CHAPTER FIFTEEN

2 0 0
                                    

After we stared for couple of seconds, I saw him smiled at me at tuluyan ng umalis sa loob ng bar. I looked up my surroundings to observe kung may naka-tingin ba sa akin.

"Wala naman ata." I told to myself. I secretly followed him and tried to put myself in the crowd so no one would notice me. Tumigil muna ako ng feel kong malapit na ako sa direksiyon niya, he is gonna use the front door so madami talagang pasok labas na mga tao dito.

As he successfully thrown himself out of the bar, sumunod ako and tried my best na hindi magpakita sa kanya. I saw two familiar guys too.

"Sila Ulysses at Alfred ba ito?" I asked myself. Tinignan ko naman ito ng mabuti at sila nga. Napa-ngiti naman ako sa place kung saan ako nakatayo  dahil nakakamiss din maka-bonding ang mga kaibigan niya at siya mismo. Para silang nag-uusap at hindi ko ito marinig but one thing I saw, nakangiti lang si Kody sa kanila.

"Is he not affected anymore? mukha naman siyang masaya at parang tuluyan na akong pinapaubaya sa pinsan niya. Gosh! bakit ba ganito?" samu't saring naiisip ko.

Biglang sumilip naman sa gawi ko si Ulysses kaya agad akong umusog at nag-tago para hindi niya mahalata.

"Shet, muntikan na yun." Inobserbahan ko ulit kung makikita pa ako niya ako. Nakaw na tingin na nga lang din ang nagagawa ko baka mapagdamutan pa. It took 5 minutes bago ako tumingin ulit and I saw the 3 of them na sumakay sa kotse and left.

"Talagang aalis ka ba?" And I am referring to him – Kody. At pinanood ko silang umalis na tatlo and here I am, sobrang sama ng loob. Sa lahat ba naman ng pangyayari sa buhay dito ko pa siya makikita.

Hindi ko rin akalain na mag-pinsan sila ni Cohen. Hindi na ako mag-tataka dahil parehas silang ginamit ako. Pero tangina, ang liit naman ng mundo masiyado. Akala ko makakagalaw na ako maayos, makakapag-isip ng maayos dahil wala na ako sa mundo ni Kody but it turns out na mag-pinsan sila, magka-dugo. Sobrang stress nito para sa akin.

I noticed that my cellphone is kept on ringing and vibrating, baka napansin na nila na ang tagal ko nang wala sa loob so I decided to go inside ulit and have a few drinks.

"Small world, huh." Bulong sa akin ni Violet. Binuhos ko naman ang alak sa baso ko and drank it. Ramdam ko naman ang mga hawak ni Olivia sa kamay ko.

"Ano ang gagawin mo nyan?" Tanong sa akin ni Briella. Napa-kibit balikat nalang ako, ni ako walang idea ano ang gagawin ko sa sitwasyon na ito. Mixed emotions eh.

I am happy that I saw him once again – one month without him feels like torture and full of agony. From the moment I saw him once again, the happiness that I've been longing for andiyan na naman ulit. Gumuho nga lang mundo ko when I knew na mag-pinsan sila. Para akong pinaparusahan ng nasa itaas, hindi ko alam kung ano ang pinasok ko. Hanggang kelan kaya ako hindi mag-iisip isip?

"Hey love, everything alright?" Napansin naman ni Cohen ang sudden mood drop ko due to overthinking things. I can't blame myself not to overthink, hindi ko alam paano aayusin at itutuwid lahat eh.

"Yes. Later, uwi na tayo." I responded with a smile. Hindi na ito umalis sa tabi ko up until nagka-ayaan ng umuwi. As I looked into my wrist watch it's already 4 am.

"Want to grab a fast food breakfast, love?" I just nodded and let him bring us sa makikita niyang fast food chain at nakarating kami sa Burger King. Good thing may naka-bukas na. Tulala akong nag-iisip parin at hinayan si Cohen na mag-order for the both of us.

Nag-paalam naman ito na he will grab a starbucks drinks for us. Hindi ko alam kung may malapit ba or what basta pumayag nalang ako. Aaminin ko kaka-isip ko ang hirap makatulog kaya nga ako pumayag nalang na mag-breakfast along the way.

Hi Coach, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now