Parallel 1

17 0 0
                                    

LILIANE'S POV

I OPENED my closet door and stared at some things inside of it for a moment, nag-iisip kung ano ang mga dadalhin.

Nagkibit balikat nalang ako at kinuha lahat na nakahanger na mga damit. Lumupasay ako at binuksan ang unang drawer sa ilalim na parte ng closet at kinuha ang kinakailangan kong gamit na importante sakin.

Habang naghahanap ng mga kailangan kong dadalhin, I saw a pair of bracelet, a pink and a blue. The pink one has a star pendant while the blue has cresent moon pendant.

Napahinto ako, tinititigan lang ito ng ilang minuto. Marahan kong kinuha ang kulay blue na bracelet. Tinuon ko ito sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ginalaw-galaw ko ito, making the beads sparkle.

It still shines and shimmer like they used to. Mahigpit ko itong hinawakan at sinuot.

You are my lucky charm for today, please guide me the way.

"Ate!"

Napatingin ako sa pinto at hindi nagtagal ng isang segundo ang pagbungad sakin ng kapatid kong si Lyca.

"Breakfaaaast!" sigaw nito kahit malapit naman kami sa isa't isa, her face sticking closely to the door. Dahilan ito ng ikinabusangot ko. Ang hilig talaga nito sumigaw.

"Mamaya, tapusin ko muna 'to."

"Okaaaay!" umalis siya na hindi sinara ang pinto.

Freaking heck of a—

Nakakainis talaga ang babaitang 'to, sarap paluin.

"Hoy! Bumalik ka dito at isara mo ang pinto! Papasok ka dito tapos iiwan mong nakabukas?!" malakas kong sigaw.

"Okaaaay!" naghintay ako ng ilang minuto, tahimik na nakatitig lang sa pinto, hinihintay siyang bumalik pero wala akong ni isang nakitang anino. Sa sobrang tahimik ng paligid, parang mabibingi ako.

Umismid ako, iritang tumayo at sinara ng medyo malakas ang pinto. Why is this always happening to me every time! Is she trying to lose my patience? Baka hindi niya makaya? Nakadalawang away pa lang kami at hindi pa niya nakikita ang totoong galit kong anyo. Kung gusto niyang makita ay sasampolan ko talaga siya.

Padabog akong lumupasay at nagsimula ulit akong humalughog ng mga gamit ko.

~*~

Sinara ko ang zipper ng bagahe ko at nilock ang zipper lock. Hinatak ko ang handle at pinatong ang isang malaking bag sa ibabaw ng bagahe. Hay sa wakas, natapos rin ang pagready ko ng kagamitan para sa summer vacation.

Nagstretching ako and got so relieved when I heard my back made a crack sound. Lumapit ako sa dresser ko at kinuha ang isang flower bouquet, full of Lily and Iris flowers. Niyukom ko ang aking kabilang kamay.

Nilibot ko aking tingin sa loob ng kwarto, pinagmamasdan ang buong paligid. Remembering all the things I have in my room.

"See you in two months, room." bulong ko saking sarili at tuluyang umalis sa kwarto tsaka nilock ang pinto.

Dumiretso ako sa likod ng kotse at nilagay doon ang mga dala ko.

"That's the last one." ani mama nang sinara ko ang trunk.

"Malayo ba ang ibabyahe natin Ma?" tanong ni Lyca pag-akyat niya sa kotse sa passenger seat.

Oo nga pala, this is her first time na magpunta sa isang secluded, isolated at walang signal na lugar. I hope hindi siya magtatantrum do'n just because nababagaot siya.

Sisipain ko talaga siya, napakaspoiled brat pa naman 'yan. Ini-ispoiled kasi ni mama, kung titignan parang ako pa nag-iinakto na totoong ina niya dahil dinisiplina ko siya. Pinapagalitan naman siya ni mama pero hindi 'yung malala katulad ko.

Parallel Où les histoires vivent. Découvrez maintenant