Chapter 1

38 7 3
                                    

First day of class ngayon

Ayoko talaga pumasok pero ang haba ng talak ni mama nung sinabi ko na ayokong pumasok

"PINAKAUNANG ARAW NG SCHOOL YEAR DI KA PAPASOK ? ! ANONG DAHILAN MO ?!! MAY SAKIT KA BA ?!! WALA NAMAN DIBA ?!?!! PAPASOK KA !!"
Sigaw nya na paulit ulit

Pumasok ako sa classroom, unang tingin palang halata na may sari sarili na silang mga grupo, mag kakasama yung mga mag kakaklase last year, at mag isa yung mga transferred students na wala pang mga kilala

Well, kasama na ako dun sa pangalawang category, bago lang kasi ako dito sa school na to, kakalipat lang kasi namin dito...

Umupo ako malapit sa bintana, wala namang kumakausap sakin, kaya nag drawing drawing nalang muna ako sa notebook ko pampa lipas oras

Maya maya tumahimik bigla, tumingin ako sa harap ng room at nakita kong dumating na pala yung teacher ...

"Hi class ako nga pala si Ma'am Juliet adviser nyo for this school year, alam kong medyo old school at laos na, pero gusto kong makilala kayo isa isa, so introduce yourselves "
Sabi ni ma'am

"Let's start with you"
Sabi ni ma'am bago mag isa isa silang mag self introduction

Inisa isa kami hangang sa umabot na sakin

"Hi, I'm Joseph Ferrer, 18 years old, Kakalipat lang namin so wala pa akong masyadong mga kilala, so i hope we can be friends "
Sabi ko bago umupo

After non sunod sunod na silang nag self introduction

1 week later

1 week na ako dito sa school, may mga naging kaibigan na din ako tulad nila marco, rain at natasha

Sabi ni ma'am may i aannounce daw sya ngayon

"Ok class, so today mag bobotohan tayo ng class officers, magsisimula tayo sa president then mag tatapos tayo sa escort"
Sabi ni ma'am

"So let's start, sinong mag vo volunteer or mag no nominate for president?"
Tanong ni ma'am

"Ma'am ako ma'am"

"Ma'am si ano Ma'am"

"Ako Ma'am"

Nag simula silang mag unahan

"Ok, So our class president is pauleen flores , congratulations, next is, Vice President "

"Ma'am si Joseph Ma'am"

Lumingon agad ako kung saan galing yung boses, Marco, siraulo ka

"Ma'am hind-"
Pinutol ni Ma'am yung sasabihin ko

"Ok Ferrer, anyone else?"
Sabi ni ma'am

"Ma'am!"
Sigaw ko, pero hindi nya pinansin

"Ok, our Vice President is Joseph Ferrer"
Sabi ni ma'am

Tumuloy tuloy lang ang botohan, hangagang sa matapos, after noon pumunta ako kay marco at binatukan sya

"ANONG TRIP MO?!"
Sigaw ko sakanya

"Bakit? Anong ginawa ko sayo?"
Tanong nya

NagparayaDär berättelser lever. Upptäck nu