Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 11 and 12

69.5K 1.3K 307
  • Dedicated kay Antonello Joseph Sarte Perez or AJ Perez
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 11

(Seraphiel's POV)

Sinamahan ko na si Alyx sa school kinabukasan, at nakakatuwa dahil nakita ko ang ibang mga anghel na tagabantay. Nakakaaliw rin panoorin ang mga tao, lalo na yung mga babaeng nababaliw kay "Prince". Ang kulit ni Alyx, pinipilit niyang basahin ko na lang ang utak niya para hindi niya ako kailangang kausapin.

Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin, alam kong natutunaw ko na ang yelo na bumabalot sa pagkatao ni Alyx. Konti na lang, matatapos na ang misyon ko. At masaya ako dahil matutulungan ko ang kaibigan ko.

Pero sinira yun ng kung sino mang demonyo ang nasa paligid namin ngayon. Naramdaman ko siya nang pumasok si Alyx sa classroom niya, at alam kong naramdaman din ito ni Alyx.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Alyx at mabilis akong lumipad para harapin kung sino mang demonyo yun na gustong kunin ang kaibigan ko. At para na rin pigilan siya dahil napakadaming anghel at tao ang madadamay kung hindi ko pa siya makikita.

Nakita ko siya sa rooftop ng isang building ng eskwelahan. Mahina lang ang aura niya, ibig sabihin, mahina lang ang isang ito—o baka naman may kasama siya? Lumapag ako ilang hakbang mula sa kanya at pinakiramdaman ang paligid ko.

"Mag-isa lang ako dito, anghel. Pinadala ako para sa isang babala."

"Babala?"

"Oo, babala, para sa'yo at sa tao."

"Anong—" Hindi niya ako pinatapos at sa isang iglap, nasa harapan ko na siya. Mabilis akong umatras at inilabas ang espada ko, pero hindi siya natinag at tiningnan lang niya ako.

"Tatlong atake, anghel. Tatlong matitinding atake ang gagawin ng impyerno para makuha ang tao. Kaya mag-ingat ka, anghel. Bantayan mo siya, dahil sa mga pagkakataon na hindi mo inaakala na aatake kami, doon niyo matitikman ang hagupit ng kasamaan."

"Bakit mo sinasabi sa akin ito, demonyo?"

"Para maihanda mo ang tao, anghel. Kung kailan nasa pinakamalakas na niyang kapangyarihan ang tao, doon namin siya kukunin. At sinisigurado namin, makukuha na namin ang kaluluwa niya."

"WALANG MAKAKALAPIT KAY ALYX! SINISIGURADO KO 'YAN!"

"Itinakda ang lahat, anghel. Tandaan mo 'yan. Kahit ang impyerno, alam ang mangyayari. Imulat mo ang mga mata mo. Hindi pagkakataon lang ang lahat. At kung kailan mo maiintindihan ang lahat, saka naman magbabago ang takbo ng ikot ng tadhana."

Bigla na lang siyang nawala. Ilang saglit pa bago ko mapagtanto na wala na ang kausap ko, saka naman dumating ang ibang mga anghel. Posibleng sila ang mga pinakamalapit sa posisyon namin, at kaya ko lang sila naunahan ay dahil sa karanasan ko at bilis na rin.

"Seraphiel, naramdaman namin ang isang demonyo sa lugar na ito, tinapos mo na ba siya?"

Hinarap ko sila "Hindi, hindi siya pumunta dito para makipaglaban. Binalaan lang niya ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam."

Nagtinginan sila at tumango. "Alam na namin ang lahat, Seraphiel. Si Alyxandra pala ang binabantayan mo. Ingatan mo siya, nararamdaman namin ang kapangyarihan niya. Posibleng yun ang gustong kunin ng mga demonyo."

"Alam ko. Kahit hindi nyo ako sabihan, gagawin ko ang tungkulin ko."

"Magaling kung ganun. Sige, kailangan na naming bumalik sa mga alaga namin." Umalis na silang lahat at naiwan akong mag-isa.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon