Chapter 43

16 3 0
                                    


Chapter 43: Hurt My Friend Again I Will Hurt You Thrice

Princess Eliaquim Pov

Kasalukuyan akong nag iisa dito sa quadrangle.

Ke babait kasi ng mga sinabihan ko ehh.

Sabi ko 5:00 PM ang practice walang nag sidatingan.

Katatapos ko lang rin icheck ang mga decoration.

Chinat ko narin ang mga kasali sa pageant.

Kasi anong oras na!!

Ang popogi at ang gaganda kasi ehh.

Nag mumuni lang dito sa may quadrangle habang iniintay ang mga kandidato at kandidata.

Kukutusan ko talaga yung mga yon.

Di naman sila matagal ano.

Maya-maya may dalawang dumating.

Mukang Grade 7 sila.

Hala bat mas mukang dalaga pa yung babae sakin?

"Intayin muna natin yung iba pang kasali huh" sabi ko sa dalawa at tumango lang sila.

Basta Grade 7 student mga mahihiyain.

May kasama na nga ako kaso mukang nahihiya pa sa akin.

"Wag kayong mahiya sakin mga bebe hindi ako mangangain hehehe" sabi ko naman sa dalawa at parehong nag iwas tingin.

Geh wag nyo ko kausapin, para tuloy akong hangin sa dalawa.

"Katagal naman ng mga yun!" inis na sabi ko.

"May drama po kasi Ate Lia sa Grade-12 Stem ehh" sabi naman nung lalake.

Ano naman kaya ang meron?

May shooting ba?

Wala namang sinasabi si Direk ahh.

Speaking of direk hindi natuloy ang project na aming gagawin.

Medyo busy parin kami kaya walang free time.

"Dyan muna kayo huh, babalik ako manunundo lang ako para makapag simula na" sabi ko at iniwan sila don.

Dali-dali akong pumunta sa building naming.

Bawat hakbang ko eh parang akoy kinakabahan.

Sana hindi masama ang madatnan ko.

Pag dating ko nakita ko ang kumpulan ng estudyante.

At dahil alam kong hindi ako basta-basta makakapasok kaya kinuha ko ang pito ko at malakas na pumito.

Nag tabihan ang mga estudyante.

"Nako lagot yon kay Pres Lia"

"Jusko mananapak yan si Pres Lia"

"Saktan nyo na sya wag lang kaibigan nya yan na naman ang sasabihin ni Pres"

Ilan sa mga sabi-sabi ng estudyante.

Nakita kong hawak ni Prince Mark si Melanie at parang nag mamakaawa naman yung lalakeng sumalo sakin kanina.

Kita ko yung mata ni Lanie na pulang-pula.

Yung lalakeng yun kaya yung nanakit kay Lanie?

Yung ex nya ni minsan hindi nya binanggit ang pangalan.

Yung ex nya na iniyakan nya na halos gusto nya na mag pakamatay dahil sakit.

Ms. Cold Meets Mr. Kulit [COMPLETED]Where stories live. Discover now