chapter 49

5.8K 207 2
                                    

"""

Abala si  Fhey sa pag hahanda ng umagahan para sa mga alaga niyang makukulit na koteng at para kay Whiros.Kasama niya ang mga kusinera na maligalig na tinutulongan siya sa pag luluto.

" Manang Paabot po ng Malaking bowl,please." Pag  susuyo nito sa isang katulong.Agad namang kinuha ng isang kusinera ang bowl na malapit sa kanya..

" ito  po Señorita,ang bango mukhang masarap po ah.." Aniya ng katulong nito Sabay abot ng bowl kay Fhey.

Ningitian ito ni fhey.

" salamat po,favorite ito ng dalawang sina Sky at Wave."sagot ni Fhey dito,na kinatango ng kusinera.

" Señorita Fhey,Sorry sa abala pero yung  dalawang bata,dumiretso sa kwarto ng Ama nila,---sabi ko bumangon na sila dahil utos mo,pero...t-tumakbo sila sa kwarto ni Emperador at pumasok eh..ang bibilis tumakbo.." Sambit ng isang maid na kakasulpot lang sa kusina.

Binalingan ni Fhey iyon ng tingin,Halata sa mukha ang pagod at hingal nito.Tumakbo siguro kaya ganito siya.nag kamot pa ito ng ulo.
Ito yung maid na inutosan niyang gisingin ang dalawang bata kanina.

Napabugtong hininga si Fhey.

" Ganun ba,O sige salamat nalang ako na bahala sa kanila..you may leave na Ate." Sambit in Fhey sa kanya ng nakangiti.At agad na hinubad ang apron na suot at binigay iyon sa katulong.

" Salamat po Señorita..mauna na po ako.."pag papaalam nito kay Fhey.

Tumango si Fhey dito at binigyan ng malaking ngiti ang ginang.

" Manang,kayo na po bahala mag handa at mag tapos ng mga niluluto ko ah,may dalawa pa akong koteng na papaamohin.." Nakangiting habilin niya sa mga kasama niya sa kusina.Kinindatan niya pa ang mga toh na kina hagikgik nila.

" Nako Señorita..Mukhang tatlo eh,kaso ang isa Tigre..." Sambit naman ng isang Kusinero na lalaki(malamang.)
Medyo na tawa tuloy si Fhey rito,pati rin ang ibang mga kasamahan nila sa loob.

" Sinabi no pa Chef Harold.."pag sang ayon ng isa sa sinabi ng kusinero na nag ngangalang Harold.

Umiling iling lang si Fhey sa kanila,habang naka ngiti.

Syempre,

Alam niya kung sino ang tinutukoy nilang tigre..

Si Whiros yun malamang.

" Ewan ko sayo,--oh sha mauna na ako,kayo na ho bahala rito..." Sambit ni Fhey at tumalikod.Tumango naman lahat sila sa sinabi ni Fhey.

" Sige po Seniorita.." Sambit nilang lahat.

Hanggang ngayon,ay nakaka ilang parin sa kanya na tawagin siya sa SENIORITA,dahil Hindi sanay na tawaging ganoon,lalo't Hindi siya amo rito.

Agad niyang tinahak ang mahabang pasilyo,ilang mga malalaking pintoan pa ang mga binuksan niya makarating lang siya sa Pasilyo papuntang mga kwarto.
Pasalamat siya Hindi siya na liligaw kahit paaano.

Ganun ka laki ang palace..

Sige, isipin mo pa..

Ng maigi.

Pag katapos ng Isang libong taon-este ilang minutong pag lalakad,ay narating na rin niya ang gusto niyang marating.

Pinuntahan at sinilip niya muna ang kwarto ng mga bata,kaso wala na ang mga toh sa loob.Kaya na pag disesyonan niyang isarado nalang ito at pumunta sa kwarto nila ni Whiros.

Kung saan andoon ang dalawa,based sa sinabi ng ginang kanina sa kanya.

Agad niya itong pinihit.

At kasabay ng pag bukas ng pinto ay ang pag salubong sa kanya ng mga ingay sa loob.

That Nerd is Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon