Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Fallen Part 1: Exordium Chapter 3 and 4

155K 2.3K 644
                                    

Chapter 3

Alyx's POV

KRRRRIIINNNGG! KRRRRIIIINNNGGG!

Ayan na naman ang lecheng demonyo na ginugulo ang umaga ko.

KRRRRIIINNNGG! KRRRRIIIINNNGGG!

Fine! Inayos ko na yung sarili ko at pinatay yung kanina pang maingay na alarm clock ko. Tumayo ako at nagpunta na sa banyo para maligo at mag-ayos. After magbihis ng aking uniform, humarap na ako sa salamin.

These same eyes. Tinakluban ko na ito ng aking bangs at lumabas na ako ng kwarto ko.

Katapat ng kwarto ko ang dating kwarto ni Papa. Hinawakan ko ang pinto nito. Simula ng namatay siya, hindi ko na muling nakita ang kwarto niya. Gaya nang lagi kong ginagawa, tinutuunan ko ang pinto ng aking ulo habang nakapikit.

"Simula na naman ng bagong araw, Papa. Mag-isa pa rin ako hanggang ngayon. Sobra-sobra kitang nami-miss... I love you, Papa."

Bumaba na ako at nagpunta na sa may kusina para maghanda ng kakainin ko. Nag-cereals lang muna ako, then nagluto ako ng ham for my sandwich mamaya. Pagkatapos ay nag-toothbrush lang ako, at umalis na rin papuntang school. Pagbukas ko ng pinto, hindi na ako nagulat sa mga nakita ko.

Groceries.

At may papel na nakasipit.

To: Alyxandra Genieve Riviera

Nasa bangko na po ang allowance niyo for this week, bayad na rin po lahat ng school expenses nyo. Pati na rin lahat ng bills nyo.

Tapos wala ng ibang nakasulat.

Ginusot ko yung papel at tinapon sa trashcan. Tiningnan yung groceries, at wala akong magagawa kung hindi ayusin lahat ng yun. Inilagay ko yung mga dapat ilagay sa ref, then iniwan ko na lang yung iba sa may table. Aayusin ko na lang pagbalik ko.

Naglakad na ako papuntang school na 10 minutes lang naman ang layo sa bahay ko. Normal na sa akin ang mga tingin ng mga nakakasalubong ko. Kung hindi pasimpleng nanglalait, karaniwan, nawei-weirduhan. Wala naman akong pakialam sa kanila. Ang importante sa akin ay maging matino lang ang wala kong kwentang buhay. Yun na yun.

Ilang saglit pa, nasa lobby na ako ng school.

St. John Baptiste University.

Pagpasok ko pa lang, ramdam ko na ang mas intense nilang mga tingin. Kahit naman

natatakluban ng bangs ang mga mata ko, sapat na ang konti kong nakikita para malaman ko kung anong gusto nila iparating.

"Oh, the freak."

"Idol ba niya si Sadako?"

"Ahuh... and I think kasing pangit siya ni Sadako."

"Kahit kalahati pa lang ng mukha niya ang nakikita natin, she scares the hell out of me."

"Loser."

Yan lagi ang naririnig ko, psshhh... tawagin na nila ako sa mga gusto nilang itawag sa akin, I don't care.

Naglakad lang ako papunta sa first class ko. Lahat ay nakatingin sa akin, at lahat nagbubulungan. And then—

"AAAAAAAHHH! HE'S HERE!"

"OH MY GOSH! THE PRINCE IS HERE!"

"HE'S SO PERFECT!"

Aray ko naman! Ang bibilis nila, kung makasagi naman sila parang artista o kung sino yung dumating. Nang makalayo-layo ako, napatingin ako sa pinagkakaguluhan nila. The "Prince", whatever. Pero, I owe him one. At least dahil sa kanya, nawala sa akin ang attention. Napansin ko na napatingin siya sa direksyon ko, at...

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon