CHAPTER 7

3 1 0
                                    

Masaya ako. I'm so happy that I trusted Adi. Pakiramdam ko lagi akong may karamay, pakiramdam ko wala akong pinagdaanan o pinagdadaanan at pakiramdam ko buhay na buhay ako. Lahat yon nang dahil sa kaniya.

Isang araw ay tinawagan ko sina Mommy para ipakilala si Adi kahit hindi ko naman siya kasama. Si Mommy lang nakausap ko noon kasi raw busy si Daddy. Inintindi ko naman yoon kahit medyo nagtatampo ako dahil konting oras lang naman ang hinihingi ko at minsan na lang kami magkita at magkausap pero hindi pa niya magawang iwan saglit ang ginagawa niya.

But it's okay, I understand.

May nextime pa naman kaya okay lang.

Sinabi ko kay Mommy na may bago akong kaibigan at nagtaka pa siya at nagulat dahil bago na lang uli ako nagpakilala ng kaibigan sa kaniya, nagdahilan na lang ako para hindi na siya magtanong pa ng kung ano-ano na about sa kaibigan.

Kung alam mo lang, Mom.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa silang alam sa nangyari. Ayaw kong ikwento sa kanila.

"What's his name again?" My Mom asked on the phone.

"Adiel, Mom!" masaya kong sabi sa kaniya. Her forehead creased, siguro ay hindi niya masyadong naintindihan.

"Adiel? Am I right?" she asked again.

"Yes," I smiled.

Hearing his name makes me smile.

Her mouth formed an "o" as if she's amazed or what.

"Nice name!" she commented.

"Hmm, what his surname?" she asked again after a seconds.

"Qui-" natigilan ako sa pagsasalita ng biglang tawagin ni Daddy si Mommy. I heard na mayroon silang kailangan gawin sa company namin.

Nagmamadaling magpaalam sa akin si Mommy kaya nagpaalam na rin ako sa kaniya. Hindi man lang ako nagawang batiin ni Daddy kahit tango man lang. Ni hindi rin siya nag-abalang tumingin sa camera.

Nextime na lang raw ulit kami mag-usap sabi ni Mommy.

Yun lang naman ang nangyari nung araw na ipinakilala ko si Adi.

Pumasok na ulit ako nang maaga para may time pa kami ni Adi mag-usap. Naisip ko naman bigla na gusto ko sana ulit umattend ng concert ng isang banda, kahit anong banda. But I don't have time for that.

MAYBE SOON.



(It's now the time to play the song entitled  "Dandelions" by Ruth B.)

Enjoy ;))

Dumaretso agad ako sa likod ng School. May napapatingin na naman sa akin at halata sa kanila ang takot sa mga mukha nila. Napatingin ako sa isa at automatikong tumaas ang isa kong kilay. Masungit at mataray pa rin talaga ako.

Nang makarating ako sa likod ay agad kong nakita si Adi na naghihintay habang nakasandal na naman sa pader, crossed feet again. Nakalagay pa sa bulsa ang dalawang kamay niya at nakayuko. Ganito lagi ang nadadatnan ko sa tuwing magkikita kami rito.

Tatawagin ko na sana siya pero napalingon na siya kung nasaan ako. Agad- agad ang paglapat ng ngiti sa labi niya. Agad din siyang umayos ng pwesto at tumakbo palapit sa akin.

As usual wala na naman siyang dalang bag.

"Good morning!" masaya at masigla niyang bati sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ornament of GodWhere stories live. Discover now