CHAPTER ONE

7 1 0
                                    

"Ibabalik ang korona sa espanya!" Rinig ko ang mga hiyawan ng mga tao na nasa side ng UST pagkasabi ng mga katagang iyon. Malalakas din ang mga drums at cheers ng mga thomasian na nasa loob ng arena.

"Mga isko at iska!" Sigaw ng courtside reporter ng aking eskwelehan. Agad namang nagtilian ang crowd na naka-suporta sa aming mga naglalaro para sa campus.

"Leanne, agad kang papasok dito sa part na ito once i-spike ang bola. Naiintindihan mo?" Instruct sa akin ng coach ko. Nakaka-pressure kung isipin dahil ako ang nagsisilbing captain ball ng UP Lady Fighting Maroons.

Ngayon ang huling laban para sa Women's Volleyball ng UAAP Season 89 at ang kalaban namin ay isa sa malalakas din pagdating sa sports – Unibersidad ng Santo Tomas. Habang break time ay nagsilabasan ang mga courtside reporters ng dalawang campus para i-boost ang crowds ng nasa arena.

Ni halos hindi ko na nga marinig ang sinasabi ng coach namin sa sobrang ingay dito sa loob. Kanina pa ako halos naglalaro, ilang set na din. May time na nahahabol namin, sabay hahabol din sila kaya halos hindi nagkaka-layo ang mga scores namin kaya masasabi kong intense ang finals na ito.

Tumingin naman ako sa monitor sa taas para i-check kung tapos na ba ang advertisements sa TV kasi yun na ang sign na maglalaro na ulit. Pumito naman ang referee at agad na kaming nagsitayuan.

"I-panalo niyo na ito, please lang." Sambit ng coach namin bago ako sumampa sa court. Bago mag-start ang game nagsasalita naman ang reporters para mag-bigay ng insights nila about the game.

"Kaya mo to, leanne. Kaya niyo to. Kaunti nalang." Sabay lingon sa scoreboard. Ni halos 2 points nalang ang score na kailangan para ma-ipanalo ito. Hindi ko maiwasan hindi ma-pressure ng malala dahil alam kong napaka-intense at galing maglaro ng UST Golden Tigresses Women's Volleyball. At after this set? Kung sino ang manalo, edi tapos na ang labanan. Next season ulit.

Umayos naman na bigla ang formation ng mga kasama ko at nakita ko ang bola ay ise-serve ng kabila. Inayos ko naman ang tayo at mga kamay ko para maghanda sa serve ni Mendoza.

"Mine!" Sigaw ng ka-teammate ko. Maayos at malakas ang pagkaka-serve niya kaya alanganin na makuha ng teammate ko pero naitama naman ito sa mga kamay niya at na-ideliver ng maayos na papunta sa net nila, agad namang nagsitalunan ang 3 babae para i-block ang bola pero agad akong sumenyas na iwasan i-punta ang bola doon.

Nakuha naman ito ng kasama ko at agad pinunta ang bola sa direksyon ko, napaka-bilis ng pangyayari na maski ang players ng UST ay hindi anticipated iyon. Agad kong ini-spike ang bola at akmang sasaluhin na sana ng isang player para hindi kami magka-score pero nabitin ito.

"Martinez, perfectly spiked the ball inside to make a score. That's really fantastic to watch." Saad ng courtside reporter ng U.P, agad naman ang tuwa at cheer ulit ng audience sa amin. Lumingon ako ulit sa score, 23-24.

"1 point nalang matatapos na. Come on, UP Lady Fighting Maroons!" Encourage sa amin ng coach namin.

"Mga iska, kaya natin ito." Malakas na sambit ko para din hindi kabahan ang mga ito. Nag-stretching naman ako ng mabilisan dahil magiging intense na ito.

Nasa sa amin ang bola para i-serve at teammate ko ang mag-serve, tinitigan ko lang siya at binigyan ng facial expression na kaya niya iyon, maseserve niya ng maayos. Sobrang bilis ng pangyayari, pilit kong binabalik ang bola sa kabila kaya napa-higa na ako sa court para I-catch ito at bitin ang nangyari, hindi ko na mai-kilos ang katawan ko pero nakita ko nalang na nag-spike ang isa pang star player sa amin at nilakasan niya ito.

Hi Coach, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now