3 Omerta

8 0 0
                                    

"Shush." biglang tinakpan ni Art ang bibig ni Genesi. Luminga muna siya sa paligid, buti nalang at walang nakarinig at mukhang tulog pa ang mga kapitbahay niya. "Keep it down. Hindi pwedeng may makaalam nito. Madadamay ka sa gulo, kasama ang pamilya mo Genesi kaya mag-ingat ka sa pananalita mo."

"S-sino ba kasi siya? Ano ba ang nangyayari?" napakunot-noo si Genesi at tinignan niya ng maigi si Art. Ang pagkakakilala niya rito ay mabait at mabuting tao ang binata. Magkakilala na sila simula high school bago pa nagkaroon ng matinding hindi pagkakaintindihan. Bakit parang ngayon, iba na ang Art na kausap niya?

"Genesi, kung pwede lang... Pero hinde." napapikit muna si Art ng may maalala siya. "Asan si Tito? Ako na ang bahala sa kaniya."

"Hindi mo siya kukunin ng wala kang paliwanag." hinarangan ni Genesi ang pintuan. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari, halos mamatay na nga siya dahil kay Vaeun eh, kasama na doon ang mala-horror movie niyang pagpapakita.

"Kung gusto mong malaman, sasama ka sakin. Pasensya na Genesi pero, kasama ka na sa nangyayari ngayon. Ipapaliwanag ko sayo basta sumama ka samin."

Nag-isip muna si Genesi. Total maaga pa naman at matagal pa ang susunod niyang shift. Tumango si Genesi at binuksan ang pinto. "Pasok ka muna. Nasa kwarto ko yung tito mo."

"Genesi, pinili mo ito. Wala na akong magagawa." naisip ni Art habang sinusundan si Genesi. Siya ang nagpumilit na malaman ang mga pangyayari. Sa oras na maintindihan niya ang lahat, dawit na rin siya sa gulo. Worse, damay na ang buong pamilya niya.

Sumama si Genesi kay Art sa isang malawak na mansion. Hindi niya mapigilang mamangha at magtaka. Pano ba naman, maraming mga lalakeng naka-itim na nililibot ang gate. Agad silang nagbigay-daan ng makita ang Aventador na paparating. Sumulyap si Genesi kay Vaeun. Nasa backseat sila at pinatong nalang niya ang ulo ni Vaeun sa legs niya.

"Art, dito ka nakatira?" natanong ni Genesi habang papalapit na sila sa harap ng mansion. Sa pagkaka-alala niya, kasama ni Art ang ama niya sa isang simpleng bahay malapit lang sa paaralan noon. Kaso, matapos nilang maghiwalay, biglang nawala si Art at ang ama niya. Ang huling balita lang niyang nasagap ay patay na pala ang ama ni Art.

"May sarili akong villa. Si Tito Vaeun ang nagmamay-ari nito." maikling sagot ni Art matapos niyang mapatigil ang kotse.Unang bumaba si Art at tinulungan si Genesi. May mga lalake rin na agad umalalay at dinala si Vaeun sa ibang parte ng mansion.

"Genesi, alam mo ba ang omerta?" natanong rin ni Art ng madala niya si Genesi sa guest hall. May mga katulong na agad nagdala ng tsaa para sa kanila.

"Omerta? Ano yun? Recipe?"

Pinigilan ni Art na matawa sa sagot niya. Umiling ito at inabot ang baso kay Genesi.

"Code of omerta, ang paglilihim sa mga nalalaman mo, lalo na kung tungkol sa isang mafia." inangat ni Art ang tingin niya kay Genesi. Bakas ang pagtataka ni Genesi sa mga sinabi niya. "Dahil sa gusto mong malaman, kailangan mong hindi ipagkalat ito sa iba. Higit sa lahat, ang nangyari kay Tito Vaeun."

"Uhm, diretsuhin mo nga ako." naisip ni Genesi kung ano ang kapalit kapag nasagot na ang lahat ng katanungan niya.

