Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 7 and 8

76.4K 1.4K 108
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus (The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 7

(Seraphiel's POV)

Mabilis kong naabot yung tao na nakakita sa akin. Binuhat ko siya, inihiga sa kama niya at tinitigan siya.

Alam kong sobra siyang nagulat nang makita ako. Syempre naman, hindi naman normal na makakita ka ng isang anghel at hindi naman normal sa akin na makita ako ng isang tao.

Inayos ko yung buhok niya, hinawi ko yung mga nasa mukha niya. Maganda talaga siya. Kaso nakikita ko sa mukha niya na nahihirapan siya, at sobrang paghihirap, pagkalungkot, at pag-iisa ang nararamdaman niya.

Hahawakan ko sana ang noo niya para kahit naman papaano, maging maganda ang pakiramdam niya kapag nagising siya, yun lang ang maitutulong ko. Nang ilalagay ko na ang kamay ko sa may noo niya, may nakita akong kutsilyo sa may paanan niya.

Kutsilyo? Anong gagawin niya dito?

Naramdaman kong dumating na ang ibang mga anghel. Inilagay ko ang kutsilyo sa mas maayos na lugar at hinarap ang mga anghel na nakaluhod sa unahan ko.

"Seraphiel, naayos na namin ang mga gulong nangyari kanina habang kinakalaban mo ang Grigori. Ito na lang ang huling lugar," sabi ng pinuno nila.

"Magaling," sabi ko tapos tumingin ako sa tao na nasa tabi ko. "Maari nyo bang burahin ang memorya niya? Isa siya sa mga may kakaibang regalo." Alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Wag po kayong mag-alala. Gagawin po namin 'yon."

Tumango ako at naglakad na para pumunta sa may bintana tapos humarap ulit ako sa anghel. "Kayo na ang bahala sa lahat." Tumango lang ang anghel sa akin, at lumipad na ako papunta kay Michael.

"ANO?" Kaharap ko ngayon sina Michael at Gabriel, matapos pagalingin ni Raphael ang mga sugat ko.

"Oo... Seraphiel, 'yan ang bago mong misyon."

"Pero—"

"Sinusuway mo ako?" Masama ang tingin sa akin ni Michael, at mukhang natatawa naman si Gabriel sa mga nangyayari.

Yumuko na lang ako. "Hindi po... sige po, gagawin ko na po ang misyon ko."

"Magaling." Biglang may lumabas na mga papel sa harapan ko at kinuha ko ang mga iyon.

"Yan si Alyxandra Genieve Riviera, 17 years old, Filipino." Nakatingin ako sa litrato ni

'Alyxandra' na nasa papel. Natatakluban ng kanyang buhok ang mga magaganda niyang mata.

"Namatay na ang kanyang ama at lola... siya na lang sa bahay nila."

"Ang kanyang ina?" tanong ko.

"Hiwalay sa kanya. Ang misyon mo ay ayusin ang kanyang buhay, gabayan siya—"

"Sandali po," putol ko. Tumango si Michael sa akin, ibig sabihin pakikinggan niya ang sasabihin ko. "Di po ba ito ay gawain ng isang bantay na anghel?"

"Oo, obligasyon nga ito ng bantay na anghel niya. Pero hindi kakayanin ng bantay na anghel ang mga panganib na kahaharapin ng batang ito."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Napansin mo naman na may 'kakaibang regalo' o kakayahan siya. Siguradong lagi siyang pupuntahan ng mga demonyo para linlangin at gamitin sa kasamaan ang

kakayahan niya." Naintindihan ko na kung bakit ako ang kailangan magbantay sa kanya.

"Ako na po ang bahalang magbantay sa kanya." Yumuko ako bilang paggalang at nagsimula ng maglakad para hanapin ang aking babantayan.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon