Chapter 3

21 5 3
                                    

After ng ilang buwan mas naging close kami ni Regina, wala naman kasing masyadong nangyayari these past few months

Gigising, kakain, maliligo, Papasok, uuwi, kakain, matutulog , tapos ulit sa umpisa

May surprise daw si ma'am samin kaya inaantay namin sya ngayon

Maya maya ay dumating na si ma'am, may hawak syang parang kartolina na naka balot
"So class, alam kong yung iba sainyo iniisip na masyado na kayong matanda para dito, pero"
Huminto si ma'am at binuklat yung hawak nya
"May magaganap na Christmas party sa 13"
Sabi nya

Iba iba yung reaction sa section namin, may exited, may ayaw, at may mga walang paki, at isa na ako doon sa wala masyadong paki

"So, bubunot tayo dito, kung sino yung mapili nyo, sya yung ka exchange gift nyo"
Sabi ni ma'am

Isa isa naman kaming pumila at bumunot, yung iba exited yung iba naman parang na dismaya sa nabunot nila

Maya maya ay bumunot na ako ng ka exchange ko

"Gavrielle guerrero"
Pag basa ko sa naka sulat sa papel

Bumalik na ako sa upuan ko, maya maya may kumalabit sa balikat ko, kaya tinignan ko kung sino

"Sino nakuha mo?"
Tanong ni Regina

"Ahh, si gav, ikaw? Sino nabunot mo?"
Tanong ko

"Si diana"
Sagot nya naman

"Kailan mo balak bumili?"
Tanong nya

"Hmm.. bukas? Ng gabi? ayaw ko sa umaga, masyadong mainit"
Sabi ko

"Pwede sumama? Para doon nalang din ako bibili? Tutal pareho naman babae nabunot natin"
Sabi nya

"Sige, chat ko nalang sayo kung saan at kailan"
Sabi ko

kinabukasan ay nag kita na kami sa mall

"Kanina ka pa ba?"
Tanong nya

"Hindi, kadarating ko lang"
Sabi ko

After non ay pumasok na kami sa mall at nag ikot ikot

"May naisip ka na bang bibilhin?"
Tanong nya

"Hmm.. we bare bears na t-shirt, favorite nya daw yung palabas na yun ehh"
Sagot ko naman

"Ikaw? Ano bibilhin mo?"
Tanong ko sakanya

"Wala pa akong naiisip ehh, mamaya nalang unahin muna natin yung sayo.."
Sabi nya

"Ayun ohh!"
Sabi nya bago tumakbo papasok sa isang store sa mall

"Eto? Pwede to diba?"
Tanong nya

"Hmm.. wag yan, di bagay kulay"
Sabi ko

"Anong masama sa Neon green?"
Tanong nya

"Basta. Hanap nalang sa iba"
Sabi ko bago sya hilahin paalis doon

Nag ikot ikot kami sa buong mall, akyat baba kami dahil wala kaming mahanap na tamang size or magandang kulay

"AYUN OHH!"
Sigaw nya

"Maganda sya ohh.. pastel pink, sakto din yung size!"
Sabi nya

Kinuha ko naman ito at tinignan yung size, tama nga yung size at cute yung color kaya binili ko na

"Ikaw? Wala ka bang nakitang gusto mong iregalo?"
Tanong ko sakanya

"Wait lang.. nagutom ako kalalakad, kain muna tayo mabilis bago mag hanap ng pang exchange gift ko"
Sabi nya sakin bago ako hilahin papasok sa isang fast food restaurant

NagparayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon