Chapter 7

14 4 2
                                    


: Joseph
Papunta na ako

Love :
Sige, pag dating mo aalis na agad tayo

Di nag tagal ay umabot narin ako sa bahay nila regina, pag dating ko naka white sya na croptop at pantalon, andoon din yung kapatid nya

"Happy Birthday!"
Pag bati ko sa kapatid nya

"Thank you, bayaw"
Sabi ng kapatid ni regina

"Bayaw?"
Tanong ni regina

"Oo.. ikakasal din naman kayo diba?"
Sabi ng kapatid nya

"Ang advance mo masyado mag isip"
Sabi ni regina

After noon ay umalis na kami, pumunta kami sa isang park na may maliit na playground at soccer field

Kumain kami doon nag kulitan tawanan then nag picture picture, tapos umuwi din naman agad

Pauwi na kami ng may makita akong cute na maliit na flower

Pinitas ko naman ito at binigay kay regina

"Thank you"
Sabi nya matapos kong ibigay sakanya

May mga pinitas pa akong flowers na hindi binigay sakanya, pag uwi ko naman ay nilaminate ko ito at ginawang book mark

Para tuwing makikita ko 'yon maalala ko sya

Mabilis din lumipas yung mga araw, papasok kami pag weekday, at mag dadate naman pag weekend

Madami kaming napuntahang mga lugar, karamihan doon ako nag pakita sakanya

Nasa sala kami nang bahay nya habang may ginagawa sya na inutos ng mama nya nang may nag text sakanya

: Kuya
Sure ka? Baka magalit naman yun

Binitawan ko phone nya dahil ayaw ko naman mag basa ng chat ng kuya nya

Maya maya ay may bumababa mula sa taas, akala ko si regina pero yung kuya nya yung sumalubong sakin

"Joseph, andito ka pala.."
Sabi ng kuya ni regina

"Opo.. andoon po si regina sa kusina, nag lilinis po ata kaya hindi nabasa yung chat nyo"
Sabi ko

"Chat ko? Wala naman akong chat sakanya, at kung may sasabihin ako pwede ko namang isigaw mula sa taas"
Sabi ng nya

"Wala kang chat?"
Tanong ko

"Wala, pasabi nga pala kay mama na nasa court ako dahil may laro kami ngayon, sige na aalis na ako, bawal kayo sa taas ng walang kasama ha?"
Sabi ng nya

"Opo"
Sagot ko naman bago sya umalis

Nag taka ako kung sino yung nag chat dahil isa lang naman kuya ni Regina kaya inopen ko yung phone nya

Kuya :
Ok lang ba kay Joseph na mag kausap tayo?

: Regina
Oo, wala sakanya yun..

Kuya :
Sure ka? Baka magalit naman yun

: Regina
Hindi yun ako bahala

Nag taka naman ako kung sino yung ka chat nya kaya inistalk ko yung account

"Love.. tapos na ako"
Sabi ni regina

Binitawan ko naman yung phone nya at pinatong sa lamesa

"Mag kausap parin kayo ni Jr?"
Tanong ko sakanya

"Oo.. ok lang naman sayo yun diba? Friends lang naman kami ehh"
Sabi nya

"Pwede bang wag na kayo mag usap? Layuan mo na sya"
Sabi ko

"Huh? Bakit naman?"
Tanong nya

"Kasi baka ma missunderstand nya yung pakiki pag kaibigan mo"
Sabi ko sakanya

"Sige.. if ayun yung gusto mo"
Sagot naman nya

Hinawakan nya naman kamay ko bago sabihin
"Nagugutom ako, tara kain tayo sa labas"
Sabi nya

Pumayag naman ako then umalis na agad kami at kumain sa malapit na kaininan

*****

Ilang araw na lumipas mula nung nabasa ko yung mga chats nila, katatapos lang ng 1st monthsary namin kahapon

Mas na curious ako kaya inopen ko yung messenger acc nya

30 Minutes ago

: Regina
Loadan mo ko, pleaseee

Kuya :
Ehh.. dun ka sa bf mo mag pa load

: Regina
Sige na, parang walang pinag samahan ahh

: Regina
Pleeaaassseee !!!!

Kuya :
Oo na sige na, ayun parin ba number mo?

: Regina
Hindi, yung bago kong number is
094********

Kuya :
Nakuha mo na?

: Regina
Oo, Thank you, save mo nalang no. Ko para pag gusto mo akong ilibre in the future

Kuya :
Sige,ingat bye

: Regina
Bye

Natawa naman ako nung nabasa ko yun.. sinabi ko na sakanya na layuan si Jr pero chinat nya parin

At gumawa pa sya ng paraan para maibigay yung bago nyang number kay Jr

Nainis na ako kaya pinuntahan ko sya para pag sabihan sya at para sabihin na iblock na si Jr

"Regina!"
Pag tawag ko sakanya

"Hi? Bakit ka galit?"
Tanong nya

"Paano mo nalaman na galit ako? Alam mo na may ginawa kang mali?"
Tanong ko sakanya

"Hindi! Usually tawag mo sakin 'Love' tinatawag mo lang ako sa pangalan ko pag galit ka"
Sabi nya

Nilabas ko naman yung phone ko at pinakita yung mga chat nila ni Jr.

"Sabi ko layuan mo na si Jr diba?"
Sabi ko sakanya

Tinignan nya lang yung phone at sinabi
"Anong masama dyan? Mag kaibigan lang naman kami ehh"
Sagot naman nya

"Pero sabi ko layuan mo na sya diba?"
Sabi ko

"Anong ginawa kong masama? Bakit? Bawal bang maging mag kaibigan ang mag ex?"
Tanong nya

"So kino consider mo syang ex kahit na wrong send ka lang naman sakanya?"
Tanong ko

"Oo.. mag kaibigan lang kami at kung ayaw mong maniwala bahala ka sa buhay mo!"
Sigaw nya bago pumasok sa kwarto nya at idabog yung pinto

NagparayaWhere stories live. Discover now