Prologue

19 0 0
                                    

"TOTOO BA 'YANG SINASABI MO IRIS?" napakamot ulit sa ulo ang batang babae na nasa harapan ko. Halatang naiirita na.

"Oo nga, maniwala ka sakin Lily. Kinuwento 'to sakin ni Tita-Lola ko. Ilang ulit ko pa ba sasabihin ito para tumatak sayo?" inis na sabi niya. Ngayon ay ako naman ang napakamot ng ulo.

"Well duh, sino naman kasi maniniwala dyan. Kung kinuwento 'yan ng Tita-Lola mo, ibig sabihin nangyari na sa kanya ito?" napatigil siya sa kanyang ginagawang pagsalin ng juice sa teacup tsaka tinignan ako, hindi sigurado ang isasagot.

"Tita-Lola didn't mention anything about if na-experience na niya ito," pinagpatuloy niya ang pagsalin saka nilagay ang laruang teapot sa mesa.

"Pero dahil kinuwento niya ito sakin, siguro nangyari talaga ito sa kanya."

True, hindi naman magkukwento si Lola Maria ng hindi totoo sa best friend ko. I trust my friend pero ang kinuwento niya kasi sakin ay hindi kapani-paniwala.

Naalala ko sabi ni mama, hindi naman magpapakalat ng hindi totoo at walang patunay ang mga matatanda. Marami rin ang nakwento sakin ni mama kung ano mga pinagdaanan ni Lola nung bata pa siya, marami ring pinasa na nakakabighaning kwento si Lola sakin non'g panahon niya.

"I believe in Tita-Lola, wala pa siyang may sinabi sakin na hindi makatotohanan. Lahat nang 'yon ay may proof na pinakita niya sakin." pagmamalaki niya.

Nagkibit balikat nalang ako tsaka pinagpatuloy ang paglalaro namin. Pero ilang minuto lumipas, sandali siyang napatigil na parang may napagtanto siya.

"Hindi ka ba naniniwala sakin, Lily?" malungkot na tanong nito na agad kong ikinailing.

"Best friend kita Iris, naniniwala ako sayo at kay Lola Maria." nakangiting sagot ko at nakisabay rin siya sakin sa pagngiti.

"Apir!" tinaas niya ang kanyang kanang kamay at masaya kaming nag-apir.

"Best friend forever hah," she showed me her pinky.

"Oo naman! Best friend forever, Lily at Iris." we giggled tsaka pinagpatuloy namin ang paglaro.

"Basta kung sa tingin mo hindi mo ako mahanap, hanapin mo ko sa Parallel ah!"

"I promise Iris, I'll think of a way para mahanap kita kung sakaling hindi kita makita."

I thought we were best friends forever. But something happened that made me lose hope. Siya ang patunay na lahat ng magkaibigan, kahit nagpromise pa kayo, hindi rin pala magtatagal.

~*~

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong mahinang paghagulgol. Bumangon ako at marahan kong kinusot ang mga mata. Tinignan ko ang liwanag na nagmumula sa maliit na siwang ng pinto. Kinuha ko si Bunny, regalo ni Iris sakin nung birthday ko, na katabi ko lang. Niyakap ko siya at umalis sa kama.

Lumapit ako sa pinto at tumingin sa maliit na siwang ng pinto. I can hear someone crying, a faint one pero naririnig ko pa rin ito. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan na bumaba sa hagdanan. Habang pababa ako, palapit ng palapit, mas lalong lumakas ang iyak.

Pagbaba ko, may mga tao sa salas. Nakita ko si Mami Ivy, ang mama ni Iris. Nakayakap siya kay mama habang humahagulgol, sinusubukan niya naman itong patahanin pero walang tigil ang pag-iyak niya.

Nakita ko rin ang papa niya, si Dadi Paul. Nakaupo siya sa couch namin, nakayuko ang ulo, magkahawak ang dalawang kamay habang si papa naman ay tinatapik ang balikat nito.

Dahil sa pagtataka kung ano nangyayari, tuluyan akong lumapit sa kanila.

"Mama," napalingon silang lahat sakin.

"Ano po ang nangyayari mama," kinusot-kusot ko ang aking mata. Mabilis naman lumapit sakin si mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Don't mind us Lily, something happened lang so go back to your room okay?" kumalas siya sa pagyakap sakin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Nakikita kong unti-unti tumutubig ang mata ni mama.

"Mama, nasa'n si Iris? Nandito si Mami at Dadi pero bakit hindi siya kasama."

Napatahimik siya sandali, napatitig sakin na parang nag-iisip kung ano ang isasagot.

"Everything's going to be alright baby, for now doon ka muna sa kwarto mo ha, you need to have some sleep. Isasarado ko ang pinto, okay?" kahit wala akong ideya kung ano nangyayari, sinunod ko ang sinabi ni mama.

Kiniss niya ako sa noo, nagtagal ito ng ilang sandali tsaka siya tumayo at sinamahan akong bumalik saking kwarto. Umakyat ako saking kama at inayos ang pagkakahiga. Dahan-dahan naman niyang sinasara ang pinto at tuluyang kinain ng kadiliman ang buong paligid.

I never knew that was the last time I played with her, 'yon ang huli kong paghawak sa kamay niya, my last memory with her. Didn't knew that Time never chose to anyone.

Yeah, nothing's permanent. Because she died that day.

Parallel Where stories live. Discover now