"Damay ka na, simula ng tinulungan mo si Tito Vaeun pero hindi namin ito isasawalang-bahala. Dahil sayo, naligtas mo siya mula sa mga kalaban namin. Alam mo na siguro na delikado ang pinasok mo. Mafia leader ang Tito Vaeun ko, galing siya sa Italy pero sinundan siya ng mga kalaban niya roon. Isusunod ka na nila at ng pamilya mo dahil tinulungan mong mabuhay ang kaaway nila."

"Puuu! Ano?!" naibuga ni Genesi ang tsaang nainom niya. Buti nalang at nakailag si Art. "Wanted na rin ako, ganon? Hindi naman ako kasabwat ah! Yang kasing tiyuhin mo, pinagbantaan akong barilin! Ano bang magagawa ko? Hindi naman ako si Cardo na di mapatay-patay!"

"Im afraid you cant turn back, Genesi. Kasama ka na sa grupo namin."

"Hindi pwede! Magpapatulong ako sa pulis." tumayo si Genesi at tumalikod ng makita niya ang mga katulong na nagdala ng tsaa kanina. Nakatayo sila malapit sa pintuan at may hawak na mga baril na nakatutok sa kanya.

"Sam, Rin, Andy, hindi siya kaaway. Ibaba niyo yan." kalmadong sabi ni Art na nakaupo parin. Tinignan niya si Genesi at tinikman ang tsaa bago magsalita ulit, "Genesi, code of omerta. Hindi ka pa nila kilala kaya pwede ka nilang patayin kahit na hindi mo ipagkakalat ang mga sinabi ko."

"Sir Art, hahayaan po ninyong mabuhay siya?" tinanong ng isang maid. Nagtataka silang tatlo, bakit parang iba ang trato ni Art sa babaeng ito?

"Genesi, mas maigi kung dito ka muna. Ako na ang bahala sa pamilya mo." tumayo si Art at hinarap si Genesi. Gently, he tucked few hair strands behind her ear. Ngumiti ng konti si Art pero wala paring reaksyon si Genesi. "Trust me. Niligtas mo si Tito Vaeun. Paggising niya, kaya niyang ibigay ang hihilingin mong kapalit. Basta huwag mo lang hilinging ikasal kayo, okay?"

"Kasal agad? Hindi ba a pwedeng pera lang?" kumalma narin si Genesi habang nagpigil ng tawa si Art.

"Andy, asikasuhin niyo si Genesi. Babalik din ako bukas." ito nalang ang nasambit ni Art bago umalis.

Napatitig si Andy kay Genesi, her expression was complicated.

"Miss Genesi, kasintahan ba kayo ni Sir Art?"

"H-huh?" namula ang pisngi ni Genesi pero agad siyang nagpigil ng nararamdaman niya. "Noon lang, baka nga may babae na yan eh. Meron ba?"

"Miss Genesi, mula ng dinala si Sir Art sa Italy, wala siyang naging babae. Pero kung tatanungin mo ang tungkol kay Sir Vaeun, baka maiyak ka." sambit naman ng isang maid.

"Rin." sinulyapan ni Andy ang maid na iyon at muling binalik ang atensyon kay Genesi. "Ang pinaka-ayaw ni Sir Vaeun sa lahat ay yung mga mabaeng mapagsamantala sa kakaunting kabaitan niya. May dati siyang girlfriend dito, kailan lang at pinilit niyang gustong magpakasal kay Sir Vaeun para panagutan ang nangyari sa kanila. Alam mo ang nangyari?"

"Ah, oo. Alam ko nga eh kasi hindi ko pa nalalaman." sarcastic na sa got ni Genesi ng tinutok ni Sam ang baril sa kaniya. "Joke lang naman mga sis! Bakit ba hindi kayo mabiro-biro? Hehe."

"Yung babaeng iyon, pinalunod ni Sir Vaeun sa dagat. May mas masaklap pa dahil hindi lang iisa ang may gustong matamo si Sir Vaeun." babala ni Andy.

OmertaWhere stories live. Discover now