Kabanata 6†

12.9K 833 15
                                    

"You're Beautiful, you look like my mom."

Fhey Luna Cortez Points of view*

Napahawak ako sa aking dibdib para pakalmahin ang sarili ko at tibok ng puso kong kanina pa abnormal na tumitibok, dala na rin sa pagod at hingal kakatakbo.Napasandal­­ ako sa isang pader at napadaosdos ng upo bahagya sa sahig. I bowed down my head gaspingly and closed my eyes.

Like hell, ang haba ng tinakbo ko mga tsong!

"Peste." Tanging salitang lumabas sa bibig ko habang Nag re-recover sa mga nangyare kanina. Kumawala ako ng mahabang bugtong-hininga para mahimasmasan.

Akala ko, mapapadali lang ang pagkuha ko ng cellphone ko, 'yon pala... Hanggang akala lang. Arrghh! Nakakainis talaga!

Lalo na ang Whiros na iyon! Muntik niya pa akong gawan ng kabastosan. As in GAGO SIYA!

IMPAKTO!

Tumayo at nagmamadaling lumakad ako pabalik sa classroom ko or kung saan si Missy.

Or hindi kaya, uuwi na lang ako total wala namang klase dahil may faculty meeting lahat ng teachers namin. Gusto ko man tawagan si Missy pero hindi ko magawa dahil first of all...

Wala akong number niya.

Second, wala akong load mga dude.

Yes po, Opo. May karamay kayo.

And last...

12 percent na lang ang battery ko. Hindi ko alam if ba't naging 12 percent ito, eh noong umaga nasa 90 plus pa 'to eh.

Possible kayang ginalaw niya selpon ko? Nagtataka rin ako sa password kong nawala.

Mga yawa talaga. Sana naman hindi niya binuksan ang gallery ko.

Like fak! Alam kong cute at maganda ako, but duhh bawal nilang makita mga naka-wacky pictures ko!

Papaliko na sana ako sa isang daan nang may bigla na naman akong muntikan ng makabangga. Mabuti na lang ay naka-usog agad ako, kung hindi, masasabi ko talaga na sinusundan ako ni kamalasan, tsk.

Agad kong tinignan ang taong muntikan ko ng mabangga, at doon kumunot ang noo ko nang makita siya. Kahit siya ay bakas sa mukha ang pagkabigla pero kalaunan ngumisi.

Ba't ba palagi 'tong sulpot nang sulpot kahit saan? Ayts.

"H-hyx?" 

Tawag ko sa pangalan niya, ngumiti siya. Ang weird ng taong 'to, or baka ako lang ang nakakaisip ng bagay na iyon?

"Hey, ikaw lang pala." Sagot niya sa'kin sabay gulo ng buhok ko. Na agad kong inayos.Tss, ano palagay niya sakin? Bata?

I pouted.

"A-anong ginagawa mo dito? Saan ka pupunta??" Tanong ko na kinabugtong-hininga niya sabay pamulsa.

" Ahh... Nothing. Nagmuni-muni lang saglit." Sagot niya at ngumiti.

I just nodded.

"How about you? Where have you been? Para kang hinahabol sa mukha mo." Kilatis niya sabay tawa nang mahina.

Sasabihin ko ba?

Duhh self, close mo??

" A-ahh ano... Ano kasi u-um... SAME! Nagmuni-muni rin saglit at nag pahangin heheh." Pagsisinungaling ko sabay tawa ng peke.

He nodded twice, and looked at my forehead. His brows creased.
“ Damn, nauntog ka ba ulit? You're forehead is swelling, it looked fresh, may munting bukol oh. ”Seryusong sambit nito sa'kin sabay hawak ng noo ko. He pressed it lightly, rason para maramdaman ko ang kirot at hindi naitago ang reaksiyon sa mukha ko. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa noo ko dahil doon.

That Nerd is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon