CHAPTER 1

15 2 0
                                    

I'm so excited to go to my favorite place in this school.Kung saan tahimik at ako lang ata ang pumupunta o sadyang hindi ko lang naaabutan ang iba na nandoon.Sa pinakalikod ng school kung saan may mga matataas na puno,lumang bench and tables.Gustong-gusto kong pumupunta doon tuwing wala akong ginagawa sa School.Its peaceful there.Alam ng lugar na iyon ang mga pag-iyak,pag-tangis,pag-ngiti at minsan pag-tawa pa kahit wala naman akong kasama roon.Hindi ako nakikipagkaibigan dito at hindi rin naman sila nag-aabalang kaibiganin ako.

Madalas akong napapaaway dahil sa katarayan ko.Pero hindi ko naman dinudungisan ang mga kamay ko.Puro sagutan at sabihan lang ng masasakit na salita.Hindi naman ako ganito dati,may nangyari lang talaga na nagpabago ng ugali ko at kung bakit ako nagkakaganito.Nang makarating ako sa paborito kong lugar dito,agad akong umupo sa madalas kong pwesto at bigla ko na naman naalala ang dahilan ng mga pag-iyak ko.

~Flashback~

"Riah! I miss you!" masayang bungad sa akin ng bestfriend ko sabay yakap.She's Leianne.

"Hey! I miss you more,love!" balik kong bati sa kanya at niyakap din siya agad.Sweet talaga kami sa isa't isa.Matagal na kaming magbestfriend.Its been 7 years,I guess.

"Let's party tonight,please!" pag-aya niya sa akin at ngumuso pa.It's a party kaya hindi ako makakatanggi dito.Bukod sa ayokong binibigo ang kaibigan ko ay mahilig din talaga ako sa mga party.

"Sure!Where ba?" tanong ko sa kaniya.At agad naman niyang sinabi na magpapaparty siya sa kanila.Mayaman din naman siya kaya kayang kaya niya magpaparty ano mang araw o oras pa yan.Hindi sa pagmamayabang pero we are both from a rich family.

Nag-imbita agad siya ng mga ka blockmates niya at ibang blockmates ko na kaibigan namin parehas.At iba pang mga kaibigan namin.We're 2nd year college that time.And two years had passed but it still hurt.

"Kita kits later,love!" I said before I bid my goodbye.We hugged again before parting ways.Magkaiba kami ng kursong kinukuha.

Nang umuwi ako sa bahay ay nagpahinga muna ako.8pm pa naman ang party.Umidlip lang ako nang makaramdam ng pagod.Grabe ang college life!Pero alam ko namang kaya ko to.I set my alarm baka kasi mapasarap ako ng tulog at hindi pa makapunta sa party, na sana napasarap na nga lang ang tulog ko.

I wear a black silk string top,it's backless.And a pair of highwaist boyfriend jeans and black heels.Kinulot ko lang ng bahagya ang laylayan ng buhok ko.I have my own car kaya bago mag 8 pm ay nagdrive na ko patungo kina Leianne.Hindi naman masyadong malayo ang bahay nila sa amin o sabihen na nating mansyon.Their house is so grand.

I parked my car at their huge parking lot.I noticed some familiar cars there.Marami na ang sasakyang nakaparada kaya malamang ay marami na agad ang tao sa loob.Nakakita ako ng mga kakilala ko at agad kaming nagbabatian.Nakakalat sila sa buong mansyon.I went to their garden kung saan talaga ang mismong party.The decoration is so beautiful! Akala mo may event talaga pero biglaang party lang naman to.There are lights there,high tables parang sa mga club lang.And may mga ilaw din mismo sa pool na mas lalong nagpaganda.Meron din namang mga lamesa na pagkakainan at agad kong natanaw ang mga pagkain na nakahain.

"Uy! Hi Riah!" bati sa akin ng isa kong kaibigan na lalaki.

"Hello, Dave! Having fun?" medyo malakas ang boses namin dahil sa ingay ng mga boses sa paligid,dumagdag pa ang malakas na tugtog.

"Yes!Kakarating mo lang ba?" tanong niya na agad kong tinanguan.Nagpaalam naman ako sa kaniya na hahanapin ko muna ang iba kong kaibigan at ang bestfriend ko.

He kissed my forehead.Lagi naman niya yon ginagawa sa tuwing magpapaalam kami sa isa't isa.Wala namang malisya sa amin yon kasi para ko na rin siyang kuya or boy bestfriend.

Ornament of GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon