| Daluyong |

649 99 107
                                    

Labing walong taon
ng panaka-nakang ambon
paglaot, panaghoy
mga nagdaan na panahon
Nakagapos na kamay
at nalumpong puso

Pagbabalik mo'y
hinihintay pa rin
Sa ilalim, sa ilalim ng libo-libong bituin
nakatunghay, bumubulong sa hangin
kahit malabo ang paningin
dulot ng luhang nais pigilin
"Malapit na aking mumunting Marvin"

Naroon ako sa dulo ng ulap
nagbabakasakaling mahanap
ang laruang telepono na bigay mo
kasabay ng mahigpit
na mga yakap sa'yo ay alay ko.

Tangis ng pangungulila
nawa'y malunasan
sa pagitan nitong alon at karagatan,
malawak tila walang hangganan.
Mangalay o malunod, mapagod
ayokong tuldukan
Patuloy, patuloy na mag-aabang sa
pagbugso ng ulan.

Habang may takipsilim dahan-dahang parating, kalakip ng lihim pumipintig, umiigting
"Buhawi kung ihahambing"
Nagniningas, umaalingawngaw, dumadagundong "isang DALUYONG"

Pangako huwag ka nang umalis muli,
Liriko'y magtutugma rin bandang huli.
Rutang tinatahak bawat kanto maniobra; kaliwa, aatras, liliko, tama, mali.
"Susunduin kita"
maubos man ang mga letra, numero at sanhi
"Susunduin kita"
Aking munting Marvin sabay tayong uuwi.


Drive Me To The Place Where I Grieve: Poems of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon