Chapter 2

22 5 0
                                    

"Bakit ko ide delete?"
Tanong ko

"Atsaka bitawan mo nga ko"
Sabi ko bago tanggalin yung kamay nya

"Kasi ampangit ko sa picture na yun"
Sabi nya

"Tatanggalin ko dahil pangit ka sa picture?"
Kinuha ko naman phone ko at tinignan yung picture

"Parehas lang naman ahh... hindi ka maayos tignan sa picture dahil pangit ka kasi"
Sabi ng isang boses sa likod ko

Tumingin naman ako kung saan galing yung boses at nakita ko si marco na hinahampas nung regina na nag papa delete ng pic

"Basta i delete mo, Ok?"
Sabi nya

"Bahala ka, di ko idedelete"
Sabi ko

Lumapit naman sya sakin at tinry agawin yung phone ko

"Ano bang problema mo? Takot ka bang makita ng crush mo yung pic?"
Pang aasar ko sakanya

"Tanggalin mo na kasi"
Sabi nya

"Bahala ka"
Sabi ko

"I DELETE MO NA KASI!"
Pag sigaw nya

May sasabihin pa sana ako pero hindi ko na nasabi dahil dumating na yung next subject teacher namin

Tinarayan at inirapan nya muna ako bago umupo sa upuan nya, kanina nya pa sinisipa yung upuan ko

nasa likod ko lang kasi yung upuan nya kaya naman madali nyang nasisipa yung upuan ko

Hindi ko naman sya pinansin at iniwasan lang buong araw at yung mga sumunod pa na araw

Matapos lumipas ang isang linggo tinigilan nya na ako kaya feeling ko naka limutan nya na about sa picture

"Ferrer at Estrella, dalhin nyo sa room ko yung bag at yung chart na to, at pupunta na ako sa meeting"
Sabi ng teacher namin sa science bago umalis

Tinignan ko naman sya at inirapan nya ako bago tumayo at kunin yung chart

"Ano? Ako pag bubuhatin mo ng bag, ambigat bigat non?"
Sabi nya

Tinignan ko lang sya at di sinagot bago kunin yung bag, at nag simulang mag lakad papalabas ng classroom at sumunod naman sya

Pinatong namin yung bag at yung chart sa desk ni ma'am at umalis agad

Palabas na kami ng classroom nung science teacher namin nang sumigaw yung isang babae
"NEGRA! SUNOG! AMPANGIT MO BUMALIK KA NA LANG SA IHAWAN ULING!"
Sabi nya

Tumingin naman ako sa sumigaw at napansin si Regina na tinatakpan yung mukha nya gamit yung bohok nya

Binilisan nya naman yung lakad nya na halos tumatakbo na sya, agad na hinawakan ko naman yung kamay nya

"HUMINTO KA NGA!"
Sabi ko na hinihingal kaka habol sakanya

"Bakit ka ba nag mamadali ha?"
Tanong ko umiwas naman sya ng tingin at hindi sinagot yung tanong ko

"Dahil ba sa sinabi nung babaeng yun kanina?"
Hindi sya sumagot pero kita mo sa mukha nya na ayun nga yung dahilan

"Naapektohan ka sa ganong pang aasar?"
Tanong ko sakanya

Tumingin naman sya sakin at kita mo agad yung galit sa mata nya
"IKAW KAYA SABIHAN NG GANON! HINDI KA BA MASASAKTAN?! ARAW ARAW NALANG AKO SINASABIHAN NG PANGIT SATINGIN MO DI AKO MAAPEKTUHAN?!"
Pag sigaw nya sakin

Nasa ginta kami ng hallway kaya nag simulang mag tinginan samin yung mga taong dumadaan

"Kumalma ka muna... doon nalang tayo mag usap sa may -"
Pinutol nya yung sasabihin ko

"HINDI! LAGI NALANG KAYONG GANYAN! LAHAT KAYO! MAG SOSORRY NALANG DAHIL BAKA MAAPEKTUHAN YUNG REPUTASYON NYO!"
Sigaw nya pa, kita mo na may namumuong luha sa mga mata nya

"Ako? Bat ako mag sosorry sayo kung wala naman akong ginawang masama?!"
Tanong ko sakanya

