Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 13 and 14

75.8K 1.3K 253
  • Dedicated kay Bea Herrieth( Gem Herrieth Honor)
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)


Chapter 13

Pag dating ko sa Humanities class ko, wala pa rin ang kaisa-isa kong kaklase. Buti na lang. Umupo agad ako sa upuan ko at nag-umpisang magbasa, pero hindi rin nagtagal ay nabasag na naman ang katahimikan.

"EEEEEEEEHHHH!"

Ang mga nakakabinging tili. Ibig sabihin nandito na ang classmate ko.

"Sige girls, bye na muna ngayon. Thanks sa paghahatid."

"Bye, Prince!"

Narinig kong nagsara ang pintuan. Hindi ko siya tiningnan at itinuloy lang ang pagbabasa ko.

"Bakit ka absent kahapon?" bungad sa akin ni Prince. Hindi ko siya pinansin. "Acting like you can't hear me? Una, absent ka kahapon. Sa tatlong taon kitang kaklase, never pang nangyari yun. Tapos babalik ka na mas weird pa kaysa dati. Sabihin mo, Riviera, anong meron sa'yo ngayon?"

"...."

"Ayaw mo akong sagutin huh." At nakita ko na lang na nawala ang libro ko sa kamay

Ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag siya patulan pero malapit na talaga—

"Ngayon, wala ka ng binabasang libro, answer me... ANONG MERON SA'YO NGAYON RIVIERA?"

Tumayo na ako at humarap sa kanya. Nakita ko siyang naka-smirk. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang may maramdaman ako.

Tumingin ako sa may pintuan at nakita ko si Iel kasama ang isa pang anghel. Tiningnan ko siya nang masama at kinausap siya sa pamamagitan ng isip ko, 'Wag kang makikialam Iel, sinasabi ko sa'yo.'

"'Yan, bigla ka na lang magspe-space out at titingin sa kung saan na para kang may nakikita. Ilang beses ka nang ganyan ngayon, Riviera." Napa-alis ang tingin ko kay Iel at tiningnan ko si Prince.

"Wala kang pakialam, Demelclair."

Kinuha ko ang libro ko sa kanya. Nawalan na ako ng ganang pumasok kaya kinuha ko na rin ang gamit ko at aalis na. Bigla kong naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko, at napatingin ako sa kanya.

"May pakialam ako sa'yo, Riviera. Tandaan mo 'yan."

"Alisin mo ang kamay mo sa akin, Demelclair, o magsisisi ka."

"May mali dito, Riviera. Nararamdaman ko yun. At alam ko... may nakikita ka na hindi namin nakikita."

Nagulat ako sa sinasabi niya. Posible kayang alam niya na—

"At aalamin ko yun, Riviera, kasabay ng pag-alam ko sa pagkatao mo. Tandaan mo yan."

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Hinding-hindi mo malalaman ang pagkatao ko, Demelclair. Walang makakaalam nito."

Naglakad na ako, at nakita kong nakatingin lang sa akin si Iel pati na rin yung isa pang

anghel. Natigilan ulit ako sa sinabi ni Prince.

"No one can stop the Prince, Riviera. At kahit ikaw, hindi mo yun magagawa."

"Jerk," yun lang ang sinabi ko at lumabas na.

*

"Magiging bahagi siya ng buhay mo, Alyx," narinig kong sabi ni Iel sa akin. Nakatalikod ako sa kanya ngayon dito sa loob ng bahay.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nararamdaman kong magiging bahagi siya ng buhay mo... at ng puso mo."

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon