| Hikbi |

225 37 8
                                    

Ikaw ang aking tahanan,
ilang milya man ang pagitan
piling mo'y patuloy na uuwian.
Ilang beses man napasinghap at napatulala kapag ang kamay mo
ay hawak ng iba,
Ikaw pa rin ang lengwaheng nais
BIGKASIN. SURIIN. KABISADUHIN.

Kahit na paulit-ulit mong saksakin
nitong patalim na kay diin,
Pag-uwi sa gabi'y amoy alak
ang damit at
pabango niya'y iyong gamit
kasabay ng mga paghiyaw
nitong katawang hindi makagalaw
"Tama na! Wala ng dahilan
upang magpatuloy pa,
bumitaw ka na mula sa pagkakapit"

Hindi ako hihikbi sa sakit
kahit na mamilipit
ay akin paring ipipilit.
Kahit labis labis ang ibinibigay
at walang nakukuhang kapalit

Ay patuloy na,
Patuloy na ikaw at ikaw
ang magiging sambit
yaring
puso


pagdurugo'y

malimit

Drive Me To The Place Where I Grieve: Poems of UsWhere stories live. Discover now