3 - Critical Thinking

1 1 0
                                    

Natigilan si Marcus at ang kasama nito. Habang si Olivia ay nagpasalin-salin ang tingin sa dalawa.

"What I have gotten myself into?" Tanong ng babaeng kasama ni Marcus. Kumapit ito sa braso ni Marcus at kitang-kita ni Olivia nang bahagya itong pisilin ng babae. "Mag-usap muna kayo. Sa labas muna ako."

Nginitian ito ni Marcus at tinanguan. Pero bago pa makabitaw ang babae ay nagsalita na agad si Olivia.

"No-hindi. I mean, I'm sorry. I was just-" She was what? Being possessive of Marcus and seeing him with his future bride infuriates her? Asang sasabihin niya iyon. She was staring at the woman's hand that was on Marcus' arms. On the side of her eyes, she saw a glimpse of Marcus and she is very much aware of the weight of the stares she is having inside the room.

Nang muling mag-angat ng tingin si Olivia ay may nakahanda na itong isang pilit na ngiti. "I'm sorry, nabigla lang ako. Let's have a seat."

Ngumiti ng makahulugan sa kanya ang babae at nauna na itong lumapit sa upuang iminuwestra niya na nasa harap ng kanyang office table. Nang mapadako ang mata niya kay Marcus ay ngiting-ngiti rin ito.

"Hindi nabanggit sa akin ni Teacher Marcus na may fiancée na pala siya. I'm Olivia by the way."

"I'm Esther at hindi rin nabanggit sa akin ni Marcus na close pala siya sa isang sikat na photographer. Grabe, madalas ko lang makita ang pangalan mo sa Creates Magazine tapos ngayon nandito na ako sa office mo."

Olivia is a freelance photographer despite having her own shop and team kaya kung minsan ay tumatanggap pa rin siya ng trabaho sa labas mula sa mga malalapit na kaibigan. Mas gusto niya pa rin kuhanan ang mga bagay na may kwento kaysa sa mga kung ano-anong muwebles.

"Pleasure to meet you." Nang tumingin si Olivia kay Marcus na ngayon ay nakaupo na sa upuang na kaharap ni Esther ay napasimangot siya. Naiinis siya rito pero mukhang aliw na aliw pa ito sa kanya. Ang kapal ng mukha. May fiancée na pala ang loko hindi man lang nagsabi sa kanya. Paano niya ito ipapaliwanag ngayon sa anak niyang umaasa kay Marcus?

Talaga ba, Olivia? Si Crimson lang ang umaasa? Tanong ng makulit na bahagi ng utak niya.

Napahagikgik si Esther habang pinagmamasdan ang dalawa. Pabiro nitong sinipa ang binti ni Marcus. "Umayos ka nga, Sir." Saad niya bago tumayo. "Labas muna ako, tatawagan ko muna ang groom-to-be ko. Later, lovebirds."

"What did she just say?" Puno ng pagtatakang tanong ni Olivia.

"Ang sabi niya, gusto mo ako kaya selos na selos ka."

Napairap si Olivia sa kanya bago humalukipkip.

"Pwede ba, Teacher Marcus. Ako magseselos? Dream on!"

"Masyado kang defensive. Mata mo luluwa na oh."

"Hindi ah."

"Okay, sabi mo eh. Kunwari nalang hindi ka nag-assume agad na ikakasal na ko sa iba."

Pabiro siyang sinampal ni Olivia. "Huwag ka ngang mang-asar dyan. Nag-worry lang naman ako para kay Crimsom. Masyado ng malapit sa'yo yung bata, ayaw ko lang masaktan na naman agad ang anak ko."

Inabot ni Marcus kamay ni Olivia at gamit ang dalawang hinlalaki ay minasahe niya ang likod ng palad nito. Nginitian niya ang dalaga. This time it was a pure reassuring smile and not just some cocky grin.

"When I told you I wouldn't  hurt him, I mean it. Hindi ko kayo sasaktan at hindi ko kayo basta-basta iiwan."

Olivia feels like dreaming as she stare on Marcus brown black eyes. She'd like to think that it was glowing in sincerity and not in something else or whatever emotion that was messing on her. Hindi siya dapat magpadala sa mga mabubulaklak nitong salita. Alam niya iyon and she learned it the hard way. Ilan na ba ang lalaking naka-date niya pero nauwi lang sa wala? May isa ngang tumagal pero iniwan din naman siya. Ano pa kaya si Marcus na wala namang kinalaman sa kanilang mag-ina.

Teacher Marcusजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें