Chapter 49

749 92 7
                                    

Jaydee's POV

Sinimulan kong magbigay ng kung ano-ano sa ama ni Amy nung  araw na pumunta ang mama ni Amy.. Kahit ilang buwan na ang nakalipas, araw araw pa rin akong nagpapadala ng mga prutas, pagkain, mga limited editiom suits, mga paboritong wine niya.. Marami akong pinadala sa ama ni Amy.. Maraming beses niya din akong tinanggihan.. Hanggang sa isang araw nabalitaan kong naka alis na si Amanda. Mag memeet up na daw sila sa states.. Yung soon to be groom niya.. Basta hanggat hindi pa sila kasal.. I will persue her father.. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko.. Syempre masakit pa rin sa part na hindi ko na nakakausap si Amy dahil hanggang ngayon wala siyang phone or any gadgets.. At kung mayroon man may nag momonitor.. Wala siya talagang choice.. Bahala na si Batman.. Sana nasa mabuting kalagayan siya..

Hindi na rin nagawa ang kanyang promise sa akin na e email niya ako pagdating niya ng US. Siguro ganun kalupit dad niya.. Bago silang umalis sabi niya hindi niya pa alam kung sino ang lalaki na yun. Hindi pa nagpapakita.

Sana hindi ka mahulog sa kanya Amanda. Kumapit ka lang Amanda. Gagawin ko ang lahat para pumayag lang ang iyong ama.

Naisipan ko rin na humingi nang tulong sa aking ama na kausapin ang ama ni Amanda ngunit mataas din ang pride niya.. Mataas talaga ang pride nilang dalawa..

Minsan hindi na ako nakatulog kasi gabe na ako nakakauwi dahil may pasok pa ako sa paaralan at may mga meeting pa ako sa mga business partners ko at inaayos ko ang mga malalaking problema sa kompanya ko.

Kinakaya ko ang lahat para sa'yo Amanda. Kaya sana ikaw rin.

Nandito ulit ako sa harap ng bahay ng mga Isidto.

Dad: Ikaw na naman? Kailan ka mapapagod? Kailan ka titigil? At you're good at timing ha.. Pumupunta ka dito before ako umalis.

Jaydee: Hindi po ako susuko para sa anak niyo po. Gagawin ko po ang lahat para matanggap mo po ako sir.

Dad: Sad to say it's still a no! Ikakasal na ang anak ko pero hindi ka pa rin titigil!

Jaydee: But sir...

He slammed the door.. Muntik pa ako mabagok sa ginawa niya..

Nakalimutan kong hindi pa ako kumakain mula tanghalian kahapon...
Hindi naman ako nakaramdam ng gutom... Baka dahil sa pagod at stress sa work at sa ama ni Amanda..

Pumasok na ako sa school.. Naka abang naman sa akin si Frances sa gate..

Frances: Ano? He refused it again and again?

Jaydee: Yes..

Frances: When was the last time you ate Jaydee Garcia?! ( patay akong bata parang galit na si Frances Pinlac)

Jaydee: Tanghalian kahapon po...

Frances: Jaydee naman eh! Baka ano na ang mangyayari sa'yo sa pinanggagaawa mo! Maawa ka naman sa sarili mo! Mamayang gabi doon ako matutulog sa inyo! Sabay tayong uuwi mamaya!

Jaydee: Opo chill ka lang... Ito naman oh ang aga aga high blood ka na agad sa akin..

Frances: I'm concern sa'yo Jaydee! Huwag mo akong pinagloloko. Paano kapag isang araw bumagsak ka? I can't carry you!

Jaydee: Oo na po sorry na po ma'am.. Hindi na po mauulit at palagi na po akong kakain..

Frances: Kumain ka na ngayon sa canteen. Tara na.

Jaydee: Mamaya na mag be bell na.. Tara na sa room..

Wala naman siyang magagawa at sumunod na sa akin sa silid.

Ms. Sheki: Class half day lang tayo ngayon because we have a meeting para sa graduation day niyo. We need to perfectly plan this because graduating na kayo.

Nobody Can Stop Us | Jaymy Where stories live. Discover now