1- Focus

4 1 0
                                    

"You're beautiful, Olivia." Naibaba ni Olivia ang kanyang kubyertos nang magsalita ang date niya sa linggong iyon. Kanina nung sinundo siya nito ay ramdam niya na agad, parang may mali. O mas tama sigurong sabihin ay parang may nag-iba. Isang buwan na silang dating ni Bryan at sa dami ng nakadate niya ay alam na alam niya na ang tugtugin ng tono nito at ritmo ng mga galaw nito

"Tell me, ayaw mo na, noh?" Diretsahan niyang tanong. Guilt immmediately shimmer on his eyes.

"I'm sorry. Please, don't take it against you. You're a great woman."

"I know. Thank you for being honest about your feelings." She sincerely replied because she is truly is. Kung tutuusin ay swerte pa siya dahil hindi siya nito ghinost tulad ng ibang mga naka-date niya.

After dinner, pinilit siyang ihatid nito but she refuse. Hindi dahil sa bitter siya o kung ano pa man, may kailangan lang talaga siyang puntahan.

Her feet lead her to church. Dumiretso siya adoration chapel, mas tahimik kasi roon.

"Lord, kung hindi talaga para sa akin ang pagjojowa kahit anak nalang please. Dalawang taon na akong full-time na lumalandi pero NBSB pa rin ako." Naiusal niya nang lumuhod siya. Ayaw niyang kwestunin ang Diyos, pero napapagod na siyang makipag-date.

During her Senior High School, she attended various workshops about photography, and luckily one of the mentors noticed her works and asked for her portfolio. And that is when she started earning as a photographer. Lalo na sa tuwing inilalaban niya ang kuha niya internationally. She also sells some of it. At siya ang madalas kuning photographer ng mga kliyente ng kapatid niyang isang events organizer. Kung tutuusin, she's at the peaked of her career and she just turned 22. She should be enjoying her life at isang kahibangan ang magpatali sa isang responsibilidad na hindi niya kahit kailan pa man matatakasan. Nag-eenjoy naman siya sa kanyang ginagawa ang kaso lang pakiramdam niya ay kulang. She wants to share her happiness. Gusto niyang may mapag-alayan ng mga achievements niya sa buhay and she wants it to be her child.

"Miss, pwede kang magdasal ng tahimik." Napabalikwas ng upo si Olivia nang pumailanglang ang bruskong tinig na iyon. Hindi niya napansin ang lalaki pagpasok niya.  Nasa madilim itong bahagi ng simbahan kaya tanging porma lang ng katawan nito ang naaaninag niya.

"Sorry."

"Ang sermon ni Father kanina, kung para talaga sa'yo darating siya. The right man will come in the right time."

She looked at the boy sitting on the next pew. She smiled meekly at his direction kahit hindi niya nakikita ng detalyado ang mukha nito.

"Thank you." He's just a boy but he makes sense. She thought. Tahimik na tumayo si Olivia.

"Miss," akmang bubuksan na niya ang pinto palabas nang muli siyang tawagin ng binata.

"Hmmm?"

"Si Virgin Mary ka ba?" Naguluhan si Olivia. Is the guy trying to pull a joke on her in a Goin' Bulilit way?

"Bakit?" Alanganin at naguguluhan niyang sagot.

"Kasi kung gusto mo talagang magka-anak, ako dapat ang niluluhuran mo, hindi ang Diyos."

Nanlaki ang mga mata ni Olivia at mabilis pa sa alas-kwatro ang naging paglabas ng adoration chapel. Wala sa loob na napaantanda siya.

"Jusmio, mga kabataan talaga ngayon." Naiusal niya bago tuluyang umalis.

BAHAY. Eskwelahan. Dyan umiikot ang buhay ni Teacher Marcus. Adventure? Adventure ng maituturing sa kanya ang pagsama sa mga bata tuwing may field trip at kabi-kabilang seminar. Kung thrill at surprises naman, wala na sigurong mas titindi pa sa batang nadumi sa kanyang saluwal sa gitna ng klase o ang bigla nalang may sumuka habang nasa kalagitnaan siya ng demo teaching. That was his life as a teacher and he pledge to keep it that way to maintain his life's order. Kuntento na siya sa buhay niya bilang guro. At kung may darating man, sana wala na dahil maayos na maayos na siya ngayon.

Teacher MarcusWhere stories live. Discover now