Chapter 79: Announcement

99 6 0
                                    

Nadine's POV

"Stand up, young man."

Halos lahat kami ay sinundan ng tingin kung saang direksyon na nakatingin si Daddy. Wala naman akong nakikitang tumayo, o sadyang ayaw lang umamin ng may gawa. Dahil sa dami ng estudyanteng nandirito, hindi ko alam kung sino talaga. Pero sadyang nakita ata ni Daddy kung sino.

Natanaw ko na unti-unting tumayo si Kaiden na nakapwesto malapit sa unahan at malapit rin sa kung nasaan kami. Pansin ko pang nanginginig pa siya habang tumatayo. Nakayuko naman ito, halatang hindi makayang iharap ang mukha sa marami. Marami ang napasinghap at nagsasabi ng kung anu-anong reaksyon nila, ngunit hindi ko na inusisa pa ang mga iyon.

Si Kaiden? Imposibleng siya ang may gawa no'n.

Sa pagkakakilala ko kay Kaiden, tahimik siyang tao at mabait. Matalino rin siya, dahil sabi ng mga kaklase namin ay siya ang topnotcher sa buong department namin. Minsan ko siyang naging seatmate, at masasabi kong talagang mabuti siyang tao kahit madalang lang kami mag-usap. Naniniwala ako na hinding-hindi niya magagawa 'yung pambabato ng papel kahit kanino, lalo na kay Daddy na president pala ng school.

"You," malamig na tawag ni Daddy sa nakatayo na si Kaiden habang nakaduro, "I didn't ask you to stand up."

Tama nga, hindi siya ang nakita ni Daddy na bumato. Mukhang sinasalo na naman si Kaiden ang mga ganito. Nakwento sa 'min ni Kate na kagaya ko, dumaranas din siya ng bullying. Hindi niya deserve ang ganitong pagpapahiya at pag-aako ng kasalanan na hindi niya ginawa. Masiyado siyang mabuti para masaktan.

"A-ako p-po 'y-yung n-nagbato." Garalgal ang boses ni Kaiden. Pansin ko pa ang paglunok niya at pagyuko.

"Uy! Imposibleng si Kaiden 'yon!" giit ni Kate.

Hindi ko alam kung bakit niya inaako ang isang bagay na hindi niya ginawa. Dahil ba sa may tumatakot sa kaniya?

Bumaba ang tingin ni Daddy sa papel na hawak niya, pagkatapos ay bumalik ulit kay Kaiden. "But you're not the one I'm referring to."

"P-pardon?" utal na tanong ni Kaiden habang nanlalaki ang mga mata.

"You know what I'm talking about." Binitawan ni Daddy ang papel at tumayo nang tindig. "Kindly take your seat."

Umiling-iling pa si Kaiden at nanatili lang nakatayo. "B-but I-I'm t-the one who did it, President." Nag-bow na si Kaiden, halatang kinakabahan pa rin. "P-please, f-forgive me!"

Naaawa ako kay Kaiden dahil naiipit siya. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa kaniya para gawin niya ito, pero sana ay hindi na niya ito gawin ulit.

"I don't need you to apologize since I know you're not guilty. And I will not forgive someone who is completely blameless," mariing sabi ni Daddy.

Umangat ang ulo ni Kaiden at napatingin kay Daddy. Unti-unti siyang luminga sa isang direksyon at parang may tinitignan na tao na hindi gaanong malayo sa kaniya. May kutob akong ang tinitignan niya ay 'yung alam at nakita niyang bumato ng papel. Halata pa sa kilos ni Kaiden ang pag-alinlangan sa pag-upo, ngunit nang magtagpo muli ang mga tingin nila ni Daddy ay napaupo rin siya agad. Alam niyang wala siyang magagawa sa sinabi ni Daddy. Siguro ay natatakot siya kay Daddy ngayon.

"I'm going to ask you to stand up for the last time. You won't like it if I ask you again." Tinignan din ni Daddy ang direksyon kung saan nakatingin si Kaiden kanina. Matatalim at malalamig na ang kaniyang titig, halatang naiinis na.

Dali-daling may naaninag akong lalaki na tumayo mula sa tinitignan ni Daddy. Kahit nakatagilid ito sa direksyon ko, alam ko kung sino ito. Kaklase lang din namin ito.

The Waves In The OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon