Chapter 26

30 4 0
                                    


Chapter 26: Secret Will Reviled

Princess Eliaquim Pov

Good Morning mga hindi krinushback!!

Chour.

So ayown nga pwede na akong lumayas dito sa ospital.

Pero alam nyo ba kagabi para akong aatakihin sa puso sa super kilig.

Kasi naman eh naganap yung first kiss namin at under the meteor shower pa, romantic di ba.

Oh inggit na naman kayo?

Hindi kayo nag iisa kasama nyo si author HAHAHAHA.

(A/N: Mang asar ka lang baka mamaya good bye people ka na)

Ayy hala walang ganon author, joke lang ehhh.

BACK TO THE STORY!!!

So ngayon kasalukuyan nag aayos ng mga gamit ko si Kuya, Ate Alex and my Baby.

Bat ba pag nakikita ko sya nasosobrahan ako sa karupukan.

"Wag mong titigan baka matunaw yung kapatid ko" sabat naman ni ate Alex na ikinagulat ko.

"Sa flower vase ako nakatingin ahh" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Oh mag bihis kana at may pupuntahan tayong apat nila Kuya mong monggoloid" sabi nya at inabot sakin ang pink na dress.

"Sinong monggoloid huh?!" pag hahamon naman ni kuya.

"Ikaw bakit aangal ka?!" sabi ni ate Alex at pinandilitan nya naman si kuya.

Sabi na ehh may something sa dalawang toh.

Ayaw pa umamin ehh, halata naman sa mga kilos.

Pumasok na ako sa CR para makapag bihis.

Another day, na kasama ko sya.

Araw na magiging masaya ulit.

Sana tuloy-tuloy na ang pagiging masaya ulit.

Wala ng trahedya ang dumating.

Wala ng lungkot.

Wala ng luhaang mga mata.

Lumabas ako sa CR pag katapos kong mag palit.

Sinuot ko yung sneaker shoes ko.

"Pabugbog ka ulit huh para ospital ulit" pang aasar naman ni Kuya.

"Aba kasalanan ko bang dumating biglaan yung impaktang yun!"

"Tsaka kung malakas ako nung araw na yun burol na agad yun" sabi ko naman kay kuya.

"Dad texted me last night"

"Padadagdagan nya daw security around the village, our mansion and also in the school"

"Delikado ngayon at mag pa-foundation pa naman baka biglang umatake ulit ang mga yon" seryosong sabi ni kuya.

Bakit ba kasi ako target ng mga kumag na yun?

Wala naman akong ginagawa sa kanila.

Hindi ko naman kasalanan na ako na ang mahal ni James.

Bakit ba lagi pag mag mamahal ako lagi may kontrabida.

Pwede bang wala ng kontrabida sa mundo para happy-happy na lang.

"Kaya Lia stay with James always" tango na lang ang sagot ko kay kuya.

"And bro always be with my sister, keep her safe always" sabi ni kuya kay James.

Tumingin naman ako dito.

Ms. Cold Meets Mr. Kulit [COMPLETED]Where stories live. Discover now