Chapter 4.2

1K 90 1
                                    

Coco's POV

Ang saya-saya ko ngayon dahil magkaklase na kami ng jowa ko at bestfriend ko. Hindi ko na kailangan tumakas sa bahay para may time ako kay ut-ut. Pwede ko na siyang makita araw-araw. Wala ng makakapagpigil sa amin.

Coco: Are you happy for my surprise ut-ut? (sabay yakap sa kanya)

Frances: Yes! You're so sweet talaga ut-ut! Btw, I want you to meet my bestfriend since elementary. Meet Jaydee!

Jaydee: Hi! I'm Jaydee. (Parang ang sungit naman nito. Ganyan lang ka ikli yung sinabi niya.)

Frances: Pagpasensyahan mo na, wala yan sa mood makikipag-usap.

Coco: Ut-ut nandito rin pala bestfriend ko. Sandali pakilala ko siya sa'yo.

Pupunta na ako ngayon kay Amanda na katabi lang ni Jaydee.

Amanda: Bat di mo sinabi na dito ka mag-aaral?

Coco: Surprise HAHAHAHA tara may pa kilala ako sa'yo.

Pumunta na kami kay Frances.

Coco: Amy I want you to meet my jowa. Her name is Frances. Frances meet Amy, my bestfriend.

Amy and Frances in unison: WHAT? SIYA?!

Coco: Kilala niyo na ba ang isa't-isa?

Frances: Long story. Tara na sa canteen ut-ut. Jaydee are you coming with us or not?

Jaydee: No thanks. I'm not hungry.

Jaydee's POV

Nawalan na ako ng ganang kumain. Paano ba. Nababadtrip na ako. Umagang-umaga nasira na agad yung araw ko. This is the first time na iniwan ako ni Frances. Ouch. Parang kagat lang ng dinosaur.

Napansin ko naman si Amanda na malungkot. Ewan ko ba bat siya malungkot e nandito na nga yung bestfriend niya na si Coco. Wait I need to play with this girl. Ano kaya gagawin ko? Inip na inip na talaga ako. What if I play her heart? Ay wag na lang. Umm... Ah alam ko na!

Jaydee: Amanda! Bat di ka pa kumain? Asan na si Laney?

Amanda: Nawalan ako ng gana. Ewan ko ba dun saan ba yun? Eh ikaw bat nandito kapa? Diba dapat kasama mo si Frances? Asan na yun?

Jaydee: Eh syempre nandun kasama yung jowa niya!

Amanda: HAHAHAHA gusto mo si Frances noh?

Patay akong bata. Halata na ba ako? Sobra na ba?

Jaydee: Hindi noh! (napalakas yata yung pagsabi ko nun ah)

Amanda: Then why are you shouting HAHAHAHA Parehas lang naman tayo eh. Mahal ko rin si Coco pero may Frances na siya.

Wait what? She likes Coco? Hala! Bat parang umiiyak siya? Should I comfort her? Niyakap ko na lang siya. Ewan ko kung bakit ko siya niyakap. Nabigla rin siya sa ginawa ko pero yumakap siya pabalik.

May biglang pumasok sa room. Si Frances at Coco lang pala.

Frances: Hoy Jaydee Garcia! Anong ginagawa mo!? May pinag-usapan tayo diba? Baka nakakalimutan mo na?

Coco: Amy why are you crying? May ginawa ba siya sayo? Sabihin mo lang sakin para ma turuan ko to ng leksyon!

Amy: Calm down guys! Walang nangyari.

Coco: Eh bakit ka umiiyak dyan?

Jaydee: May pinagdadaanan lang yung tao! At ano yung sinabi mo kanina? Pakiulit nga? Tuturuan mo ako ng leksyon? WHO ARE YOU TO TEACH ME A LESSON? WHO ARE YOU TO SAY THOSE THINGS TO ME?

OH GOD MEDYO NAPALAKAS YUNG BOSES KOOO!!! Inawat na kami ni Frances at tinitigan lang ako ng masama ni Frances. Inirapan ko ulit si Coco at umupo na dahil malapit na si Ma'am Sheki.

Frances: Mag-uusap tayo mamaya Jaydee. We're not yet done. (Mahina niya sinabi)

Amy's POV

Coco: You can always talk to me whenever you have a problem ok?

Amy: Yeah thanks.

Ikaw yung problema ko coco! Bakit ang manhid mo!? SOBRANG SAKIT NA!

Jaydee's POV

Natapos na yung class namin. Hay salamat. Makakauwi na ako. Lalabas na sana ako ng room ngunit bigla akong tinawag ni Frances.

Frances: At saan ka naman pupuntay Jaydee? Diba sabi ko di pa tayo tapos mag-usap?

Pinuntahan ko na lang siya pero nakayuko pa rin ako.

Jaydee: Ano ba yung pag-uusapan natin?

Frances: About yung sa ginawa mo kanina! Sa pag-yakap at comfort mo sa Isidto na yun!

Jaydee: Bakit ba!? I don't get bothered nga about sa inyo ni Coleen! Kayo lang ba pwede gumanun?

Frances: That's not the point Jaydee! Garcia ka! Isidto siya! You know that you and Amy shouldn't be friends because of both of your parent's past!
Pinapaalala ko lang sa'yo!

Jaydee: I know my limits Frances. And I'm sorry if naoagtaasan kita ng boses.

Frances: I just want to make it clear ok? Ayoko na mapahamak ka dahil sa Isidto na yan.

Jaydee: Let's go home na? Hatid na kita like dati?

Frances: But.....

Jaydee: But what? Si Coco na ang maghahatid sa'yo ganun ba?

Frances: Yes...

Jaydee: Ok. Ingat ka.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Noon, ako palagi yung naghahatid sundo sa kanya pero ngayon hindi na. Naninibago pa ako. Noon anytime makakapag bonding kami or go to the mall, pero ngayon ay wala na siyang time para sa akin. Naisipan ko naman na mag-isang pumunta sa mall at bumili ng alak. Hindi ako makakapagbar ngayong gabi dahil may lakad pa ako bukas kasama si Mom. May ipapakilala daw siya sa akin and she's sure that I will like it daw. Hay naku si mom andami niyang alam talaga. Nakauwi na ako sa bahay at pumunta na ako sa may balcony.

Jaydee: Bakit ang malas ko naman sa pag-ibig! And I'm starting to cry...

Incoming call (Frances)...

Jaydee: H-Hello? W-who i-is t-this? ( Drunk and shaky voice dahil umiyak siya)

Frances: Are yoy drunk?! Where are you?! Why are you crying?

Jaydee: Frances? N-no I-i am n-not crying. I'm n-not d-drunk. N-nandito a-ako sa bahay.

Frances: Coming..

Binabaan niya ako kaagad ng telepono. Coming? Saan? Dito? Gabi na ah? Bakit niya naman ako pupuntahan? Baka magalit yung jowa niya pag nalaman na pupunta siya dito?

After 30 mins.

May biglang pumasok sa room. I look at the back to see who entered the room. OMG! SIYA NGA!

Jaydee: What are yoy doing here?

Frances: Ang kalat ng room mo? You told me you are not crying! Look how many bottle of liquors around here. Tell me what is the problem? (sabay hawak niya sa kamay ko)

Jaydee: I don't have a problem. Go home na Frances baka magalit pa jowa mo. I can handle myself.

I stand up to show her but nahulog ako sa sahig. That's the last thing that I remembered.

Frances's POV

Inalalayan ko siya humiga sa kama niya. Amoy alak talaga. Binihisan ko muna siya at niligpit ang mga kalat sa room niya. I decided na dito na lang ako matutulog kasi gabi na. Humiga na ako sa kama nang biglang niyakap ako ni Jaydee. Nagulat ako sa ginawa niya pero normal lang ito sa amin noon. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya pagkatapos niya akong niyakap. Hinalikan niya ako sa labi...

Nobody Can Stop Us | Jaymy Where stories live. Discover now