Parallel 2

18 0 0
                                    

"LILY..." I'm starting to hear a very faint voice calling me.

"Lily..." the voice then giggled. Wait, this voice is kinda familiar. I remember this voice very well.

"Lily!" agad akong namulat dahil sa biglang pagsigaw nito ng pangalan ko at bumungad sakin ang isang nakakasilaw na liwanag.

Unti-unti ay nagiging klaro ang paningin ko. Dahan-dahan naman nawala ang pagkasingkit ng mga mata ko at napagdesisyonan kong tumingin sa paligid.

This place... This place looks familiar. Saan nga ba ito? Nakalimutan ko.

"Lily!" lumihis ang tingin ko sa maliit at cute ba bata ilang puldago ang layo sakin. She's smiling to her heart's content, isang ngiti na nakakahawa at hindi nakakasawa tignan.

"Iris?" wait, what? Why can't I speak? Bakit ayaw lumabas ang mga salita na gusto kong ilabas? Where the heck did my voice go?

"Lily, naaalala mo pa ba ako?" lumapit siya sakin mula sa paglalaro ng tea party. It's our favorite game whenever we went to my grandma every summer.

"Oo naman! I can't forget a best friend like you. The best best friend I ever have." she smiled and giggled cutely.

"Ikaw rin ang pinaka the best kong kaibigan sa buong mundo and even in Parallel!" Parallel, right. The story she used to tell me with a wide smile on her face. She really love fantasy stories that her Tita-Lola told her.

"Hinahanap mo pa rin ba ako?"

"I..."

Bakit gano'n? Naririnig niya ang sinasabi ko pero wala akong may naririnig na boses mula sakin? It's like I'm voiceless, pero naririnig niya ang kung ano man ang sinasabi ko saking isip.

Her smile starts to fade while I remain silent. "So you're going to stop searching me?" hindi ako agad makasagot, more like hindi alam kung ano ang isasagot. Bigla natupi ang dila ko sa tanong niya.

Wait a sec, this... is a dream right? Only a dream. If this is a dream... then it's not real?

"Yeah, I know it Lily. Alam ko rin naman na darating ang oras na mawawalan ka ng gana sa paghahanap sakin at sa pinto papunta sa Parallel. Siyempre, sampung taon ka naghirap sa paghahanap sakin." lumungkot ang tono ng boses niya.

"I... I'm sorry Iris. I need to stop myself in believing a lie that has no chance in making it a reality. Alam ko sa loob-looban ko na may konting pang naiwan sa paniniwalang magkikita tayo ulit," nagsimula tumubig ang mata niya but I still continued my words.

"P-Pero may mga bagay lang talaga na kailangan na nating bitawan sa kung saan ito iniwan. Lahat ng bagay ay nagbabago at walang permanente sa mundong ito." I silently explained. Hindi ako sanay na walang boses ang lumalabas sa bibig ko. It's like she can hear what my mind says. Teka, 'yon nga pala ang ginagawa niya ngayon.

"Sorry Lily ah, hindi ko naisip na you're suffering things pala dahil sakin. Best friend mo 'ko pero hindi ko 'yon nahalata." little Iris starts to cry which I also starting to get anxious.

"A-Ah! W-wag kang umiyak Iris please..." as soon as I said that to her, mabilis niyang pinahiran ang kanyang pisngi na puno ng luha.

"Okay lang ako Lily! Dahil sa ilang taon nating paghihintay sa isa't isa, magkikita na ulit tayo!" In an instant, bumalik siya sa pagiging masiyahin niya. Akala mo hindi lang umiyak.

"H-huh?"

"Mababayaran na rin ang pinaghirapan mong paghahanap sakin ng ilang taon. Phew!"

Parallel Where stories live. Discover now