CHAPTER TWENTY FOUR

0 0 0
                                    

After hearing Violet's statement mas lalo lang naging magulo ang lahat. Palaisipan sa akin kung paano nangyari ang lahat ng iyon? nakakagulat at nakakagago ang mga nalaman ko but I can't judge Selene and them too.

Agad akong dumiretso sa Pilot's parking area kung saan nandoon nakaparada ang sasakyan ko. Isang Maserati MC20 katas ng unang pinaghirapan ko. Mabilis akong umalis mula Rome para tumungo sa bahay kung saan kami lumipat ng tirahan ni Selene.
Bago pa man ako humarurot ay may van na humarang sa daraanan ko at muntik ko pa itong makabangga.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bumaba mula sa sasakyan na iyon. My squad kaya agad din akong bumaba sa sasakyan ko.

"Anong ginagawa niyo rito—" hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko nang yakapin nila akong lahat.

"Buti nalang hindi ako lumayo." Alfred stated. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa nila dito.

"Ganda ng sasakyan ah! katas sa maling tao." pangaasar ni Jester habang pinapagpagan ang sasakyan ko.

"Paano niyo nalaman na nandito ako?" pagtatanong ko sa kanila and Ulysses pats my shoulder.

"Remember? ako ang nag fill up ng form mo, alam ko kung saan ka nag aaral and contact them. They told me na nandito ka nakadeploy sa Leonardo Da Vinci International Airport nagtatrabaho. After hearing those I was so happy because you make your dreams come true." pagpapaliwanag nito at tumango naman ang iba.

"I saw Violet earlier." sambit ko.

"Yes, and we are looking for you. Hinayaan muna namin sila na maghanap sayo para maligaw ang isip nila." dagdag pa ni Tyron.

"Si Leanne?" pagtatanong ko at hindi ko alam kung bakit natanong ko rin iyon.

"Marami kang dapat malaman Kody. But for now? Alfred will be the one na magpapaliwanag sayo. Tara sa Milan." pag aaya naman ni Martin sa amin. Sumakay naman si Alfred sa sasakyan ko saka kami nagsimulang bumiyahe.

"Kamusta ang buhay may asawa?" pagsisimula ni Alfred sa akin kaya napakibit balikat nalang ako.

"Kody alam mo ba na hindi natuloy ang kasal ni Leanne? and she kept on looking for you sa loob ng tatlong taon." he exclaimed. Tahimik lang akong nagmamaneho at finocus ang mga mata ko sa high way na dinadaanan namin.

"Violet told me the same story too—"

"It wasn't just a story Kody but a fact. You claimed wasn't yours. Hindi ikaw ang tatay ng anak ni Selene kundi si Cohen. Third party relationship lahat ng iyon set up ni Cohen. Alam ni Cohen na may namamagitan sa inyo ni Leanne noon pa kaya ginamit at tinaya niya si Selene para pikutin ka, para mapasakanya si Leanne because of money. We have no clues na mayaman pala si Leanne kaya ganun nalang ka desperado si Cohen na gawin ang lahat." Matapos ko marinig ang mga paliwanag na iyon ay mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko.

"After all those years, kami ang naging sandalan ni Leanne until she became successful and now a Vice Chairwoman of their company. Andaming gustong manligaw at nahuhumaling sa kanya but she never ever opened her heart to anyone dahil sa ikaw pa rin ang inaantay niya." he continued. I bit my lower lips para pigilan ang mga luha kong tumulo. Habang nasa biyahe ang dami kong narerealize na dapat at hindi ko dapat ginawa noon pa man but I have no regrets dahil sa kung ano man ang naachieve ko ngayon.

Makalipas ang mahabang biyahe narating namin ang Milan Cathedral kung saan nandoon daw sina Leanne. Kaya agad naman namin itong inikot.

"Anyways wala bang magandang plano para may magandang entrance naman tayo?" pagsasalita ni Emmanuel kaya napatigil naman kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hi Coach, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now