CHAPTER 6

7 1 0
                                    

Days passed and passed. Unti- unti kaming nagiging close ni Adi at unti-unti na rin kaming nasasanay sa presensya ng isa't isa. Nakakatawa lang isipin na may kaibigan na ulit ko ngayon, na nagawa ko na ulit magtiwala pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin mapigilan makapag-isip ng kung ano-ano.

Napapansin madalas ni Adi na nag-iiba bigla ang mood ko. Palagi siyang nandyan para makinig ng mga drama ko sa buhay, nandyan siya para pagaanin ang loob ko at nandyan siya para sabihin hinding-hindi niya ako lolokohin.

We used to kill our time dito sa likod ng School. Hindi kami nagkikita kapag nasa labas na kami ng likod ng School. And now, we're here again, talking, smiling and laughing.

"Alam mo ba noong bata pa 'ko sobrang kulit ko non. Pinapagalitan na ako't lahat ni Mama, patakbo takbo lang ako sa bahay namin," kwento niya habang natatawa pa.

"Baliw ka!"

"Nagso-sorry naman po ako," he chuckled again.

Nakwento ko na rin sa kaniya yung nangyari noon sa akin na ayaw ko ng balik- balikan pa. Hindi naman niya ako pinilit na magkwento non, gusto ko lang talaga na sabihin sa kaniya. Napangiti naman ako nung bigla ko ulit maalala ang pag-uusap namin noon.

"Riah..." nakatingin lng siya sa akin na may lungkot sa mga mata niya nang sinabi kong ikwekwento ko sa kaniya ang buong nangyari.

"Ano ka ba! It's okay!" I said. Okay lang naman kasi talaga.

"So ito na nga-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin habang nakaupo kami.

Natigilan ako sa biglaang pagyakap niya. Kahit kasi araw-araw naman niya akong yinayakap ay hindi pa rin ako sanay. Pagkakita niya sa akin yayakapin niya ako, kapag ramdam niyang hindi ako okay o may bumbagabag sa akin at bago kami maghiwalay ng landas. Lagi niya akong yinayakap. Walang mintis.

"Huy! Why?" tanong ko sa kaniya ng hindi siya nagsalita at yakap pa rin ako.

"Okay lang naman kahit hindi ka magkwento," here we go again in his soft voice.

"Gusto ko magkwento, Adi," sabi ko.

Bumitaw na siya sa pagkakyakap sa akin pero hinawakan naman niya ang dalawa kong balikat at tumutig sa mga mata ko.

"Sure ka?" tanong niya pa. I nodded with a smile on my lips.

Muli niya akong yinakap. "Okay..." he said at binitawan na uli ako para makinig na sa kwento ko.

"Alam mo tsumatsansing ka lang!" natatawa kong sabi kaya napatawa na rin siya.

"Paano mo nalaman?" he looked away, pursed lips.

Lintek na to! Nanunusot pa sa itsura!

Agad niyang yinapos ang sarili niya dahil alam niyang hahampasin ko siya.

"Wag po, bata pa po ako! Tulong!" sigaw niya. Pero alam naman namin na walang makakarinig sa amin dito. Natawa ako lalo at hinampas pa rin siya.

"Siraulo ka talaga!"



"Joke lang, to naman!" kinuha niya ang braso ko."Hindi na mabiro to! Ganyanan, Riah."

Pabiro ko lang siyang inirapan at
talagang hindi pa siya tapos sa sasabihin niya.

"At anong sabi mo? Siraulo ako? Grabe ka! Kanina baliw tapos ngayon naman siraulo?" he crossed his arms and then pouted a bit.

Tingnan mo to! Tampo-tampuhan pa.

"EWAN KO SAYO, ADIEL!"

"Grabe ka na sakin, Riah! Sa gwapo kong to?! Aba, bibilhan na talaga kita ng salamin sa mata!" pahabol niya pa. Ayan na naman siya sa pagwapo-gwapo niyang nalalaman.

Ornament of GodHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin