| Paglisan |

24 3 0
                                    

Ikaw ang kulay ng langit
sa pagitan ng alas-singko
at alas-sais
Ramdam ang simoy
ng hangin, gaan at hinagpis
Kalmado itsura, mga matang
marahil nakakadala
Isang ngiti na hindi nakakabahala

Malalim ka, mas gusto mo
ang mga libro na hindi karaniwan
Musikang patunay sa pagkaiba
Malalim sa piling mo,
iba ang bigkas ng mga haplos nito--
Mayroong pag huramentado at pagkalito

Ikaw ang ulap,
may panahong mabigat
ngunit ramdam ang gaan
na kumakawala

Ikaw ang pagitan
ng ligaya at pangamba,
pighati at paglaya,
pag-asa at pangungulila.

Ikaw ang kulay ng langit
na unti-unting lumulubog,
babalik at maghihintay
Talang yayakap hanggang sa masanay

Sa mga oras na lilisanin mo ang gabi, yayakapin ang mga tala;
marahan at malaya
mga luhang kumakawala
Sa bawat gabi ng pag-akap,
paglisan at alin
Ikaw pa rin ang oras na
parati kong hihintayin.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Drive Me To The Place Where I Grieve: Poems of Us 🎉
Drive Me To The Place Where I Grieve: Poems of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon