Chapter 64: Alone

194 5 0
                                    

Nadine's POV

Tanghali na nang magising ako. Masiyado na ring gabi nang matapos 'yung party, kaya siguro napasobra ang tulog ko. Hindi na ako inabala ng mga katulong namin dito para gisingin ako, dahil alam ata nilang nakakapagod ang pinanggalingan naming party. 

Pagkahilamos ko, agad akong bumaba sa 1st floor ng bahay namin. Nadatnan ko lang doon ang mga katulong at bodyguards. Nang tanungin ko sila kung nasaan ang mga tao sa bahay, ang sabi ng mga bodyguards ay nasa kumpanya raw sina Daddy at Mommy. Si Lake naman ay may pinuntahan na groupings, at si Kuya ay nasa kwarto raw. Hindi nila alam kung gising na ba siya, kasi hindi pa raw bumababa.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko matapos kumain mag-isa sa dining area, at naupo sa gilid ng kama ko. Bigla ko namang naalala 'yung sinabi ni Kate kaninang madaling araw na sila na raw ni Kuya. So, tama nga ang hinala ko, may something sa kanila nitong mga nakaraan. Ibig sabihin ay palabas lang pala 'yon no'ng umamin sila no'ng una. Hindi ko na inusisa pa dahil masyado na ring late no'ng mag-chat si Kate sa 'kin, kahit na kinuwento na ni Kate. Ang mahalaga, sila na, at masaya ako para sa kanilang dalawa. 

Kaya pala mas late umuwi si Kuya kaysa sa 'min ay dahil may aminan pa lang magaganap. Hindi ko alam na mas gustong umamin ni Kuya sa madaling araw. Mabuti naman at tapos na ang one-sided love ni Kate kay Kuya.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi sa party na may kinalaman kina Angry Bird at Bella. Hindi ko inaasahan na magkakagulo sila mismo sa gitna pa ng karamihan. Alam kong hindi intensyon ni Bella na mahalikan si Ace, at ganoon din si Ace kay Bella. Sadyang naunahan lang ng init ng ulo si Angry Bird, kaya ayaw tanggapin ang paliwanag nila. Masyado rin siyang naging harsh kay Bella, iniwan na lang ito basta nang hindi man lang nag-uusap nang maayos. 

Sa ngayon, inaalala ko kung kumusta na kaya si Bella. Iyak siya ng iyak kagabi, kaya nalulungkot ako para sa kaniya. Masyado siyang nasaktan, kaya sana kahit papaano ay ayos na siya ngayon.

Naisipan kong kunin ang phone ko na nasa bedside table. Hinanap ko agad sa contacts ko ang pangalan ni Bella. Nang makita ko, agad ko siyang minessage para kumustahin.

To: Bella

Hello bella. How are you? I hope you rested well. 

Pagkapindot ko ng send button, agad kong pinatay ang phone ko at nahiga ulit sa kama. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko nang maisipan ko ring bumangon ulit. 

Dumako ako sa study table ko na nasa may kalayuan ng kama ko. Kaagad kong chineck ang mga learning materials ko kung may kulang ba. Nang makita ko ang yellow pad ko na malapit nang maubos, agad kong nilista iyon sa notes ko sa phone na kailangan bilhin. Bukod doon, naalala ko na bibili nga pala ako ng libro para may another reference ako. May mga librong binigay naman ang university, pero gusto ko pa ring maghanap ng ibang reference book para dagdag kaalaman. 

Matapos kong gawin 'yon, nanood muna ako ng dalawang movies sa Netflix. Pagkatapos no'n, naisipan kong maligo na, dahil aalis ako para bumili ng mga kailangan ko.

Paglabas ko ng banyo, dumiretso ako sa dressing room ko kung nasaan ang walk-in closet ko. Nagsuot lang ako ng black crew-neck long sleeves na tinernuhan ko ng wide-leg trouser na kulay light blue. Black sneakers naman ang sinuot kong sapatos. Katulad ng lagi kong ginagawa sa buhok ko, pinusod ko ito pagkatuyo, para mas simple at maayos tignan. Dahil may pasok na bukas, ngayon ko na lang bibilhin ang mga kailangan kong bilhin. Paniguradong sarado pa kasi ang mall bukas ng umaga, kasi ang aga ng klase ko bukas. 

Nang matapos akong magbihis, kaagad akong dumiretso sa kwarto ni Kuya. Hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o nag-aaral lang, kaya kinatok ko na lang ang pintuan niya para malaman.

The Waves In The OceanOnde histórias criam vida. Descubra agora