Chapter 9

3.4K 65 1
                                    

"I am going to buy this whole island and I will be the new owner of Montelust Island!" pumalakpak naman si Lily habang sinabi niya yun.

"What?" pasinghal na tanong ni Reo.

Lahat ay nagulat dahil sa anunsyo na sinabi ni Lily sa kanya maliban kay Hades na tahimik na umiinom.

"Hades, is she serious?" tanong ulit ni Reo pero tango lang ang itinugon nito sa kanya.

"Did she told you about this?"

"Yeah she did. But I didn't worry that much" iinom na sana si Hades ng pinigilan siya ni Ellen kaya tiningnan niya ito.

"I guess we should talk in private" tanging sambit ng asawa niya sa kanya. Lumabas naman sila at tumungo sa dalampasigan.

"So what now?"

"Papabayaan mo lang ba siya na bilhin niya itong buong isla?" tanong ni Ellen ng hindi nakatingin sa kanya.

"Yes but"

"You did everything to own something like this. Why aren't you mad or even shocked about what she said earlier?" humarap aa kanya ang asawa niya.

"Look Ellen, I know she can't afford this whole island"

"Yes she can. Hindi mo ata naisip na mayayaman ang pamilya nila, you know her." Hades was confused because Ellen was mad about the news.

"Okay wait, why are you mad? I mean. I owned this island, I can do whatever I want."

"Yes it's yours Hades. Pero isipin mo kung anong klaseng buhay ang nangyayari sa buhay mo dito sa islang ito. Alalahanin mo kung anong meron sa islang ito, if I am really your wife then think about me, Hades." biglang natahimik si Hades nang dahil sa sinabi ng asawa niya sa kanya.

"Maybe I should sleep in the cabin. I just need to be alone for now. Just remember what kind of life you had right now Hades, kung ano ang meron sayo at naangkin mo ng dahil sa isla na ito." tumalikod naman ang asawa niya sa kanya.

Iniisip naman niya kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng sinasabi ni Ellen sa kanya.

What's wrong with her?

KINABUKASAN nasa pool yung magtotropa dahil inimbitahan sila ni Condrad, nag uusap ang mga ito hanggang mag isang dumating si Hades sa grupo.

"Nasaan ba asawa mo?" tanong ni Reo habang patingin tingin sa paligid. Umupo naman si Hades sa vacant seat.

"Hindi kami magkasama kagabi"

"Lemme guess, is it about what Lily said last night?" hindi sumagot si Hades, kumuha lang siya ng beer at ininom ito.

"What happened last night?" Condrad asked.

"Well, the hot ex girlfriend is back. She announced last night that she will buy this whole place" halos mabulunan si Condrad sa sinabi ni Huston.

"Totoo pala na andito siya?" tanong ni Cohen.

"Ano naman ang binabalak ng babaeng yun? I mean, he's into Hades I guess gusto ka niyang balikan Hades or gusto niya na habulin mo siya kaya yun ang sinabi niyang rason para maangkin ka. That woman is a crazy bitch" sagot ni Condrad.

"And speaking of crazy bitch" agad naman silang lumingon sa tinitingnan ni Caliever.

Naka bathing suit si Lily habang naglakad ito ng mala model palapit sa kanila, agad naman itong umupo sa tabi ni Hades.

"Hello boys" bati ni Lily sa kanila at nakahawak sa braso ni Hades, umiwas naman agad si Hades sa kanya.

"Kung ano man iyang pinaplano mo I'll make sure hinding hindi ka magtatagumpay"

"Oh really, look at your wife's face. Isn't she look pity" tumingin naman si Hades sa deriksyon kung saan tinuro ni Lily.

Nakatayo lang si Ellen habang nakatingin sa kanila at agad itong tumalikod.

Fuck.

"Wow, gumanda siya ah?" napahilamos sa mukha si Hades nang dahil sa inis.

"Diba nag usap na tayo tungkol dito? She's my wife"

"Wala namang pinaglaban sa akin." agad na sagot ni Lily sa kanya.

"Pinaglaban? You are wrong about that Lily. You better look behind you" lumingon naman si Lily at nagulat ito ng makita si Ellen.

She's wearing a lace-up smocked bikini, a peach color heels, sunglasses and beach hat. She walked like a model towards to her husband.

"Oh what did I miss?" tanong ni Ellen habang hinubad ang sunglasses nito.

"Wait? You're only wearing a cheap bikini earlier and a slippers and now, what? Are you kidding me?" reklamo ni Lily habang nakatayo at hinarap si Ellen.

"Namalikmata ka lang siguro. By the way, Lily that's my husband that you are holding. Take off your hands of him. And get lost" kinakabahan si Ellen habang ginagawa ito pero kailangan niyang magpanggap na sassy para umalis si Lily.

"Okay, enjoy your moment being the 'wife of Maniac' the richest man. Just enjoy it all, Ellen. Someday, everything will disappear. Your shoes, accessories, expensive bikinis, sunglasses, everything and of course your husband as well. Mapupunta ka rin ulit sa kung saan ka galing at kung saan ka bagay. No other than, being the trashy girl and you will always the trashy girl." ngumisi naman si Lily bago pa siya umalis sa harap nila.

Halos walang masabi si Ellen sa lahat ng sinabi ni Lily sa kanya. Hindi siya nasasaktan sa mga bagay na mawawala sa kanya, kundi sa taong mawawala sa kanya. Kahit alam niyang hindi siya nito mahal ay ayaw niyang malayo si Hades sa kanya.

Umupo naman si Ellen sa tabi ni Hades at bigla niyang hinablot ang isang bote ng alak at nagulat silang lahat ng nilagok ito ni Ellen ng walang pagdadalawang isip.

"Wait wait hey Ellen!" inubos lang niya ito at nilapag ang walang lamang bote ng alak.

"Are you crazy?" tanong ni Hades sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Ellen, you look amazing. Like legit, you are hotter than–oops wrong timing, I guess. I better go for a swim" tumayo naman si Huston saka ito umalis.

"Ellen, you okay?" tanong ni Condrad at nagkatinginan naman yung dalawa dahilan na nag iba ang modo ni Hades dahil sa nakikita niya.

"She's fine, Condrad." sagot ni Hades.

"Just making sure."

"I appreciate your concern but she don't want you actually. Hindi ka naman asawa niya"

"Well at least, I'm concern unlike the husband parang walang paki at nagalit pa. Napaka nonsense, when you witnessed na sinisiraan ang asawa niya tapos wala ka lang paki? The fuck" tumayo na sana si Hades pero biglang nagsalita si Ellen.

"Stop it, will you? Tama na. Thank you sa concern, and yes I'm okay. Kaya pabayaan niyo na muna ako. Aalis na ako" agad na tumayo si Ellen habang iniisip pa rin ang lahat ng nasambit ni Lily sa kanya.

Ugh Ellen, you're such a stupid bakit ba kasi nilalabanan mo pa ang babaeng yun? When you already knew na wala kang laban sa babaeng yun at hinding hindi ka naman ipaglalaban ng mismong asawa mo na nakakita mismo na sinisiraan siya ng harap harapan. Fuck it.

Love or Lust Series 2: Hades ManiacWhere stories live. Discover now