32 Engagement Party

1 0 0
                                    

Dumalo ang mga kilalang tao sa engagement party. Hindi lang dahil sa mayayaman sila kundi dahil sa makapangyarihan silang mga tao na may koneksiyon sa gobyerno at ilang successful businessmen, higit sa lahat, kay Vaeun. Sa mansyon mismo ginanap ang engagement party at mas masigla na ito tignan.

"Aba, malawak din ah." Wika ng ina ni Genesi habang tumitingin sa buong guest hall.

"Asan ba yung fiance mo?" natanong naman ng ama niya dahil kanina pa sila linilibot ni Genesi.

"May inasikaso lang, masyadong madaming bisita eh." Sumulyap si Genesi sa ibang table kung saan nakaupo ang mga foreigners. Iilan lang ang mga Pilipino na dumalo. Hindi inaasahang makikita niya si Art na kasama si Rebecca.

"Miss Genesi, congratulations!" dumating si Harold na kasama si Vaeun at binati si Genesi. "Hey, the whole family is here. Ako pala si Harold Heolin, kaibigan ni Vaeun. Nice to meet your parents Genesi, kuya mo?"

"Yes, Gerald is the name." nakipagkilala si Gerald kay Harold habang ngumiti si Risa bilang pagbati.

"Kumusta po?" tumabi si Vaeun kay Genesi at tinanong ang mga magulang nito. "Sorry hindi ko kayo nakasama kanina. May mahalaga lang po akong ginawa."

"Tito!" biglang nagsalita si Rheanne at lumapit kay Vaeun, hawak ang isang bagong manika na noon ay bigay sa kanya. "Look, I have Dolly. Siya yung bigay po ninyo sakin. I took good care of her po."

"Cute girl." Ngumiti si Vaeun at kinuha si Rheanne. "Were you good? May chocolate si Tito, I will hand you some if you're a good girl."

"Vaeun, huwag mong i-spoil yung bata." Napailing si Genesi pero pigil ang ngiti niya dahil parang bagay nga ni Vaeun maging daddy.

"Rheanne, halika dito." Tinawag si Rheanne ng ina niya kaya umalis din siya.

"Mabuti naman kami, ijo." Marahang sabi ng ina ni Genesi ng may napansin siya. "Nasaan ba ang pamilya mo? Sana naman makilala din namin sila para may amiga."

"Ma..." iba ang binigay na tingin ni Genesi kaya napatigil sa pagtawa ang nanay niya.

"Gen, it's alright." Vaeun assured her and held her hand gently. "In truth, wala po akong pamilya. Matagal ng pumanaw ang mga magulang ko, mahigit isang dekada narin ng mawala din ang nakakatanda kong kapatid. Luckily, may naiwan siyang anak niya na nahanap ko."

"Ah, sino ba itong pamangkin mo? Babae ba?" tanong ulit ng ina ni Genesi.

"Art ang pangalan niya. He has the same age as Gen." Saktong pagkasabi ni Vaeun ay dumating si Art habang nakasunod si Rebecca sa kanya. Napatingin ang lahat kay Art, bakas ang gulat sa mga magulang ni Genesi. "Art, just on time. He's my nephew, siya ang tinutukoy kong pamangkin."

"Good eve po." Ngumiti ng konti si Art kahit alam niyang hindi siya nagugustuhan ng mga kadugo ni Genesi.

"Akalain mo nga naman. Pamangkin ka pala ng bagong nobyo ng anak namin. Heh." Nagsalita naman ang ama ni Genesi na may tonong nanunuya.

"Pa." tinignan ni Genesi ang ama niya para pigilan ito sa sasabihin pa niya ng si Gerald naman ang nagsalita.

"Aba, Art, apat na taon na rin ah. Nakahanap ka rin ba." Ngumisi si Gerald at sinulyapan si Rebecca na kung manamit ay napakaiksi. "Saan mo siya nakita? Sa clubhouse?"

"Ahaha, correct ka diyan!" masayang sabi naman ni Rebecca at kumapit pa sa braso ni Art kahit irapan siya nito. "Rebecca Clemente pala. Genesi, gwapo pala kuya mo, hehe."

"Reb, may asawa yan." Binulong ni Harold kaya natigil si Rebecca sa pagtitig kay Gerald.

