KABANATA 1 †

29.1K 761 48
                                    

Kabanata 1
( Edited and Revised, expect new added scenes/ words. )

“ Ayan sukli mo tsong! Lunokin mo lahat! ”
—Fhey the great.

Fhey Luna Cortez Points of view*

Manong ito po bayad ko, salamat. " Sabi ko sa tricycle driver na medyo may katandaan na sabay abot ng sampung piso sa kanya habang nakangiti. Ginantihan­ niya naman ako ng ngiti at agad na nagpaalam sa'kin.

“ Sige ineng salamat din! " pagkasabi niya nun, ay agad siyang umalis, kumaway pa ako sa kanya.

" Babye manong ingat po sa kalsada!! "Sigaw ko rito habang kumakaway, nag thumbs up naman ito na kinangiti ko. Where not friend or magkakilala, sadyang nikiki-feeling close lang talaga ako. Malay niyo siya ulit ang masakyan ko mamayang uwian. Edi baka makalibre pa'ko ng sakay, hindi ba? Ahahaha!!

Agad akong lumingon at tinignan ang University na papasokan ko. Halos lumabas ang mga mata ko at tumulo ang laway ko dahil sa nakikita ko.

I can't believe this!

I can't believe na ang dating school na sa TV at magazine ko lang nakikita at inaasam-asam kong matapakan ang sahig ay na sa harap ko na mismo!

Shittttt dream come true mga toll!

Siguro maraming pogi rito. Eskwelahan kasi ito ng mga anak ng mayayaman at high class!

" Oh my juice, ang laki at subrang ganda mo talaga! Para akong na sa anime! "wala sa sarili kong puri at tili dahil manghang-mangha ako rito.

Dito ba talaga ako papasok?

Grabe ang gara naman dito. Ang sosyal ha!

Ang mga students halatang mayayaman dahil sa mga pananamit nila ta's de-kotse pa. Edi sanaol na lang. Soon makakabili rin ako niyan, Hmmp!

Mahilig kasi ako sa sportcars, kaya marami akong koleksiyon na pinanggugupit ko sa mga magazines at dinidikit sa isang notebook heheh. 'Yon na lang muna ang kaya ko, wala pa me money para bumili ng tunay eh.

Napasimangot ako nang tignan ko sarili ko. Naka black skinny jean ako at floral polo na kulay light brown na pambabae, binili ko pa ito sa ukay-ukay sa halagang 100 at pinarisan ng flat shoes na brown na inarbor ko pa kay Linlin. Well? Okay naman suot ko. At least may damit na nasusuot, 'diba? Tsaka sabi ni Nani ko (Mama ko) Aym born pretty daw at wanhandred percent agree ako!

'Yon nga lang medyo malabo paningin ko, hayst.

Inayos ko muna 'yong mumurahin kong salamin at bumuga ng hangin at pumunta sa guard house nang nakangiti. Sabi kasi ni Nani ko, dapat daw always ngumiti para lapitan ng swerte.

“ Good morning Ma'am! ID card niyo po? ” mabait na bati at tanong ng gwardiya sakin. Oh Ayos 'di ba? Ang sosyal lang ng peg. Ma'am tawag sa'kin, sana lahat hehe. Tumikhim muna ako at ningitian siya nang kalaki-laki.

"Good morning too po kuya. " bati ko at hinanap ang ID ko sa maliit kong back pack na inutang ko pa sa kapit-bahay namin.Agad ko naman itong nahanap at ibinigay sa kanya.

" Ito po." Abot ko. Agad siyang ngumiti sa'kin.

" Transferee student po kayo Ma'am? " Tanong niya.

"Opo, nakakuha po ako ng scholarship eh." sagot ko rito nang proud.

Yes, nakakuha ako, kaya nang malaman kong nakapasa ako sa exam nila for free scholarship ay subrang saya ko, halos tumalon-talon ako sa maliit kong kwarto sa bahay ng tiya ko sa subrang tuwa. Pero wala, ang killjoy niya pinagalitan pako kesho ang ingay ko raw. Tsk! Pangit niyang ka-bonding isama mo pa iyong anak niyang pinaglihi sa clown.

That Nerd is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon