatawag na lang kami dito Convention Center ng Mayhem. They limit the number of participants and just decided na CSC and SSC officers na lang ang umattend.
"Pres sinong sasagot sa open discussion?" Bulong sa akin ni Nemiya na katabi ko pala.
Muntik ko ng makalimutan na may open discussion pa.
"Malakas ka ba kay Lord?" Tanong ko kay Nemiya with hope.
"Ha bakit po?" Takang tanong niya.
"Magdasal ka na huwag tayong matawag." Sabi ko sa kanya na may pagtitiwala.
"May I ask where are the students from Guineever University of the North?" Ipinikit ko ang aking mata bago alanganing nagtaas ng kamay. Dahil wala man lang nagtaas ng kamay ni isa sa mga kasama ko. Mga hindi din yan nakinig kaya ganyan.
"Pres malakas ako kay Lord pero ikaw mukhang hindi." Bulong sa akin ni Nemiya habang nakataas ang kamay ko.
"Hi! Good morning to the Student Council of Guineever." Nakangiti bati sa amin ng guest speaker habang ako ay nakangiwing bumati din.
"Good morning."
"Good morning po."
"Morning Doc."
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse