Chapter 10

68 7 11
                                    


Chapter 10: Dance Under the Moonlight

Princess Eliaquim Pov

Nag simula na kaming kumain.

Kanina pa talaga ako hindi makapag focus.

Ano ba kasing nang yayari sakin huhuhuhu.

Aishh bat ba kasi hindi ako makapag focus.

Ano naman ngayon kung andyan sya sa harapan ko.

Malamang fiancée ko na sya at wala na akong magagawa utos yun ni chairman at si chairman din ang nag ayos ng marriage na yun.

Pag sya ang nag utos kailangan mong sundin, kung gusto mo pang makatungtong sa pamilyang toh.

Sya kasi ang batas dito.

Bakit kasi ako pa hindi na lang si kuya.

Tahimik lang akong kumain at hindi nakisawsaw sa kanila.

"Lia gala mo muna yang mapangangasawa mo dito sa buong mansion" sabi naman ni Dad.

Napadilat naman ako ng mata.

Bakit naman kailangan pang igala yang mokong na yan.

Napatingin ako kay chairman na parang yon din ang gustong sabihin.

Tumango na lang ako at inaya si James palabas.

"Bagay na bagay talaga sila, tama nga tayo na pinag kasundo sila, nagagalak ako sa pag kakaisa ng ating pamilya" sabi naman ni mommy.

Lumabas kami ng haul ni James.

Tamang ikot ikot lang sa mansion.

Napadpad kami sa Gallery room, kung saan andon ang picture namin at picture ng mga ninuno namin.

"Pure Chinese ka talaga noh?" tanong naman nya sa akin.

"Half ako noh, daddy ko Chinese, mommy ko naman Filipino" sabi ko sa kanya.

Siguro kung Chinese din napangasawa ni daddy siguro pure Chinese ako ngayon katulad ni Kisses.

Buti nga hindi nagalit si chairman nung nalaman nyang pinay napangasawa ni daddy, kasi ang pag kakaalam ko talaga ang Chinese ay para lang sa kapwa Chinese, pero I think nagbago yun simula ng napangasawa ni daddy si mommy, binalewala nya yung patakarang iyon.

"Buti pumayag ang chairman nyo?" tanong nya ulit.

"Hindi naman ganon ka strikto ang chairman, mabait din naman ito, tsaka wala na rin naman syang magagawa ehh, tsaka dinisiplina nya kami ng tama" tango-tango lang ang sagot nya sa akin.

Teka nga bat ba ako nag kukwento sa mokong na toh.

Aishhh bat parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Tara na lang sa garden, ipinagbabawal kasi ni chairman dito pag hindi pa talaga tunay na kabiyak sa buhay" pag sisinungaling ko.

Ayaw ko na mag kwento noh.

Tsaka hindi kami close para mag kwento ako.

Ms. Cold Meets Mr. Kulit [COMPLETED]Where stories live. Discover now