Chapter 24

45 4 0
                                    


Chapter 24: I Thought I Lost You Again

Princess Eliaquim Pov

Nagising ako at nakita ko ang puting kisame.

Patay na ba ako?

Unti-unti akong tumingin sa paligid at nakita ko ang mga gamit pang ospital.

Kala ko napatay na ako nung Sophie na yun.

Umalis yung mga maid nung araw na yun, tapos yung mga battler namin hindi ko alam kung nasaan.

Kawawa yung mga guard namin pati sila nadamay.

Nilalagnat pa naman ako nung araw nayon kaya hindi ako makalaban ng ayos.

Bwisit ambuh.

Dahil kuno sakin nilayuan sya ni James ng tuluyan.

Kasalanan ko bang mas mahal ako ng ex nya.

Wait mahal nya nga ba ako?

Babangon na dapat ako pero nakita ko si James hawak ang mga kamay ko.

Nakahawak sya sa kamay ko tapos natutulog ng mahimbing.

Bat ang gwapo mo kahit tulog.

No wag kang papahumaling dyan sa mukang yan.

Dahil dyan nilagnat ako.

Dahil dyan nasaktan muli ang puso ko.

Dahil dyan naglasing ako.

Dahil dyan umiyak ako ng lubusan.

Sabi ko sa sarili ko hinding-hindi na ako iiyak ehh.

Kaso muli akong umiyak ng dahil sa pag-ibig.

Bat ba kasi ang hilig nila akong saktan.

Bawal bang maging masaya nalang?

Dahan-dahan akong bumangon para hindi ko magising si James.

Dahan-dahan ko ring inalis yung pag kakahawak nya sa kamay ko.

Gusto ko munang mag pahangin.

Pero gusto kong mapag isa.

Hinila ko yung swero ko.

Bwisit na Sophie ya dahil sa kanya nag ka benda ako sa ulo at nandito na naman ako sa ospital.

Ika-ika akong lumabas ng kwarto ko.

"Ma'am kailangan nyo po ba ng tulong?"

"Dapat po ginising nyo yung kasama nyo kung gusto nyo lumabas" sabi naman nung nurse na nadaanan ko.

"Kaya ko ang sarili ko hindi ko kailangan ng tulong" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Alam nyo po ba magdamag po ata kayo iniyakan nung kasama nyo" sabi ulit nung nurse.

Si James ba tinutukoy nya?

Bakit sya umiyak?

Di pa naman ako patay ahh.

"Ang suwerte nyo po sa kanya sana po kayo na hanggang dulo" sabi nya at tuluyan ng umalis.

Sana nga kami na hanggang dulo.

Kaso minsan mapaglaro ang tadhana.

Dumiretso ako sa elevator.

Gusto kong pumunta sa garden at mag pahangin muna.

Kailangan kong mapag isip-isip muna.

I need fresh air to breath.

James Harvey Pov

Ms. Cold Meets Mr. Kulit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon