Chapter 4

18 4 2
                                    


"Fake dating?"
Tanong nya

"Oo.. like, mag aacting tayo na couple tayo."
Sagot ko naman

Tumawa naman sya
"Anong maitutulong nun?"
Tanong nya

"Sabihin mo na matagal na tayo, tapos explain mo sakanya na na wrong send ka tapos busy ka kaya hindi mo nasabi na wrong send lang pala"
Sabi ko sakanya

"Sino naman maniniwala na mag jowa tayo?"
Tanong nya

"Lahat sila.. bakit? Impossible bang maging tayo?"
Tanong ko sakanya

"Close tayo, Lagi tayong mag kasama, laging nag kwewentuhan, kukulitan.. sinong hindi maniniwala?"
Dagdag ko pa

Tumingin naman sya sakin at tumahimik ng ilang minuto

"Sige.. wala namang masama sa pag try diba? Pero paano pag ok na yung kay jr? Ano na pag tapos noon? "
Tanong nya

"Edi.. tuloy natin pag papanggap hanggang sa matapos school year.. tutal tatlong buwan nalang naman diba?"
Sabi ko

"Sure ka?"
Tanong nya

"Well, it's either that.. or mag kukunwari tayong nag iiwasan ng tatlong buwan.. at pag yun yung nangyari may chance na habulin ka ulit ni Jr diba?"
Sagot ko naman

"Tama ka nga naman.. ok.. kailan.. natin sisimulan?"
Tanong nya

"Ikaw bahala"
Sabi ko

"Ngayon na kaya? Tapos pag balik natin sa classroon mag paka sweet sweet tayo."
Sabi nya

"Sige.. pero.. paanong sweet?"
Tanong ko sakanya

"Like.. aakbayan mo ako, bubulong ka sa tenga ko.. mga ganon"
Sabi nya

"Ahh sige.. balik na ba tayo ngayon? Or mamaya na?"
Tanong ko

"Tara na"
Sagot nya

After noon ay bumalik na kami sa classroom

Nung malapit na kami sa pinto tumigil sya at kinuha yung kamay ko at inikot sa balikat nya bago kami pumasok sa room

Wala naman masyadong pake yung iba samin dahil busy sila sa sari sarili nilang mga mundo, kasama na din dun si Jr.

Umupo nalang muna kami at inantay na sumilip saamin si Jr, imbes na mag usap ng normal, sabi ni Regina mag bulongan nalang daw kami para mas mukhang sweet

"Kailan mo ba balak syang kausapin?"
Tanong ko na pabulong

"Mamaya nang uwian.."
Sagot nya naman

"Sure ka ha? Mamaya ja-"
Pinutol nya yung sasabihin ko

"Naka tingin sya, mas lumapit ka pa tapos ngumiti ka lang tapos hawakan mo pingi ko"
Sabi nya

Ginawa ko naman to, lumapit ako sakanya at ngumiti tapos hinawakan pingi nya na para bang hahalikan ko sya

"May nunal ka pala sa ilalim ng mata mo?"
Tanong ko sakanya

"Oo.. hindi mo ba alam?"
Tanong nya

"Hindi.."
Sagot ko naman

Mas lumapit ako para tignan pa ito, tapos linayo ko na mukha ko dahil masyado nang malapit sakanya

"Ano reaction nya?"
Tanong ko

"Huh? Ano.. galit? Na Naguguluhan"
Sagot naman nya

"Natural lang naman yun.. kailan mo balak makipag hiwalay sakanya?"
Tanong ko naman

"Hmm.. mamayang recess"
Sabi nya

Di nag tagal ay nag recess na at Maya maya ay tumayo na si regina at lumapit kay Jr. lumabas sila ng classroom at maya maya ay bumalik din agad

Umupo si regina na sa tabi ko
"Di daw sya papayag"
Sabi nya

"Huh? Anong di papayag?"
Tanong ko

"Hindi daw sya papayag na mag break kami"
Sagot naman ni regina

"Paano yun..."
Bulong ko sa sarili ko

Napaupo at napaisip naman muna ako doon ng ilang segundo

"Ahh! Alam ko na.."
Sabi ko

"Ano yun?"
Tanong nya

"Ikwento mo sa mga kaibigan mo na, tayo na talaga tapos na wrong send ka lang kay Jr, ngayon ayaw ka na nyang hiwalayan, tapos paawa acting ka na kunwari pinag mumukha ka ni Jr na two timer"
Sabi ko

"Pwede.. tapos si jr na lalapit sakin dahil mag mumukha syang masama"
Sagot naman nya

"Ikaw na bahala doon, dahil medyo matatagalan yang planong yan"
Sabi ko

"Sige, salamat, tuloy nalang natin yung sweet acting natin para hindi nila mahalata"
Sabi nya

"Yes.."
Sabi ko

.....

Isang linggo na kaming umaarte na couple ni regina, yung iba naniniwala at mas pinapa kalat na nag mumukhang two timer si regina dahil na wrong send lang sya kay Jr

"Hindi ako naniniwala, kayo? Ni joseph? HAHAHAHA"
Pag tawa ng isa naming kaklase

"Patunayan mo nga"
Sabi nya

Nilabas naman ni regina phone nya at may pinakitang picture

"December palang kami na. Ayan ohh, picture namin sa isang date"
Sabi nya

Sumilip ako para makita kung ano yung picture at nakita yung picture namin habang kumakain nung namili kami ng ipapang exchange gift naming dalawa

"Oo nga.. so pinag mumukhang masama ka lang pala talaga ni Jr?"
Tanong nung kaklase namin

"Oo.."
Sagot naman ni regina

Maya maya habang recess lumapit si Jr kay regina at lumabas silang dalawa, di nag tagal ay bumalik din naman sila agad

Lumapit saakin si regina at umupo sa tabi ko, wala pa naman si david kaya pwede syang umupo sa tabi ko

"What happened ?"
Tanong ko

"Nakipag hiwalay na syaaa!!"
Exited na sabi nya

"Hindi na ata natin kailangan ituloy.. yung fake dating natin"
Sabi nya

"Well.. may chance na habulin ka nya ulit.. plus if mag kukunwari tayong nag break kailangan iwasan natin isa't isa, kaya mo ba yun?"
Tanong ko

"Edi.. hanggang sa matapos yung school year.."
Sabi nya

"Ahh.. wait. May i kukwento pala ako.. kanina..."
Pag kwento nya

Natulala naman ako habang nakatingin sakanya, ngayon ko lang napansin na mahaba pala at medyo pakulot yung mga pilik mata nya

"Nakikinig ka ba?"
Tanong nya

"Oo.. ano nangyari sa kaibigan mo?"
Tanong ko naman

"Ahh.. ayun na nga.. pag alis nila..."

NagparayaWhere stories live. Discover now