"Oops, kasal pala." Napalunok si Rebecca ng makita kung gaano siya napipikong tignan ni Risa. "Hi, ang ganda din ng asawa ah. Don't worry misis, sayong-sayo si mister. Sayang lang, huhu..."

"Reb, umayos ka nga." Inirapan siya ni Art ulit kaya napasimangot si Rebecca.

"Ginawa ka lang na katatawanan ng babae mo." Bulong ng ama ni Genesi pero narinig nilang lahat.

"Uhm, Vaeun, aalis muna ako. Kayo muna dito." Tumayo si Genesi para umalis pero pasimple niyang tinignan si Art. Nakuha naman niya ang gustong sabihin ni Genesi kaya sumunod din siya kahit hindi na nagpaalam.

"Pamangkin mo pala si Art." Banggit ng ama ni Genesi habang malalim na huminga.

"Mn. Anak siya ng ate ko. Kinupkop ko na ng mawalan din siya ng ama." Napalingon si Vaeun sa tinunguhan ni Art. His lips tugged downwards as he glanced at Rebecca. Tumango ito ng lihim at sinundan sina Genesi.

"Art, huwag mo sanang isipin ang mga sinabi nila." Panimula ni Genesi. Nakatayo sila sa isang malawak na balcony sa second floor. Medyo malakas ang hangin kaya minsan ang nagagalaw nito ang buhok niya.

"Gen, kasalanan ko naman kung bakit ganyan sila sakin. Hindi kita pinakinggan noon at- "

"Basta ako, pinatawad na kita. Hindi pa kasi nila naiintindihan." Marahang ngumiti si Genesi at hinawakan ang kamay ni Art. "Art, kailan kaya tayo pwedeng magsama, ng hindi nagtatago sa iba..."

"Hindi narin ako sigurado. Pero gagawan ko ng paraan, bago pa kayo humantong sa kasal." Pinaglapit ni Art ang noo nila, nakapikit si Genesi at masayang yinakap siya.

"Art, sorry." Naisip ni Genesi ng maalala niya ang nangyari sa kanila ni Vaeun. Hindi naman natuloy pero hinayaan niya si Vaeun na gawin ang gusto niya. She let her desire take over her but she promised, wala ng hihigit pa doon.

"Hoy, Art, lagot ka sa tito mo." May pilyong boses ang nagsabi kaya napatingin sila sa bukas na pinto. Nakangisi si Rebecca habang kaharap sila. "Anong gagawan ng paraan? Sa tingin mo kaya mo si Vaeun? At ikaw Genesi, magpigil ka muna. Kung lokohin ka ni Vaeun saka mo rin siya lokohin. Ayaw na ayaw ni Vaeun ang iniisihan at kung magagalit siya, hindi niyo yun magugustuhan. Baka nga madamay pa ang mga magulang mo. I advise na maghintay kayo sa tamang pagkakataon, siguradong magsasawa si Vaeun. Doon kayo pwedeng magsama pero hindi pa ngayon."

Lumalim na ang gabi at nagsi-uwian na ang mga bisita. Nasa labas si Gerald, Vaeun at Harold na nag-iinuman.

"Ayos din pala itong kuya ni Genesi." Natatawang sabi ni Harold na malapit ng makatulog.

"Harold, tama na yan." Kinuha ni Vaeun ang bote ng wine kay Harold ng dumating si Rebecca.

"Tsk, ang lambot mo, makakatulog ka agad?" hinila ni Rebecca si Harold para patayuin siya. Kumindat siya kay Gerald na masama ang tingin sa kanya. "Vaeun, dadalhin ko na toh. Bye Gerald~."

"Pati ba naman may asawa, papatulan mo, tsk." Napailing si Vaeun at hinayaan si Rebecca.

"Gwapo eh. Tapos doktor pa, madaming alam sa katawan. Kaso taken, kung hindi lang sana kapatid ni Genesi, susunggaban ko na." bulong ni Rebecca bago umalis kasama si Harold.

"Reb, diyan ka magsawa! Pagsamantalahan mo na, huwag yung may asawa ang inaano mo!" sigaw ni Vaeun ng makalayo sila.

"Tse!"

"Girlfriend ba ni Art?" Mahinang tanong ni Gerald at inubos ang isang basong wine ulit.

"Don't have any idea. Gerald, pansin ko lang, bakit parang may hinanakit kayo kay Art?" tumingin si Vaeun sa katabi niya. Ano ba ang ginawa ni Art noon?

OmertaWhere stories live. Discover now