2- Core values

4 1 0
                                    

"Tito Teacher, kailan kayo magkakasal ni mama ko?" Natawa si Marcus sa inosenteng tanong nito.

"Kasal agad? Saan mo naman narinig 'yan?"

Nakasalampak sila sa carpet sa sala. Nakakandong sa kanya si Crimsom na para bang matagal na silang magkakilala. Sa uri ng trabaho ni Marcus, hindi na iyon bago. Laki siya sa ampunan kaya magaan din ang loob niya sa mga bata. Pero iba si Crimson. Malambing ito sa kanya at para bang tiwalang-tiwala na ito agad kahit saglit palang sila nagkakilala.

"Kay Tita Greta po nung kinasal sila ni Tito Gibon. Magkasal na rin po kayo ni mama para marami akong foods."

"Sinong ikakasal?" Sabay na napalingon ang dalawang lalaki kay Olivia. Narinig ni Olivia ang usapan ng dalawa pero mas minabuti niyang magkunwaring hindi niya ito narinig ng malinaw.

"Oh, iyan na pala ang mama mo. Itong anak mo naghahanap ng maraming foods." Bahagyang iginilid ni Marcus ang mga lego upang mailapag ang bitbit na tray ni Olivia.

"Magmeryenda na muna kayo. Sir, kain po."

Sinubukan kuhanin ni Olivia ang anak pero ayaw nitong sumama. Napilitan lumapit si Olivia upang masubuan ang anak. Naiilang kasi siya kay Marcus. Anong sasabihin niya rito? Parang nung nakaraan lang ay kliyente niya ito, ngayon ay napagkamalan na itong bagong kasintahan niya.

"Mama, subuan mo rin dapat si Tito Teacher." Nakagat ni Olivia ang likod ng kanyang pang-ibabang labi habang nakatitig sa anak na aliw na aliw sa bago nitong kakilala. Hindi na niya kaya. Ayaw niyang makitang masaktan ulit ang anak dahil lang sa umaasa itong magkakaroon ng ama.

Inabot niya ang pisngi ng anak at marahan itong hinaplos-haplos.

"Crimson, Teacher Marcus is not Tito. Hindi siya kasintahan ni Mama."

"Pero..." hindi na nito natuloy pa sasabihin. Bumagsak ang mga ngiti nito. Ilang sandali pa ay nanginig na ang labi nito at nangilid na ang mga luha.

"Wala na naman akong Papa." Ungot nito pero malinaw na naintindihan ni Olivia. It breaks her heart seeing her son like this. Pero alam niyang mas masasaktan ito kung aasa na naman ito ng matagal katulad ng nangyari sa kanila ni Cedric.

Nang subukan niyang makipagrelasyon upang bigyan ng isang buong pamilya si Crimson, si Cedric ang unang tumanggap sa kanilang mag-ina. Or so she thought. Nung nagpakalasing ito noong kaarawan nito ay narinig niya ang kantyawan ng mga kabarkada nito. Nahuli siya ng dating ng araw na iyon dahil pinatulog niya muna si Crimsom, nagpupumilit  kasi itong sumama. Masakit palang marinig kung gaano kababa ang tingin ng iba sa isang single mother na tulad niya.

She was branded as a whore by her boyfriend and his friends. Cedric made his friends believe that something already happened to them which is a big fat lie. Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang manginig sa galit sa tuwing naaalala niya kung paano siya pagsalitaan ng mga ito na para bang siya ang hayok na hayok sa laman. While the truth is, they are the one boosting their trashy ego with sex.

Agad siyang nakipagkalas. She don't need a man in her life specifically his kind. But Crimson becomes the collateral damage. Labis itong nasaktan nang ipagtabuyan niya si Cedric. Nagtampo pa ito ng isang buong araw sa kanya. Mabuti nalang at nadaan niya ito sa Jollibee. Akala kasi nito ay magkakaroon na ito ng ama na kasa-kasama sa bahay katulad ng ibang mga bata.

"Nandyan naman si Daddy Jared, diba? Daddy Jared is Papa." She says almost whispering. She's at the verge of  crying. Kaunti nalang ay baka humagulgol na rin siya. But being a parent, a single one, taught her to be stronger. Kailangan niyang maging malakas at maging sapat para sa kanilang mag-ina.

"Pero hindi mo siya love, kaya nga hindi  natin siya kasama sa isang house." Sumisigok-sigok pa ito.

Napaiwas ng tingin si Olivia dahil tuluyan nang bumagsak ang luha niya. She's trying really hard to pour all the love her child needs but she knows it will never be enough. Her departed parents gave her everything. Love, care, support and a complete family. Sa mga ganitong pagkakataon ay gusto niyang magalit ng todo sa sarili niya. Kung nagawa niya lang sanang mahalin ang ama nito, hindi sana nasasaktan ngayon ang anak niya.

Teacher MarcusWhere stories live. Discover now