Parallel 5

8 0 0
                                    

WARNING NIYA mukha niya! I don't want to take orders from that cold-hearted guy. Napakayabang niya at sobrang yabang! Wala sa sarili kong nilukot ang papel, aksidente na napalabas ang inis sa lalaking 'yon. Nang napagtanto kong nalukot ko ito, natataranta ko itong inayos.

Damn that guy, tinitesting niya ang pasensya ko. Dapat kasi kinuha niya nalang ang part-time job niyang 'yon. Now I can really judge him since nalaman ko na ang plastic na ugali nito. I even offered him my pancakes kanina! Buti nalang hindi siya kumuha, I'm relieved to know na ayaw niya sa mga matatamis. Yeah, I hate him too.

Napabuntong hininga ako tsaka nanlulumong tinignan ang reflection ko sa salamin ng dresser. Napunta ang tingin ko kay Bunny na nakaupo at sumasandal ang likod sa salamin. Kinuha ko siya at tinitigan ng ilang minuto.

I felt something fell on my hand. Ngayon ko lang napagtanto na umiiyak pala ako. Naging sunod-sunod ang pagpatak nito, mas lalong dumadami ang tubig na lumalabas. I can also feel my chest starts to tighten, even my jaw and lips is slowly beginning to tremble as I'm stopping my mouth to create a pathetic noise.

Napahigpit ang hawak ko kay Bunny, I want to stop the falling of the droplets of water from my eyes so I hugged it very tight. Imagining it as if it was my best friend I'm hugging.

"Iris..."

~*~

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto, dahilan ng pagkagising ng diwa ko pero binalewala ko ito. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagtulog ko, eyes still closed.

"Liliane, gising na. Anong oras na oh," sandali kong minulat ang mga mata pero agad ko rin naman itong pinikit. Yeah, the sun is setting high up in the skies, I saw it from the window. Kahit nakatatabunan ito ng kurtina ay alam ko pa rin kasi napakaliwanag na ng paligid. Pero walang makakapigil sakin sa pagbalik ko ng tulog.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, mahinahon lang ito, trying their best to keep the creaking noise into minimum. I can hear the loud sound of a shoes walking towards me. But I didn't move an inch, gano'n pa rin ang posisyon ng katawan ko— nakayuko ang half body ko, I made my arms as my pillow while my head is resting sideways above it.

Nakarinig ako na parang may something na nilagay sa bedside table, katabi lang nitong dresser na currently tinutulogan ko. But still, hindi ko minulat ang mga mata ko. I remain silent and pretends to be asleep.

Napangiwi ako when the warm sunlight touches my face, I groaned. Nakakainis naman 'to si mama. Kitang natutulog pa 'yung tao dito oh. Or should I say, nagkukunwaring tulog. Well duh, kaya nga ako hindi bumangon dahil babalik ulit ako sa pagtulog.

Kaya ang ginawa ko ay ibinaling ko sa kaliwa ang ulo ko and continued to sleep. Iindain ko ang sakit ng leeg ko basta hindi ako babangon dito. I'm still too sleepy and tired to stand. Siguro dahil 'to sa 'exploring' ko kahapon. Well, another exploring to come later though. Titiisin ko nalang ito since summer naman ngayon.

"Pretending to be asleep while in that position will make your neck hurt and become stiff." wala sa oras akong napamulat at napaupo.

"Ah—! Ow—! Ouch!" napatili ako sa sakit at agad hinawakan ang aking leeg, pumipilipit sa sakit habang nakayuko ang katawan.

"Anong ginagawa mo dito," my voice was freaking groggy, utal-utal ito and it's at the lowest point of my throat.

"Good morning, sinabihan ako ni Ma'am Jane na padalhan ka ng breakfast para paggising mo ay mabibigyan mo agad ng laman ang tyan mo. But she didn't know her daughter is only pretending to be asleep." he casually said, voice was still emotionless and cold.

Binigyan ko siya ng masamang tingin, my hands are still on my neck. Ang sakit pa rin kasi. "Walang good sa morning ko dahil ikaw agad bumungad sa paningin ko."

Parallel Where stories live. Discover now