Chapter 3

7 1 0
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.Na sa mga nakalipas na ilang taon ay ibibigay ko ba ulit ang tiwala ko sa isang tao?

Isang taong hindi ko pa kilala.

But there's something in me na nagsasabing pagkatiwalaan ko siya.Gulong-gulo na ko.Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya kaya bakit ko siya pagkakatiwalaan diba?

Naalala ko naman na mas magandang sa stranger mag-open kasi they don't judge kesa sa taong mga kilala mo o malapit sayo.

Bahala na!

I was about to went inside our room when a girl bumped me.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" pagtataray ko sa kaniya.Nakita ko naman agad ang takot sa mga mata niya.May naramdaman akong kakaiba sa loob ko na ayaw kong pairalin.Hindi pwede,ayoko.

"S-sorry po!Hindi k-ko po sinasadya!" paghingi niya ng paumanhin.Hindi sinasadya? Tss.

"Umalis ka na nga sa harapan ko!Ayoko sa mga manloloko!" sigaw ko sa kaniya.Nahalata ko naman na paiyak na siya dahil sa asal ko.

"I don't fucking care kahit mag-umiyak ka pa sa harapan ko!"

Agad naman siyang umalis nang dahil sa pagsigaw ko.

"Wala nga ba?"

Nagulat ako dahil parang narinig ko ang boses nung lalaking nakakasama ko sa likod ng School.Parang naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.I looked around pero wala naman siya dito.

Pinikit ko ang mga mata ko at ipinilig ang ulo.Guni-guni ko lang siguro yon.

Mataray akong pumasok sa room namin at agad ko namang narinig agad ang walang katapusang bulungan ng mga ka-blockmates ko.

I'm sure narinig na naman nila ang pagtataray ko.Wala atang araw na hindi ako nagtaray.

Hindi nila ako masisisi.

The discussions went on.Matataas ang grade ko kaya walang problema.Minsan ko na lang makausap ang mga magulang ko  kapag kasi hindi sila busy ako naman ang busy.

And I just want to be alone.

Mayaman ako pero hindi ako englishera.Porket ba mayaman dapat naka-english parati?

Pumunta na ko sa cafeteria nang maglunch.At talagang mapapairal ko na naman ang katarayan ko.

"What the hell?!" I shouted.

May bumangga na naman sa akin kaya natapon ang mga pagkain ko sa tray na hawak ko.

"I'm sorry!" kinakabahan at nagpapanic na paumanhin ng isang babae na naman.

"Hindi ba talaga kayo marunong tumingin sa dinadaanan niyo?!"

"H-hindi ko po kayo napansin." pagdadahilan niya pa.

Bakit andaming manloloko sa mundo?

"You wasted my food! Get out!" sigaw ko uli.Naagaw na namin ang atensyon nang lahat ng estudyante dito maging ang mga tauhan sa cafeteria.

Madalas naman na mangyari ito kaya bakit di pa sila masanay-sanay?

Yumuko naman yung nakabangga sa akin at saka nagmamadaling umalis.

I looked around and shouted "Anong tinitingin-tingin niyo?!"

Nag-iwas naman agad ng tingin ang iba kaya tinaasan ko ng kilay ang mga napairap lang at napapailing.

Instead of buying food again, I just went to my favorite place.

And there I saw him again. Nakaupo sa madalas kong inuupuan kapag pumupunta ako rito.

Ornament of GodWhere stories live. Discover now