Shade 13 - ROUTINE

88 17 6
                                    


JILLIAN



Guineever University of the North

Cafeteria



"Wala nanaman si Castillejo, nasakit na ang ulo ko sa council. Paano sila na – handle ni Memo at natatagalan?" Ang aga aga nasulpot itong si Lilah at nagrereklamo. 

"Busy ako Guineever huwag ka sa akin manggulo." Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nito bago bumaling sa tabi niya na wala namang tao. Pasimple akong natawa sa pagkapahiya nito.

"Walang ibang tao Thates, kaya ikaw ang kakausapin ko." Kaya ayaw ko sa kanya kasi parehas kami ng tabas ng dila at ugali. Hindi ako manalo diyan, every debate we had noong high school kami laging tabla! We finished high school without settling a score between who's the best in the both of us. "Stop reading me Jillian with your psych powers."

"It is not powers Lilah." Anong tingin niya sa akin si Dr. Strange? Nangtri – trip ng kaluluwa? "It is all about observation, bakit ka ba nangugulo dito?" Nanahimik ako dito at nagbabasa ng cases. Malaki ba ang gastos kapag nagpatapon ng tao sa Bermuda triangle?

"I miss Memo, tsaka ubos na ang naka–stock kong pasensya para kay Freed at Triump." She looks really done and tired. 

"Ngayon ang balik ni Memo kaya makakahinga ka na ulit." Ngayon ang araw na sabi niya ay babalik siya galing Lucban. Sana nga bumalik na siya, naririndi na ako sa mga kaibigan namin at sa lahat ng taong naghahanap sa kanya.

Dala ba ni Memo ang mga kaldero nila at lagi siyang hanap?

"Kakauwi niya lang noong last Monday tapos umalis nanaman siya ng Wednesday at ngayon lang ulit uuwi." Gusto ko sana siya sagutin ng alam ko kaso wala ako sa mood magmaldita sa kanya. Asan na kaya si Cara? Magdadala daw siya ng kape ko.

"Palagi siyang wala, may problema ba siya?" Meron, pero hindi ko alam kung ano. Dada siya ng dada pero wala akong pake, inaantay ko lang talaga ngayon ay si Cara.

"Tang*na Thates makinig ka nga!!" Sinisigawan ba ako ng mahaderang to?!

"Jillian!!" Lilah's face somehow lightens up, andito na kasi si Memo kasunod si Cara na dala ang kape ko. Buti dumating na sila kasi kung hindi nako baka dumanak na ang dugo dito noong sinigawan ako nito ni Guineever.

Bumalik na ang president niya na inaantay din ng lahat. Mabilis na umupo sa tabi ni Lilah si Memo at walang sabi sabing niyakap ni Guineever ang kaibigan ko. Ganyan ba sila ka – close? "Babe nakataas ang kilay mo." Natatawang puna ni Cara.

"Hoy Guineever hindi na makahinga yan si Memo." Pagtataray ko dito kasi mukhang naiilang si Memo sa yakap nito.

"Castillejo sinusukuan ko na si Freed at Triumph, huwag ka ng umalis. Ayokong hindi ka kasama sa college convention." Natawa naman si Memo dahil sa hitsura ni Lilah sa harap niya ngayon. Para itong batang nagmamakaawa.

"Sorry kung sayo ko naiwan ang council. Nandoon naman si Saturn, parehas niyo na lang pagtulungan si Freed at Triumph." Imbis na gumaan ang pakiramdam ni Lilah mukhang sumama lalo.

"Ayokong naririnig ang pangalan ni Freed. Alam mo ba kung anong ginawa niya kahapon? Nadetention lang naman siya kasi nahuli ang buong klase nila na naglalaro ng jackstone at uno na siya ang may dala." Mukhang bibigay na talaga to si Lilah. "Tapos dahil part siya ng council napatawag din ako. Napagalitan ako ng adviser natin sa council at ni Tito Ollan." Ollan or President Ollan Guineever was the owner of this school, Lilah's uncle.

Bluer than BlueWhere stories live. Discover now