Chapter 68: Drive Her Home

159 4 0
                                    

Nadine's POV

Napakurap-kurap pa ako dahil sa flash na nanggaling sa phone camera ng babae. Para nga akong nabulag, 'di inaasahan 'yon. Patibong pala 'yon?

"Waaaaahhhh! Matalino rin silang dalawa!" sigaw ng babae. Tuwang-tuwa pa kasi nasagot namin 'yung tanong.

"Kala ko 'di sila matalino! Matalino pala!" Humalakhak pa 'yung boyfriend ng babae.

"Ang gwapo at ganda nila dito, oh!" Binigay ng babae 'yung phone niya sa boyfriend niya. Lumapit naman 'yung lalaki para tignan din 'yung picture raw namin.

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa ngayon. Hindi ako sanay sa mga papuri, kaya medyo naiilang ako. Tapos... tapos katabi ko pa si Angry Bird na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang baywang ko. Ang isang kamay naman ay nakahawak na pala sa isang kamay ko. Iyon na naman ang mala-kuryente na nararamdaman ko sa pagdikit ng balat ko sa balat niya. Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko. Kinakabahan sa hindi ko malaman na dahilan.

Natural bang maramdaman ko ang mga ito sa kaniya?

"Oh, kami naman picture-an niyo!" sabi ng babae sa aming dalawa ni Angry Bird nang may ngiti.

"Why would we?" Umirap pa si Angry Bird sa babae.

"S-sige, p-picture-an ko na lang kayo," pagpiprisinta ko. Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit ako pumayag. Una, dahil willing akong makatulong. Pangalawa, para may excuse ako na lumayo kay Angry Bird.

Tinignan pa ako ni Angry Bird na nakataas ang isang kilay, parang hindi makapaniwala na pumayag ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko. Akmang babawiin ko na ang kamay ko, pero mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak. Tumingin naman ako sa kaniya nang may pagtataka, at siya naman 'tong nagbuntong-hininga bago bitawan ang kamay ko.

"Anghel ka talaga!" puri pa sa 'kin ng babae.

Nahihiya pa akong ngumiti dahil sa papuri niya. Kahit maraming tao ang nagsasabi sa akin no'n, sa tingin ko ay hinding-hindi ako masasanay. Kinuha ko na lang ang phone mula sa kamay ng babae. Pumwesto naman sila, halatang handa na.

"Labs! Umayos ka naman!" Bahagyang sinuntok pa ng babae 'yung braso ng lalaki.

Napadaing naman ang lalaki at sinamaan ng tingin ang babae. "Maayos naman, ah!"

"'Di halata, eh!" pang-aasar pa ng babae.

Nang buksan ko ang camera application sa cellphone ng babae, itinutok ko na iyon sa kanila. Ngunit dahil gabi at madilim na, hindi eepekto ang flash sa pwesto nila ngayon. "Um, m-madilim kasi diyan sa p-pwesto niyo, p-paano kaya kung dito kayo?" rekomenda ko habang tinuturo ang pwesto namin ni Angry Bird. Mas maliwanag sa pwesto namin kaysa sa kanila.

"Tss." Narinig ko pang usal ni Angry Bird. Nang nilingon ko siya, umusog siya nang kaunti habang nakahalukipkip. Umupo siya sa isang bench habang nakatingin sa kawalan. Salubong pa rin ang kilay niya.

Hindi ko alam, pero napangiti ako nang kaunti sa nakita ko.

Umiling ako para matanggal sa isipan ko ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ko pinapanood ang mga galaw niya, at hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa mga simpleng galaw niya.

Wala 'to. Wala lang 'to. Tama, wala lang 'to.

"Sige!" Hinatak naman ng babae 'yung lalaki papalapit sa pwesto namin. Ako naman ang nakapwesto sa pwesto nila kanina na ngayon ay nakaharap na sa kanila.

Nang maka-pose na sila, 'tsaka ko itinutok sa kanila ang camera. I-finocus ko pa ito para mas maganda ang kalalabasan. Medyo tinaasan ko pa ang brightness at inayos ang exposure, at saka ko pinindot ang shutter button. Sumenyas pa ako ng isa pa, para mabago nila ang pose nila. Pagkatapos no'n, tumango na ako sa kanila, ibig sabihin ay tapos na.

The Waves In The OceanWhere stories live. Discover now