| Galos |

254 44 20
                                    

Lumapit ka habang pangalan
ko'y binibigkas mo,
Palad ay pinisil dinala
patungo sa iyo
Ika'y yumakap at sa akin
nagsusumamo

Sapagkat nasaktan, nasasaktan
at patuloy parin akong masasaktan
Sa mga luhang umaagos na
humahadlang sa mga ngiting
dati kislap ay tumatagos
Kasalukuyan walang tigil sa puso
ang paltos; sakit at marka ng galos

Kulang pa ba?
kasi kung kulang pa
kahit sa akin na manggaling
lahat ng piraso.
Mahal kukumpletuhin kita
Mawasak man ang pagkatao
Mahal kasi kita
kahit pa iba na ang dahilan mo
sa pagbangon bawat umaga

Sandaling ipinikit ang paningin
pagkatapos ay napagtantong
nagbubulagbulagan pala ako sayo.
Boses mo ang itinuring na musika
at sinadyang magbingi-bingihan
sa sinasabi nila.
Lahat ng itinimpla,
lahat ng inihahain ay
hindi pumapasa sa iyong panlasa
tama nga sila, mali ako 'nung pinili kita.

Drive Me To The Place Where I Grieve: Poems of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon