Chapter 42

20 4 0
                                    


Chapter 42: Jelous

Princess Eliaquim Pov

Andito ako sa may SSG Office ngayon.

At ako lang kasalukuyan mag isa.

Nasa room sila Yesha.

Yung ibang Officer naman inutusan ko na at simulan na nila ang pag dedecorate.

May tinatapos lang ako dito sa SSG Office at tutulong ako sa pag dedecorate ng stage.

After foundation day mag 18 na ako.

Oh my goshh ang tanda ko na chourr.

Pinirmahan ko na ang dapat pirmahan.

At ipapasa na ito kay tito na sya ang Dean ng school.

Dapat si Master kaso mas gusto nya maging guro.

Nag teacher sya para bantayan ako.

Diba ke galeng.

Pero mas close kami ni Master kesa kay Chairman.

Mas mabait si Master tapos si Chairman naman eh akala mo lageng merong dalaw.

Chourr.

Love ko rin naman si Chairman.

Madami din naman syang naturo sakin.

Kaso apaka sungit nya lang talaga.

Hindi ko alam kung bakit sya ganon.

Oh baka dahil kasama yun sa pag tanda?

Pero hindi halatang matanda sya dahil wala sya uban.

Nagpapakulay kaya lagi sya kaya ganon?

Choss.

Ng matapos ko ang mga pinipirmahan ko pumunta ako sa Dean Office.

Kumatok muna ako, bago pumasok.

"Ito na po yung mga papers and report na pinapipirmahan nyo tito" sabi ko naman.

Humarap si tito at ngumiti sakin.

"Thank you my pamangken" sabi ni tito.

Ganyan sya lagi.

Sweet sya sakin, puro lalake kase anak nya ehh.

Para ngang ako lang ang prinsesa ng Chua Family ehh.

"Sana may babae din akong anak" sabi naman ni tito.

Ganyan lagi ang sinasabi nya.

"Hayaan nyo tito baka may maisipang mag bakla sa mga anak nyo" pag bibiro ko naman.

"Malay nyo si Melvin pa ang mag bakla, lagi yung pumapatol sa mga babaeng students na transfer ehh" pag bibiro ko ulit.

Laging nang bubully si Melvin ng mga students na transfery lalo na pag nerd.

Sana nga may babaeng makakapagpatino na don sa pinsan kong yon.

Lumabas na ako ng Dean Office at dumiretso sa may stage.

Sa may stage kami nila Melvin.

Oo kahit papano may galing yan sa pag dedesign.

Sya pinag letter cut ko.

Si Jenica ang nag lalagay ng glitters sa mga na letter cut ni Melvin.

Hindi talaga sya kasali sa SSG, bumubuntot lang sya sa lagi kay Melvin na lalong kinainis ng pinsan ko.

Diba apaka sungit.

Maganda naman si Jenica kaso hindi ko alam kung bakit hindi nya matipuhan.

May pangit siguro sa ugali ni Jenica na hindi nagustuhan ng pinsan ko.

Ms. Cold Meets Mr. Kulit [COMPLETED]Where stories live. Discover now