7. Scott Dela Vega.

46 4 0
                                    

Hindi alam ni Skyler kung anong magiging reaksyon o ano bang sasabihin nya.

Dahil hindi nya akalain na may mang aalok sakanya ng kasal. At ang nakakagulat pa dito ay hindi babae kundi...

Isang lalaki.

"A-Ano?!"- at sa wakas ay nagka kuha na ng sasabihin si Skyler. Litong-lito sya kung ano ba ang nangyayari at biglaang may nag propose sakanyang harapan.

"I said... Marry Me, Skyler Perez."-ulit na sabi nung lalaki sakanya seryosong nakatingin lang eto sa mga mata ni Skyler.

Naparang sinasabi nito kay Skyler na maniwala sya dito.

Madaming tanong ngayon ang nasa isipan ni Skyler.

Paano nito alam ang pangalan nya?

Prank ba ito? Di ba uso yung mga prank ngayon sa internet? Yung may mag paprank sila sa isang strangers. Baka si Skyler na yung sunod na biktima nito?

"Yes! Yes! I will marry you!"-parehas napalingon si Skyler at yung Creepy guy sa kinikilig na Susan sa tabi nya.

"Uhm...I'm-I'm sorry."-ayun na lang ang nasabi ni Skyler sa lalaki at walang sabi na tumalikod at saka tumawid na sya pabalik sa shop.

"Skyler! Hey!"-hindi na pinansin pa ni Skyler ang tawag sakanya nung baliw na lalaki na yun at basta na lang sya naglakad papalayo dito.

Nakabalik na si Skyler sa shop at kinausap ang costumer na kasabay nya lang din sa pag pasok sa main door.

Ang nasa isip lang ngayon ni Skyler ay...

Masyado na syang maraming ginagawa para alalahanin ang mga pranksters sa mundo.

"Skyler! Hindi mo ba nakikilala yung lalaking yun?"-bungad na tanong ni Susan kay Skyler. Bumalik na rin pala ito sa shop pagkatawid ni Skyler. Umangat lang saglit yung tingin ni Skyler kay Susan at saka busy nya na ulit kunin ang mga order ng costumers.

Nung nakuha na ni Skyler ang order ng kanilang costumer ay umalis na sya sa mesa para pumunta sa kitchen room.

"Si Scott Dela Vega yun! Yung sikat na sikat na Model at kaisa-isang tiga pag mana ng mga Dela Vega!"-sumunod parin si Susan kay Skyler papasok at palabas sa kitchen room. Pero parang taingang kawali lang si Skyler. Pasok sa kaliwang tenga labas sa kanang tenga. Hindi sya nakikinig sa mga sinasabi ni Susan tungkol sa lalaking nag propose sakanya.

"Eto na po Ma'am and Sir."-ngiting sabi ni Skyler sa costumer na nanghingi ng extra lettuce para sa samgyupsal nila.

"Skyler naman!"-nag papadyak sa asar na tawag ni Susan kay Skyler. Huminga muna ng malalim si Skyler saka lumingon na sya kay Susan na nasa tabi nya parin.

Ayaw pa rin syang tigilan nito.

"Ano naman kung anak pa sya ng Presidente o kahit sinong pang mayaman jan?"-di maiwasan na mapataas ang boses ni Skyler. Pati tuloy sya ay naasar na rin kay Susan.

Oo, nakilala na ni Skyler na yung lalaking basta na lang nag propose sakanya kanina. Ay walang iba kundi si Scott Dela Vega. Tama si Susan nasobrang sikat etong modelo. At kahit saan man sulok ng Pilipinas ay makikita ang pagmumukha ng Scott Dela Vega na yun.

Kanina ayaw mag sink in sa utak ni Skyler at hindi rin sya makapaniwala na isang sikat na model ang manti-trip sakanya.

Ang malaking tanong lang talaga kay Skyler...

Paano nito nakilala ang isang katulad nya?

Ni minsan hindi nag tagpo ang mga landas nila. Ngayon lang...

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSOnde histórias criam vida. Descubra agora