"Sinabi ko na nga na idelete yung picture dahil ampangit ko, pero hindi nyo na nga dinelete inasar nyo pa ako."
Sabi nya, nag simula namang tumulo yung mga luha kanina pang naiipon sa mata nya

"Hindi kita inasar, si marco yun, at kaya ayaw kong idelete yung picture dahil maganda at maayos ka naman tignan doon"
Sabi ko

"Ako? Maayos tignan? Sinasabi mo lang yan dahil madaming nakatingin saatin ngayon, pero kung dalawa lang tayo, sasabihin mo ampangit pangit ko"
Sabi nya

"Maganda ka naman talaga ahh.. wag mo kayang isipin at hayaan nalang yung mga sinasabi ng ibang tao about sa itsura mo, pag ginawa mo yun makikita mo din naman na maganda ka naman talaga.."
Sabi ko

Hindi na sya maka hinga kaiiyak kaya yinakap ko sya at pinakalma na muna
"Sshhh... kumalma ka lang muna.."
Sabi ko

Umupo muna kami sa malapit na mauupuan, wala yung mga teachers dahil may meeting sila, kaya ok lang na nandito kami ngayon

"Ok ka na?"
Tanong ko

"Oo.."
Sabi nya, pero nanginginig parin boses nya

"Kaya ba ayaw mo sa picture na yun dahil sa tingin mo pangit ka doon?"
Tanong ko sakanya

Yumuko naman sya at huminga ng malalim
"Lagi naman akong pangit ehh, negra ako, kulot, maliit ako, parang lalaki kung kumilos, lagi naman ganon yung mga sinasabi nila about sakin, pero totoo naman yun diba?"
Sabi nya

"Sa panahon ngayon kasi pag di ka maputi pangit ka, pag hindi straight bohok mo, mukha ka daw sabog, pag babae ka na mas matangkad pa sa lalaki ayaw nila sayo, pati pag bara bara at parang lalaki ka kumilos, ayaw parin nila sayo"
Tuloy nya pa

"Pangit naman talaga ako ehh... wag ka na mag sinungaling.."
Sabi nya, nag simula ulit tumulo luha nya

"Look"
Sabi ko bago ko sya hawakan sa mukha

"Maganda ka, wag mong hayaan na madala ka sa mga sinasabi ng iba, ok?"
Sabi ko habang pinupunasan luha nya

"Wag ka na mag sinungaling alam ko naman ehh"
Sabi nya

Tinignan ko naman sya sa mata at sinabing
"Maganda ka nga, kaya nila sinasabi yun dahil inggit sila sayo, dahil ayaw nila sa mga taong feeling nila kakompitensya nila, kaya wag kang mag papa apekto sa mga sinasabi nila, ok? "
Sabi ko

"Ok.."
Sagot naman nya

Maya maya ay bumalik na kami sa classroom

Agad na lumapit naman ako kay marco at may binulong sakanya di nag tagal ay lumapit si marco kay regina

"Sorry, hindi ko naman inisip na masasaktan ka sa biro ko, pero, kahit na biro lang yun, sorry parin.."
Sabi nya

"Ahh.. wala yun.. ok lang yun.."
Sabi ni regina, tumingin naman sya sakin at lumapit

"Ano sinabi mo sakanya?!"
Bulong nya sakin

"Wala, na nakaka sakit ng damdamin yung biro nya"
Sabi ko

"Kinwento mo yung nangyari kanina?!"
Tanong nya

"Hindi, ang sinabi ko sakanya is 'yung biro mo kay regina, hindi nakaka tuwa, ikaw kaya sabihan ng pangit matutuwa ka ba? Mag sorry ka, mamaya seryosohin nya yun'"
Sabi ko

"Pero lumapit naman sya at nag sorry diba? Nag sorry sya dahil sinabi nya na pangit ka kahit maganda ka naman talaga, kaya hayaan mo silang mag salita ng mag salita jan, basta alam mo sa sarili mo dapat na maganda ka, at walang ibang makakapag pa bago non. Ok?"
Sabi ko

Ngumiti naman sya
"Oo na... at.. thank you nga pala sa kanina.."
Sabi nya bago umupo sa upuan nya

NagparayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon