17 The Cheating Boyfriend

1 0 0
                                    

Nagising si Genesi ng napakaaga. Hindi pa tumunog ang alarm clock niya. 5:30 ng umaga ng marinig niya ang tunog sa kabilang kwarto. Gising narin siguro si Vaeun. Hindi makatulog ng maayos si Genesi kagabi dahil wala siyang katabi. Ayaw man niyang aminin, napakomportable ng pakiramdam na may nakayakap sa kanya, someone to share their warmth with. Hindi na niya alam kung tama ba na pinalayas niya si Vaeun. Speaking of which, kumusta na kaya siya?

Hinintay muna ni Genesi na tumunog ang alarm clock bago siya naghanda patungo sa kusina. Nawala ang inis niya kay Vaeun ng makaamoy ng mabangong pagkain. Sumilip si Genesi sa doorway, busy naman si Vaeun na nakasandal sa island matapos maghanda, nagkakape at parang may binabasa sa cellphone niya. Napatitig si Genesi, ngayon lang niya nakitang nakasuot ng salamin si Vaeun. Sophisticated siyang tignan at saan mang anggulo ay para siyang model o artista.

Ng tanggalin ni Vaeun ang salamin niya, napansin ni Genesi na hindi maayos ang complexion niya. May konting dark circles sa lilim ng mga mata niya at nakakunot ang noo.

Suminghay si Vaeun. Halos wala siyang tulog kagabi, kahit nagsarili na, wala parin. Si Genesi ang iniisip niya buong magdamag, tapos ng pinisil siya ni Genesi, he can't forget that sensation. Napapamura na si Vaeun sa isip niya. Ng sumama siya kina Harold sa club, madaming babae na kasing ganda ni Genesi at mas maikli ang mga suot. Pero ni isa sa kanila, walang nakakuha ng atensyon niya kaya mas maaga siyang naka-uwi kaysa sa mga ibang executives. However, one damn squeeze from her dainty fair hand was enough to make him crazy overnight.

"Goddamn it." Napamura na ng tuluyan si Vaeun ng maalala ang ginawa ni Genesi. Ayan tuloy, lumaki ulit yung demonyo!

"Good morning!" hindi ito napansin ni Genesi at nagtungo sa kusina.Nabigla si Vaeun ng hindi alam kung anong dapat gawin kaya tinakpan nalang niya ang pasaway niyang bahagi. Tumigil si Genesi at tinignan si Vaeun na nakataas ang kilay.

"Hindi ako dumadakma ng hotdog."

"It's not... Uhm..." for the first time, nawalan ng pwedeng sabihin si Vaeun. Nakaramdam din siya ng hiya kaya namula ang tenga niya. "Just eat, I'll go to the bathroom first."

Tahimik na tinignan ni Genesi si Vaeun na tumakbo palabas sa kusina. Nakarami ba siya ng kape?

Linggo naman ngayon, walang masyadong gagawin si Genesi kaya nagpasya siyang pumasok muna sa trabaho. Naunang umalis si Vaeun at nagpasundo nalang si Genesi kay Art.

"Art, may naaalala na si Vaeun." Nabanggit niya ng magkita sila ni Art sa labas ng apartment building.

"Anong naaalala niya?"

"Ate niya, Veronica ang pangalan pero ayaw niyang banggitin kung may nakita pa ba siya na iba." Tumingin si Genesi kay Art ng makapasok sa kotse. "Siya ba ang nanay mo?"

"Siya nga." Bakas ang lungkot sa mga mata ni Art ng maalala niya si Veronica. Hindi nga niya nakita sa personal ang ina niya, hanggang sa picture lang at ng nagpakilala si Vaeun sa kanya, may pagkakahawig ito kay Veronica.

"Art, hindi ko pa nakikita ang nanay mo ah. Nasaan siya?" kahit alam ni Genesi na patay na si Veronica, gusto niyang malaman mula kay Art ang tungkol sa kanya. Kung bakit hindi niya rin nakilala si Veronica.

"I never got to meet her in personal. She was killed after giving birth to me. Dahil sa isa siyang Austin, marami ang gustong pumatay sa kanya, ganun din sakin at ng ama ko. Ilang buwan lang noon matapos niya akong ipanganak, kinuha siya samin ng isang matagal nang kaaway ni Tito Vaeun, si Rosso mula sa Mortier Family, likas na kaaway ng la Fuerza ng Austin." Pagkabanggit ng Rosso, nag-iba ang complexion ni Genesi.

"Rosso..." Kumunot ang noo ni Genesi at nilabas ang rosas na bigay sa kanya kagabi. Saktong nakarating sila sa harap ng kompanya at tinigil ni Art ang kotse. "Art, may lalakeng Rosso na pumasok sa unit kagabi. Binigay niya sakin ito pero nakumbinsi ko siyang hindi ko kasama si Vaeun."

"Red rose, calling card ni Rosso." Nangitim ang mga mata ni Art, halatang may galit kay Rosso. "Gen, katulad ni Tito Vaeun si Rosso. Pero, ikaw lang ang nakaligtas sa kanya. May ginawa ba siya sayo? May sinabi ba siya?"

"Relax." Ngumiti si Genesi at hinawakan ang kamay ni Art para mapakalma siya. "Hindi ko alam pero ligtas ako, sa ngayon. Nasabi niyang may mga kasamahan na siya sa la Fuerza. Nasa panganib tayong lahat, lalo ka na. At sa tingin ko, pinaglalaruan lang tayo ni Rosso. Ang mabuti lang, hindi pa siya seryoso at hindi talaga niya alam kung nasaan si Vaeun."

"Gen, yung Colt na binigay ko sayo, gamitin mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ligtas ka. You have to live, and Im afraid you have to kill."

"Art, maayos kang kausap pero minsan nakakabad trip ka rin eh." Napasimangot si Genesi at lumabas sa kotse. Hindi niya nilingon si Art na balak siyang sundan.

"Gen, wait!" pinigilan ni Art si Genesi kahit nasa harap sila ng maraming empleyado.

"Anong ginagawa mo? Diba bawal ang office romance? Boss kita Art!" Mahinang bulong ni Genesi at hinila pabalik ang braso niya.

"Im your boss, then? Ako nagpapatakbo ng kompanya so I can do whatever I want." Hinila din siya ni Art kaya napalapit sila.

"Putek, ano to? Wattpad?" naisip ni Genesi habang pinipigilan ang magalit kay Art. Paano ba naman kasi? May past siya sa 'boss' niya pero parang may mali eh. Si Vaeun, siya pala yung out of place, siya yung tunay na boss dito. "Art, susuntukin na talaga kita. Kahit tanggalin mo ako sa trabaho, hihingi nalang ako ng pera kay Vaeun."

"Subukan mo, I will deny your resignation at harap-harapan kitang liligawan dito sa kompanya." Banta naman ni Art kaya wala ng masabi si Genesi.

Sa kabilang banda, hindi parin makafocus si Vaeun sa meeting. Nakatitig lang siya sa papel na nasa harap niya habang nag-uusap ang mga executives.

"Vaeun, are you with us?" bigla siyang binanggit ni Harold. Matagal na niyang napapansin na wala sa meeting ang atensyon niya.

"No." honest namang sumagot si Vaeun pero walang nagreklamo.

Matapos ang meeting ay napatawag si Vaeun sa office ni Harold. Huminga ng malalim si Vaeun, iniisip niya kung paano makatabi si Genesi ulit. Hindi lang naman si Genesi ang nasanay na magkasama sila, pati din si Vaeun. Gusto lang niyang yakapin siya, she have a very soft and warm body, she is so fragrant she could put him in a spell.

"Anong problema? Bakit hindi ka mapakali?" natanong ni Harold. Ang kilala niyang Vaeun ay hindi kailanman nalulutang sa tuwing may meeting.

"I need a woman."

"Pfft! What?" pinigilan ni Harold ang matawa. Si Vaeun, kailangan ang babae?

OmertaWhere stories live. Discover now